Special box

160 20 1
                                    

Sa bawat pag pasok ko ng classroom tuwing umaga lagi akong nakakatanggap ng special box galing sa taong hindi ko kilala, at lahat ng bagay na gusto ko na hindi ko kayang bilhin ay nakalagay dun sa secret box....

Whoah! bestie bakit may box sa table mo ?  -- nag tatakang tanong ni Leonna

Ewan ko nga ehh?  -- binuksan ko yung box at tumambad sa akin yung hair clip na gustong gusto kong bilhin,actually pinag iipunan ko nga yun para mabili  ...

Bestie diba yan yung hair clip na pinag iipunan mo para bilhin? 

oo nga ehh sino kaya nag bigay nito whoahh sobrang thank you thank you talaga ang sasabihin ko sa kanya pag nag kita kami... -- 

nilagay ko yung hair clip sa buhok ..

Bestie nakakakilig ka meron kang secret admirer...! ayieehhh...

tiningnan ni Leonna yung box at may napansin syang papel na naka fold ng sobrang liit

bestie may papel ohh, sabay abot nya sa akin 

binuksan ko yung papel at binasa ko iyon..

to: Alice

        Hi Alice sana nagustuhan mo yung hair clip na binigay ko, pasensya kana kung hindi ko kayang ibigay sayo yan sa personal na to-torpe kasi ako ehh, tsaka nahihiya ako sa sarili ko baka kasi hindi mo ako magustuhan... 

From: MINMIN

KYAAAAAHHHHH!!! Bestie nakakakilig!!

Napangiti ako matapos kong basahin yung letter, pero ayaw kong paasahin sya may gusto na kasi akong iba at yun ay si Matthew yung nerd na classmate namin ..

Leonna ayokong paasahin yung taong nagbigay sakin nitong special box, diba alam mo naman gusto ko si Matthew..

Pssshh! ano kaba bestie nakakaasar ano bang nagustuhan mo sa weirdo na yun ni hindi ka nga pinapansin nun ehh puro aral na lang yung inaatupag nun..

ano kaba huwag kang judgemental Leona hindi mo pa siya kilala..

bakit ikaw kilala mo na ba ugali nya?

hindi din, pero alam ko na mabait si Matthew

asus! ewan ko sayo,,,

 Hindi sya tumigil sa pag bibigay sakin ng special box hanggang sa nag 4th year kami hindi ko naman mabalik sa kanya yung binibigay nya kasi hindi ko sya kilala, ayoko na umasa sya kasi hindi ko naman talaga sya mahal ....

February 14 

Ang araw na pinakahihintay ko hehe.. february 14 kasi ang birthday ko kaya masaya ako, ang galing nga eh kasabay pa ng valentines day  ^_^ 

nakaupo ako sa upuan ko kasama si Leonna, may babaeng lumapit sakin na may hawak ng box

Ikaw si Alice Fernandez tama ba ako?

Oo ako nga, anong kailangan mo?

Ahh pinabibigay sayo ni Minmin - inabot nya sakin yung box

ayiieehhh wow si Alice my secret admirer nakaka kilig - asar  ng mga classmate ko sakin

Papaalis na sana yung babae ng bigla ko syang pinigilan 

Teka sandali kilala mo si Minmin?

Matagal sya bago nakasagot 

Ahh.. Hindi -- hin--di ko sya kilala - pag kasabi nya nun agad syang tumakbo at umalis

SPECIAL BOX (ONE SHOT STORY)Where stories live. Discover now