[20] His Lovely Driver

21.9K 468 57
                                    

CHAPTER TWENTY
NANGINGINIG ang kamay na isinara niya ang pintuan ng kanyang opisina. Maingat siyang nagbuntong-hininga. Hindi niya alam kung paano niya nagawang imbitahan si Thirdy na pag-usapan na lang nang maayos ang problema nang pribado.
Natagpuan na lang niya silang dalawa na magkaharap sa kabila ng mabigat na tensiyon sa pagitan nila nito.
"P-please sit down, Mr.--"
"Don't bother," malamig na putol ni Thirdy.
Wala sa sariling tumango siya.
"I-I'm sorry for the inconvenience... whatever it is..."
*Walang hiya naman, Radelyn. Daig mo pa ang first-timer, ah? Hindi ganyan ang makipag-usap sa nagrereklamong customer!, sermon niya sa sarili.
"Pinagmukha mo 'kong tanga."
Daig pa niya ang sinampal sa sinabi nito.
"You made me believe you were that simple, bubbly woman who always sees the bright side in everything, that woman who never fails to lighten up my day, and that woman who changed my life." Humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras naman siya.
Napatungo siya. Hindi niya kayang tingnan si Thirdy sa mga mata nito. Pakiramdam niya ay para siyang pinaparusahan.
"But I was wrong. Because the truth is you're nothing but a selfish person. Basta ka na lang dumating sa buhay ko at basta ka lang ding aalis? Bakit? Dahil nakuha mo na ang gusto mo? Ngayon, masaya ka na ba? Ha?"
Patuloy ang paglapit na ginawa ni Thirdy kaya patuloy rin siya sa pag-atras hanggang sa naramdaman na ng likuran niya ang matigas na pinto.
"Why can't you look at me?" nang-uuyam na tanong pa ni Thirdy. "Mahirap bang tanggapin ang katotohanan?"
"It's not w-what you t-think," kandautal na sabi niya. "S-sinabi ko na ang... a-ang totoo kina Manang a-at sa Dad mo..."
"Pero bakit hindi sa akin?" galit na untag nito kaya napapisik siya.
"S-sasabihin ko na naman sana sa'yo, eh..." Lumunok siya. "Pero narinig kita. You wanted to fire me. Ayaw mo na sa akin. I have fallen in love with you. What do you expect me to feel?" There. She'd said it.
Nang tumingin siya rito ay nakapaningkit ito.
"Dahil lang sa narinig mong 'yon? Narinig mo ba lahat? I supposed you didn't. Because if you did, dapat nalaman mo na ang dahilan kung bakit ayaw na kitang maging driver ay hindi dahil sa ayaw ko na sa'yo. Noong araw na nag-resign ka, you could have taken the opportunity to ask me!" Iniharang nito ang mga kamay sa magkabilang gilid niya, cornering her.
"I wanted to, Thirdy, believe me!" sabi niya sa nahihirapang tinig. "Pero nakita ko kayong magkasama ng ex mo no'n. Tinanong ko si Kuya Carson at ang sabi niya, sinusubukan niyong ayusin ulit ang relasyon ninyo! Siyempre, masakit 'yon. Nagseselos ako, eh!"
Mariin itong pumikit kasabay nang mariing pagmura nito sa kaibigan.
"Hindi ka dapat naniwala sa kanya. Niloloko ka lang ni Carson no'n! Kung nakita mo man kaming magkasama ni Shantal, hindi 'yon dahil sa nagkabalikan na kami. 'Yon ay dahil sa may pinagsamahan kami bilang magkaibigan. Pero hanggang doon na lang 'yon. There's no way we're getting back together when I have already fallen in love with you! Besides, nang magkita kami ulit, I realized I didn't love her at all. Ni minsan ay hindi ko naramdaman sa kanya noon ang nararamdaman ko sa'yo ngayon."
Napamaang siya.
"I don't want you to just be my driver, Radee. I want you for myself. I love you! Dammit!"
He grabbed her by the waist and kissed her fully on the lips. Nabigla siya. Siyempre, unang beses ba naman niyang halikan sa buong buhay niya, ano!
Oh well, para saan pa at may instincts, 'di ba?
She cupped his face with her palms and welcomed his tongue.
Lahat ng mga dinaramdam niya ay agad napawi ng mga halik nito; lungkot, guilt, sakit at pananabik dito. Isa lang ang tanging natira. Iyon ay ang katotohanang hindi na niya maikakailang mahal na mahal niya si Thirdy.
They were both catching their breaths nang maghiwalay ang kanilang mga labi pero nanatiling nakayakap pa rin sila sa isa't-isa. Hirap siyang ipaliwanag ang biglang pagbabago ng damdamin niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa sobrang kaligayahan.
"Are you sure you love me, Thirdy? You already know by now I'm not what you think. I lied to you. Do you still want me?"
For the first time mula nang muli silang magkita ay nakita niya ang pagsilay ng  ngiti sa mga labi nito.
"Of course. Bakit, akala mo ba ikaw lang ang may sekreto?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.
Hinila siya nito sa kamay. Umupo ito sa swivel chair niya at kinandong naman siya nito.
"Kailangan kong umupo. Medyo mahaba-habang paliwanagan ito, eh."
Natatawang inihilig niya ang ulo sa dibdib nito sabay singhot sa pabango nito. Isa talaga ang amoy nito sa na-miss niya.
"Matagal ko nang alam na nagpapanggap ka lang na driver."
"What?" gulat na anas niya. "Kailan pa? Paano?"
"Kay Carson. Noong unang beses na ipinag-drive mo 'ko, I called Carson right after and asked about you."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Noong unang araw rin mismo? Kung gano'n bakit tinanggap mo pa rin ako?"
Humigpit ang pagkakayakap nito sa beywang niya.
"Nagandahan na kasi ako sa'yo noong una pa lang kitang nakita," he said sheepishly. "And I wanted to get to know you right then. Hey, it's not everyday I get to meet someone like you. And I always knew back then na magiging special ka sa buhay ko. Carson also told me na isang buwan mo lang balak na maging driver ko kaya naman bago pa matapos ang isang buwan, nagpahanap na ako ng ipapalit sa'yo. Gusto kong ipagtapat na sa'yo ang totoo bago ka pa mawala at magsisi ako."
"P-pero nangako sa akin si Kuya Carson na hindi niya sasabihin sa'yo---"
"I made him promise," putol nito. "Alam kong mag-aalala ka pagdating kay Carson kaya kinuntsaba ko siya para hindi ka umalis kaagad. I love having you around, Radee. Nakakalimutan ko ang lahat kapag kasama kita. Noong minsang umulan nang malakas at hindi ka pa nakakauwi, hindi na ako mapakali no'n. Handa na sana akong suyurin ang buong Pilipinas mahanap ka lang kung hindi ka pa dumating. Hindi maganda ang mga pumapasok sa utak ko. Hindi ko ma-imagine sakali mang napahamak ka.
And when you said you wanted to resign, pakiramdam ko gumuho ang buong mundo ko. Ayokong isipin na nahuli na 'ko. Handa na sana akong ipagtapat sa'yo ang lahat ng nararamdaman ko. But you said you have a flight to catch. Bigla akong natakot na baka hindi na ulit kita makita. Gano'n pa man, handa pa rin akong maghintay. Kung sinu-sino na ang hiningan ko ng tulong. I even hired an investigator para lang mahanap ka sa Antique."
Parang maiiyak siya sa mga pag-amin nito. Ang buong akala niya, hanggang imagination lang niya na pareho lang sila nito ng nararamdaman.
"T-totoo? Baka naman ginu-good time mo lang ako kasi ayaw mo lang akong swelduhan?"
"Pwede ba naman 'yon?" Dinampian nito ng halik ang tungki ng ilong niya.
"Matatanggap pa rin ba ako ng pamilya mo kahit na nagsinungaling lang ako?"
"Si Manang Lory at si Dad? Alam na nila ang totoo bago mo pa man ipagtapat sa kanila ang lahat. Lahat kami alam. And we love you for that."
"Huhulaan ko, matagal na nilang alam 'to, 'no?"
Nakangiting tumango-tango si Thirdy.
"Nakakahiya! Nagi-guilty pa naman ako tapos alam niyo na rin pala lahat." Napaingos siya at sumubsob sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang engot sa harap ng mga ito.
Thirdy chuckled and caressed her back.
"Walang nakakahiya ro'n. Wala ka namang intensiyong masama, 'di ba?"
"Right. Kahit na ang ma-in love sa'yo, hindi ko rin 'yon intensiyon pero hinayaan ko ang sarili ko."
"And it was the best thing that ever happened to me."
Napalabi siya. "Eh bakit ngayon mo lang ako pinuntahan?"
"I'm really sorry. Hindi ko alam na hindi ka naman pala talaga umuwi. Kung hindi ko pa piniga si Carson, hindi pa niya sasabihin na hindi ka naman talaga umalis kahit na alam niyang halos mabaliw na ako sa kakahanap sa'yo. Talagang malalagot sa akin ang isang 'yon."
Hinaplos niya ang pisngi nito.
"I'm sorry, too, Thirdy. Wala na sana akong planong magpakita sa'yo kahit nami-miss na kita. Sinabi kasi niya na nagkabalikan na kayo ni Shantal. Masakit para sa 'kin 'yon," she said guiltily.
"Naniwala ka naman sa kanya?"
"Ang ganda kasi n'ong ex mo, eh. Victorias's Secret model ba naman!"
Natatawang kinabig nito ang ulo niya upang magdikit ang kanilang mga noo.
"Walang panama 'yon sa'yo."
"Pampalubag-loob."
"Of course not. I love you," masuyong sabi pa nito. Akmang hahalikan na sana siya nito nang bahagya niyang inilayo ang mukha.
"Sandali lang," pigil niya sa dibdib nito. "Kung matagal mo nang alam, bakit para mo 'kong kakainin kanina?"
"Ah, 'yon? Gimik ko lang 'yon para takutin ka."
Hinampas niya ito sa balikat.
"What?" reklamo nito.
Bumungisngis siya. "I love you, too."
Akmang magtatagpo na muli ang kanilang mga labi nang makarinig sila ng mga sunod-sunod na pagkatok sa pintuan.
"Radelyn Tingson, napapaligiran ka na namin!" si Camya.
"Lumabas ka riyan kung ayaw mong maghalo ang kerosene sa diesel!" si Jingke.
Inis na binalingan niya ang direksiyon ng pintuan.
"Mamaya na nga kayo, nagmu-moment 'yong tao rito, eh," angil niya.
"Aba, nangangatwiran ka na, ah!" si Camya at binayo ang pinto.
*Pasaway!
MALAPIT nang makatatlong ikot sa man-made river ng Sanctuary Gardens ecopark ang maliit na bangkang sinasakyan nila ni Thirdy ngunit hindi pa rin kumakalma ang dibdib niya.
Napakagandang lugar ng pinagdalhan sa kanya ni Thirdy para sa second monthsary nila which happened to be Valentine's Day.
"Relax, malapit na tayong makatatlong ikot," pigil ang ngising sabi ni Thirdy na siya mismong nagsasagwan.
May myth daw kasi ang ilog na iyon. Kapag daw nakatatlong ikot ang dalawang taong nagmamahalan sa ilog ay ang mga ito ang magkakatuluyan. Kung sino ang nagpauso, hindi malinaw. S-in-uggest lang naman sa kanila iyon ni Cedfrey.
Romantic sanang gawin iyon kung hindi lang siya malula-lula kapag napapatingin sa tubig. Pakiramdam kasi niya ay tataob ang bangka at mahuhulog sila. Hindi pa naman siya kagalingang lumangoy.
"Thirdy, p-pwede namang hindi na natin gawin 'to, eh. H-hindi naman nakasalalay sa kung ano mang ka-echosan ang mangyayari sa future nating dalawa. Utang-na-loob, nahihilo na 'ko, o," nakangiwing sabi niya habang nakakapit sa magkabilang gilid ng bangka.
He chuckled. "Okay. We made it."
Binitiwan na nito ang sagwan kaya nakahinga na rin siya nang maluwag. Ang palatandaan kasi nila ay sina Jingke, Camya at Takeru na nakasalampak sa may dock habang pinagtatawanan siya.
Sa gabi ng reunion nila noong December, Takeru showed up and asked Camya to marry him. Himalang hindi nag-inarte ang kaibigan niya kaya hindi na humaba pa ang prusisyon. Sa wakas ay matatawag na ring couple ang mga ito.
"Aahon na ba tayo?" tanong niya.
"Hindi pa."
Napanguso siya. "Utang-na-loob ulit, Alejandro III!"
Tumawa na naman si Thirdy.
"May itatanong pa 'ko sa'yo."
"Ano na nga 'yon para makabalik na tayo sa kanila?" atat na sabi niya.
"Ito naman, o. Kaunti na lang, iisipin kong hindi mo naman ako mahal," kunwari ay nagtatampong sabi nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"Bakit mo naman maiisip 'yan? Loko ka. Ang sinasabi ko lang, gusto ko nang tumuntong sa lupa. Natatakot akong madiskubreng sirena naman talaga ako at sa South Pole ako nakatira. Baka hindi ko kayanin. Ayokong mapalayo sa 'yo, 'no."
Pambihira. Kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya.
"Kahit sa asteroid ka pa nakatira, mamahalin pa rin kita," sabi naman ni Thirdy at may kinapa mula sa bulsa nito.
"'Yan ang gusto ko sa'yo, Thirdy, eh. Tanggap mo ang saltik ko. He-he," sabi niya at bumungisngis.
Napawi ang ngiti niya nang sa isang iglap lang ay may hawak nang singsing si Thirdy na may batong kumikinang-kinang pa.
"Nang ma-realize ko sa sarili ko na mahal na nga talaga kita, isa lang ang naalala ko and it was Mom. Before she left us, she told me that I should look for someone who doesn't care what she'll look like basta't mapatawa lang niya ako. Someone who is strong but still needs someone to protect her. I always knew you are that someone, Radelyn. At blessed ako. You know why? Because hindi na kita kailangang hanapin. Kusa kang dumating sa buhay ko. And guess what, I'm never letting you go. So let's get married, sweetheart."
Napakurap-kurap siya. She stared at the ring as if she'd seen it for the first time. Then images of young boys and girls chased by Thirdy in a living room flashed her mind.
"Say 'yes'. Make me the happiest man in the world."
Natutop niya ang bibig. Thirdy really is proposing to her!
Narinig niya ang impit na pagtili ni Camya at ni Jingke pero tinalo iyon ng nagwawala niyang puso.
Pinaypayan niya ang sarili gamit ng kamay upang kumalma ang kanyang sistema.
"Hoy," untag ni Thirdy.
Iniabot niya rito ang kamay niya.
"Yes na yes!"
"Whew!" anas naman nito na para bang nakahing nang maluwag. Kinuha nito ang kamay niya at isinuot sa kanyang daliri ang singsing.
Hindi na niya napigilan ang mapaluha habang nakatingin sa daliri niyang may singsing. Muling kinuha ni Thirdy ang kanyang kamay at masuyong hinalikan ang likuran ng kanyang palad.
"Ang ganda," paanas niyang sabi.
Pinahid naman nito ang kanyang mga luha.
"I love you," he said lovingly.
"I love you, too, Thirdy!" Tinawid niya ang pagitan nila at niyakap ito nang mahigpit. She's so happy that everything around her didn't matter anymore.
Niyakap din siya nito nang mahigpit.
"Sweetheart, tataob yata tayo," nakatawang sabi nito.
Humagikhik lang siya. "Hayaan mo na."
*THE END*

🎉 Tapos mo nang basahin ang Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed) 🎉
Alejandro's Empire #2: His Lovely Driver(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon