XVI

110 5 1
                                    

XVI - DROPS OF JUPITER

THOREN wasn't exactly sure kung papaano siya nakarating sa isang sikat na ospital sa Makati ng hindi nadidisgrasya. Pagkarinig niya sa sinabi ni Rafael bago ito umalis ay matagal-tagal siyang napako sa kaniyang kinauupuan.

She's sick. Yun lamang ang tumatak sa isipan niya. 

Is that the reason why she came to me? 

Matagal na niyang kakilala ang dalaga. Simula pagkabata ay nakakasama na niya ito sapagkat magkaibigan ang mga magulang nila. Hindi niya naman nabalitaan noon na nagkasakit si Kirsen. Bagama't tahimik ito minsan ay nakikipaglaro naman ito sa kanila noon. Medyo lalaki rin ang galaw nito dahil sa kanilang mga kababata nito. 

Sumikip ang dibdib niya habang iniisip ang kalagayan ng dalaga. Pero may kaunting inis din siyang nararamdaman. Naiintindihan na niya ngayon na halos lahat sila ay nalalaman ang tungkol kay Kirsen. Halos lahat maliban sa kaniya. 

Tumigil siya sa tapat ng isang nurse station. Lumunok muna siya bago bumuntong hininga. Naagaw niya ang pansin ng nurse na nakaduty. She smiled politely at him, "Yes po, sir?" 

"Can I know the room of a patient named Kirstin Sen Delos Santos?" 

Saglit na tumingin sa kaniya ang nurse bago nagtanong, "May I know your relation to the patient sir?"

"I'm a friend. I just got home from the States and I forgot to ask her parents the exact room." he lied without batting an eyelash. Ngumiti naman ang nurse bago tinuro sa kaniya ang room ng kaibigan. He absent-mindedly said his thanks habang nakatitig sa pinto at binasa ang pangalan na nakalagay sa pangalan na nakalagay sa may pinto. 

4010 - Delos Santos, Kirstin Sen A.

Kahit pa ilang ulit niyang basahin ang pangalan ng babae sa pinto ay hindi niya parin matanggap na talagang maysakit si Kirsen. At malala ang sakit nito. He might sound stupid pero umaasa parin siya na ang pasyente na nasa kwarto ay hindi ang kaibigan. 

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Una niyang nakita ang mukha ng tita Jensen niya, kaibigan ng kaniyang mommy, bago ang asawa nitong si Tito Kirby. Tila ba tumanda ng ilang taon ang magasawa kesa sa kanilang tunay na edad. 

Nanigas ang buong katawan niya. May kung anong bikig siyang naramdaman sa kaniyang lalamunan at namawis ang kaniyang palad. He knew that he was not such a coward pero hindi niya maintindihan kung bakit nangangatog ang kaniyang mga binti. He calmed himself down bago naglakas loob pumasok. 

Nakatingin sa kanilang direksyon si Kirsen, nakatulala. Muhang hindi nito napansin ang pagbubukas niya ng pinto. Unang bumati sa kaniya ang kaniyang tita Jensen. Ngumiti ito ng malungkot sa kaniya. "Hello hijo. Come in and sit." anito. 

Saka pa lamang parang natauhan ang dalaga sa kama bago siya nilingon. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. Walang emosyon ang mukha niya pero nakita niya ang panic sa mukha ng dalaga. 

Pero nawala rin ito kalaunan. Ngumiti ito sa kaniya. "Hey, Toreng. Ba't ka nandito?" 

Hindi siya umimik. Napansin naman niyang nabawasan ang ngiti ni Kirsen sa mukha bago namula ang gilid ng mata nito. Halatang halata ang pagpipigil nito ng iyak dahil maputi ito. Hindi niya maalalang naging ganito kaputi ang kaibigan narahil ay dahil sa mga tests na isinagawa sa katawan nito. 

"We'll just buy food outside. Come, dear. Samahan mo ako." rinig niyang sabi ng tito Kirby niya sa asawa nito. Narinig na lamang niya ang pagsasara ng pinto na hudyat na nakalabas na ang mag-asawa at silang dalawa na lamang ng kababata sa kwarto. 

Walang umimik sa kanila. Nakatitig siya sa dalaga samantalang hindi naman ito makatingin sa kaniya. Tunog lamang ng aircon at ng mga makina na nakakabit sa dalaga ang naririnig nilang dalawa pati na rin ang kanilang paghinga. 

"Why...did you lie?" tanong niya. Hindi niya napansin ang hinanakit na nakaalpas sa tono ng kaniyang boses. 

Tumulo na ng tuluyan ang luha ng dalaga sa tanong niya. Basag ang boses nito ng magsalita, "P-Paano mo nalaman? Pano mo nalaman na ako?" 

Hindi sumagot si Thoren habang nakatingin sa dalaga. May sakit sa mga mata niya na kitang-kita naman ng dalaga. Humagulhol ang dalaga. "I'm sorry. You weren't supposed to know. I'm sorry." 

"Did you have fun while making a fool out of me? Did you enjoy yourself seeing me run around looking for a girl that I didn't know is already standing in front of me?" he sarcastically said. Tumindi naman ang iyak ng dalaga sa sinabi niya. 

He should stop. Alam niya 'yon. Hindi magandang palalain ang pakiramdam ng dalaga sapagkat may sakit na ito ngayon. Pero hindi niya maiwasang manumbat. He's just a human, too. He might not react so much on things but it's not enough reason for people to toy with his feelings. 

He was upset because he fell in love with the girl he didn't know. He fell in love with Kirsen without knowing it was her. And it made him disappointed that she'd rather play with him than tell him the truth. 

His heart broke while looking at her crying. He wanted to come near her and wipe her tears dry and be the one to say sorry but he can't. His pride is not letting him do anything. He gritted his teeth and left. Without looking back while his heart tear at his every step while hearing the sound of her cries.

----

Thoren is...different from my usual male leads lol. He's like a kid in a grown up's body. 

Dear Marco ✅Where stories live. Discover now