USB

3.1K 82 46
                                    

"Hoy Kylie! ba't mo sinisave mga picture ni ...."mabilis kong tinakpan bibig ng seatmate kong si Adrian

"shh. wag kang maingay please please please. Ako na gagawa ng output mo, wag ka lang maingay" pinagdikit ko pa ang mga kamay ko na parang nagdarasal para lang wag siyang mag-ingay. Pumayag naman siya sa sinabi ko

Nasa Computer laboratory nga pala kami ngayon dahil may individual output kami sa Microsoft Excel. Sisiw naman sakin yun kaya nagsocial media at nagsave na muna ako ng mga pictures. Sayang naman kasi kung pupunta pa ako ng internet cafe, eh namumulubi na nga ako sa pagbili ko ng Flash Drive na parehong pareho kay Migz my labs. Amp. lang dahil ang mahal mahal! 32GB ba naman!

"ui, ba't mo pala sinisave mga pictures ni Haleco? crush mo ba?" kinalabit ni Adrian bilbil ko kaya napaliyad at sigaw ako ng "hay-le-co naman!'

Napatingin tuloy saakin yung ibang mga kaklase namin. Kaasar naman kasi tong si Adrian! Kita naman niyang may kiliti ako sa lahat ng parte ng katawan!

"Uy Migz, Haleco raw oh!" bulyaw nung katabi ni Migz na si Binoy pero buti nalang nakaheadset si Migz kaya malamang hindi niya narinig, ni hindi niya nga pinansin si Binoy

"Huy hindi ah! ang hilig mo talaga mag-imbento" depensa ko naman

"Uy Kylie bakit mo tinawag si Migz? May something ba?" pang-asar talaga tong si Binoy! Sarap ihampas sa pader!

"Tumahimik ka nga diyan Binoy! Papansin to!" yun nalang sabi ko tsaka ko siya tiningan ng masama. Halos kaharap ko lang naman kasi siya kaya kitang kita ko ang pagmumukha niya na halatang nang-aasar at syempre kitang kita ko rin ang gwapong mukha ni Migz. Nakakakungkot lang dahil ni hindi man lang niya ako tinitingnan, lagi lang siyang naka-concentrate sa computer.

Pinagpatuloy ko nalang yung paggawa ko ng output, pero syempre sumusulyap parin ako kay Migz. Hay naku, ang gwapo kasi talaga niya, kelan kaya ako mapapansin ng isang Migz Haleco?

Sana bukas na! sana bukas na! chos! asa naman daw ako? 

***

Vacant na namin ngayon kaya tumatambay na muna ako sa bench.Dito ko narin hihintayin si Lenny, ang kaisa-isang bestfriend ko na may saltik sa brain, after 1 hour pa naman matatapos klase nun kaya bumili muna ako ng snack. Nang papalapit na ako sa canteen ay nakita ko si  Migz na bumibili ng shake.Kaya syempre bumili rin ako. Habang hinihintay ko yung order ay pasimpleng sumusulyap sulyap narin ako tapos bago siya umalis ay tiningnan niya ako ng I think 5 seconds? Di ko alam kung nagfifeeling lang ako, pero nakita ko talaga siyang tumingin saakin dahil nagtama ang mga mata namin. Uwaa >o< kinikilig ang bones ko.

Pagkakuha ko nung shake ay agad din akong bumalik sa bench at nang uupo na ako, ay bigla kong narinig boses ni Adrina.

"Oi Kyle! Naiwan mo USB mo. pariwara ka na talaga" sabi niya sabay abot ng USB ko.

"Grabe to. naiwan lang, pariwara na. Geh salamat parin"

"Okay sige, alis na 'ko, may pupuntahan pa kasi ako"

_______

//After 41 minutes//

"Wah! Kylie! Oh ano? na-save mo ba lahat? as in lahat lahat?" Sabi ni Lenny habang nakangiti ng napakalapad.Grabe hindi naman siya excited no?

Nagtxt kasi siya saakin kanina kung pwede ko raw isave mga pictures ni Michael dahil nawala yung USB niya.Eh andun pa naman daw lahat ng pictures ni Michael na ipapaprint niya ngayon.Wala rin siyang Internet ngayon kaya hindi siya makakapag-internet.

Nung una ay ayoko talaga dahil hindi nga ako nagsisave ng pictures ko rito at kahit nga picture ni Migz wala tapos yung Michael niya meron?!

Pero syempre since bestfriend ko naman siya at future brother-in-law ko naman si Michael dahil siya lang naman ang kaisa-isang kakambal ng mahal ko, ay pumayag narin ako.

 "Ayan na po, basta pa-delete mo nalang agad after mo ipa-print ah! baka mapagkamalan pa akong may gusto diyan sa Michael mo. Kanina nga muntikan na ako e!"

"I love you na talaga Kylie baby! oh akin na. Dali dali! isauli ko nalang sayo bukas ng umaga. At don't worry ipagpipray kita kay God na sana mapansin ka na rin ni Fafa Migz mo." hinawakan niya pa ang balikat ko na para bang pinapalakas ang loob ko. Ang adik lang, dahil pareho lang naman kami ng status na hindi napapansin.

_____

//Kinabukasan//

Nagmamadali akong naglakad papunta sa Computer class namin dahil late na ako at excited na akong makita si Migz. Mwaha. Im madly inlove na talaga kay Migz, siya kaya kelan siya maiinlove saakin?

 At speaking of my angel ay nakita ko agad siya sa labas ng room namin na nakasandal pero ba't parang badtrip ata siya? Ano kayang nangyari?

"May kailangan ka?" kunot noo niyang tanong saakin nang mapansin niya atang nakatitig ako sakanya

"Ah. wala naman. hehe" ngumiti nalang ako tsaka na pumasok ng room at saktong pagpasok ko ay nakita ko agad yung USB ko na nakapatong sa armchair ko na agad ko namang kinuha

"Kyle, di ka pa ba lalabas? wala raw si mam e, kaya pwede na raw umalis after mag-attendance" rinig kong sabi ni Adrian habang kinukuha yung bag niya

"ah, aalis na rin ako, san ba yung attendance?"

"hanapin mo nalang, geh bye na :)" sabi niya tsaka kumaripas ng takbo.

ano ba tong si Adrian, wah kwents!

"Uy Jeremy, asan yung attendance?" tanong ko dun sa isang classmate ko

"abah, malay ko" tapos tinalikuran na niya ako. Ang suplado talaga nitong si Jeremy

"Oi Kyle, este Danielle asan yung attendance?" actually dalawa kaming Kyle dito kaya Danielle nalang tawag ko sakanya para hindi awkward

"andun siguro kay Migz, hanapin mo nalang, lumabas yata"

"ah. ok, sige thanks"kinuha ko mga gamit ko tapos lumabas narin ako. Baka nasa soccer field lang yung si Migz, hanapin ko nalang

Minsan talaga feeling ko, meant to be kami ni Migz. Tingan nyo naman kasi, kahit attendance pinaglalapit kami.

hinahanap ko parin si Migz nang mapahinto ako dahil hinarang ako ni Lenny habang nakahawak pa sa bewang yung isang kamay niya at nakaturo naman sakin yung isa.

"Hoy ikaw Kylie baby. Bakit puro picture mo lang ang nandito? asan yung picture ni Michael ko? sabi mo sinave mo rito? ikaw ah, landi landi mo.Ang hilig mong magpicture ng kunwari stolen shots, tapos may mga customize picture pa kayong dalawa ni Migz. May pa-heart heart ka pang nalalaman! Akala ko ba ayaw mong nagsisave ng picture ni Migz dahil baka may makaalam na deads na deads ka sakanya. Tapos kahit name ng USB mo 'Migz!' ikaw ah! landi landi mo na! kahit saakin nagsisinungaling ka na!" nag-pout pa siya habang pinapakita sa harap ko yung USB ko.... teka? USB ko ba yun? At ano bang pinagsasabi niya? Aling stolen pictures ang sinasabi niya?

"Anong sinasabi mo diyan? andito ka---" hindi ko na natapos sasabihin ko nang biglang dumating si Migz sabay hablot nung USB na hawak hawak ni Lenny kaya pareho kaming napatingin sakanya.At ngayon ay nakatayo na siya gilid naming dalawa.

"Kunin ko lang USB ko. Napalit ko yata kahapon ng pinasauli ko kay Adrian at nga pala Miss. Kyle Abliat, kung gusto mong mag-attendance, you can meet me, after our soccer practice sa bench 143...." seryoso niyang sabi habang nakatingin saakin tapos inilapit niya sa mukha ko ang mukha niya na halos ramdam ko na ang mabilis niya paghinga sabay sabi ng

"Alone. Meet me alone, understood Miss. Abliat?" pagkasabi niya nun ay agad narin siyang umalis habang naiwan kami ni Lenny na NGANGA sa mga nangyari.

Isabay mo pa ang pagkabog ng dibdib ko dahil I'm sure narinig niya mga pinagsasabi ni Lenny dahil halos sumisigaw na ito kanina.

______

Dedicated saaking sisterette sa watty na kahit busy sa school ay hindi ako nakakalimutang kamustahin! ilabyu teh! :*

One shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon