[Be] All Right Reserved

113K 1.2K 129
                                    

May nakaprivate po na chapter bago ang chapter na to. Hindi po sa pinagdadamot ko na mabasa nyo or something kaso ako po ay nahihiya sa isinulat ko. Pasensya na po. Saka andun pa din naman yung flow ng story kahit hindi nyo mabasa yun.

Heidee's POV:

Nagising ako kinabukasan ng medyo may araw na. Dapat sana maaga akong aalis para tumakas. Para takasan ang lahat ng nangyari. Pero paano ako makakabangon ng maaga kung ilang beses pang naulit ang bagay na yun bago kami tuluyang nagpahinga. Tinupad nya yung sinabi nya na magiging SPECIAL yun, sa sobrang SPECIAL.. parang ayaw ko ng umalis sa tabi nya.

At paano ako makakaalis kung simula pa kagabi ay yakap yakap nya ako. Hindi ko alam kung bakit kailangang ganito sya kasweet pagkatapos ng lahat. Tanggap ko naman eh. Nangyari ang lahat dahil sa kagustuhan ko, at napilitan lang sya. Pero bakit ganito sya ngayon?

"Good Morning.."

Nakangiting sabi nya. Mabilis nya ako hinalikan sa labi tas banayad na halik sa noo.

"bat may morning kiss? hoy Jireh.. kagabi lang yung usapan natin... baka makalimutan ko ng tuluyan ang usapan natin"

Hinalikan nya ulit ako. Ngayon mas matagal. Kaya wala na akong nagawa kundi tugunin ang halik nya. Heidee hanggang kagabi nga lang ba? Pero bakit ayaw ng puso at katawan mo? Bakit sa isang halik bumigay ka agad? Bakit kasi kailangang pagdaanan ko lahat ng ito? Bakit kasi iba ang MAHAL mo.

All Rights RESERVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon