Chapter 10

2.4K 51 9
                                    

Bumubuhos ang malakas na ulan nang tumigil ang taxi sa tapat ng malaking building kung nasaan ang condo ni Chad. Pagkabayad ko ay nagmadali akong bumaba at dumaretso sa loob. Sumakay ako sa elevator paakyat sa floor kung saan naroon ang condo unit niya. Magkasiklop ang mga kamay ko habang pinapanood ang pag-iiba ng mga numero ng palapag sa itaas. Mabilis na tumitibok ang puso ko habang palapit na ako ng palapit sa eksaktong palapag ng building. Nag-‘ting’ ang elevator at bumukas ang pinto nito. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad palabas roon. Habang tinatahak ang pasilyo ay sinisimulan ko ng sabihin sa utak ko ang mga sasabihin ko mamaya kay Chad kapag nakita ko siya sa unit niya. Siya na lang ang tanging pag-asa ko para maging maayos ang buhay ko. Wala akong ibang gustong makasama maliban sa kanya. Siya lang ang gusto kong maging asawa at hindi ang ibang lalaki. Iniisip ko pa lang na hindi siya ang makakatuluyan ko, paulit-ulit ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na tuluyang magpakamatay na lang. Mas mabuti na iyon kaysa sa maranasan ko ang mala-impyernong buhay kasama ang iba habang humihinga ako.

  Tumigil ako sa paglalakad nang marating ko ang pinto ng unit ni Chad. Puno ng determinasyon na inunlock ko ang pinto sa pamamagitan ng pag-pindot ng password sa isang device na nakakabit sa gilid ng pintuan. Ibinigay sakin iyon ni Chad noon upang makapag-acess ako kahit wala siya. Minsan kasi pumupunta ako dito mag-isa para ipagluto siya habang nasa school siya o di naman kaya ay nasa photo shoot. Bihira lang kasi siyang kumain ng lutong-bahay dahil mas madalas siyang nagpapa-order na lang sa labas, masyado kasi siyang busy kaya kahit pagluluto hindi na niya mabigyan ng oras.

   Narinig ko ang pag-unlock ng pinto. Napangiti ako sa isiping hindi pa rin niya iyon pinapalitan. Maingat na binuksan ko ang pinto at tahimik na pumasok sa loob. Nakaramdam naman ako ng pagkadismaya ng makitang walang tao sa sala pero ang nakapagtataka eh bukas naman ang mga ilaw. Nasa kwarto siguro siya. Muli akong humakbang patungo sa silid niya nang bigla akong matigilan  sa narinig ko, nanggagaling iyon sa loob ng kwarto ni Chad. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ng isang…… babae. Para makasiguro ay maingat na humakbang pa ako palapit doon. Mula sa siwang ng pinto ng silid ay malinaw na nakita ng paningin ko ang isang babae na nakasuot ng roba, nakaharap siya kay Chad na noo’y nakatalikod sa pinto. Automatic na nangatal ang buong katawan ko. Bukod sa mommy niya, ang akala ko ay ako lang at si Sofia ang tanging babae na nakakapasok dito sa condo niya pero anong ginagawa ng ibang babae dito at sa loob pa mismo ng kwarto niya at ang masaklap, she’s wearing a bath robe! Naisipan kong pumasok para komprontahin siya nang biglang magsalita ang babae.

“Nasisiraan ka ng bait Chad! Oo! Nasa plano natin ang pakasalan mo siya para maisagawa natin ang lahat pero hindi ang ilayo siya! Kapag inilayo mo siya sa pamilya niya wala kang makukuha ni singko, ikaw pa ang maghihirap para buhayin ang  babaeng ‘yon! Pano na ang mga pinaghirapan natin! Paano naman ako?”
    sigaw ng babae. Mas lalo akong naguluhan. A-anong plano ang sinasabi niya?

“Sinabi ko na sa’yo ang dahilan Pauline. Wala ka ng ibang magagawa kundi ang irespeto ang desisyon ko. Matagal ko na ‘tong napag-isipan at hindi na magbabago kahit ano pang sabihin mo. ‘Wag kang mag-alala, babayaran ko ang lahat ng ginastos mo. Ilalayo ko si Cathy at bubuhayin ko siya ng mag-isa. I’m sorry, Pau.”
    ani Chad sa malungkot ngunit desididong tono. Nagpanic ang itsura ng babae, naningkit ang mga mata niya sa pagpigil ng luha. Kita ko ang nakaukit na sakit at galit sa kanya. Matagal kong tinitigan ang mukha ng babae, napaka-pamilyar ng mukha niya, kung hindi ako nagkakamali, nakita ko na siya! Ang Pauline na pangalan! Tama! Kilala ko siya.

   Bago ko pa man maalala kung saan at kailan ko siya nakita ay  aksidenteng nagtama ng mga mata naming dalawa mula sa maliit na siwang ng pinto. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako ngunit mabilis niya iyong iwinaksi upang hindi mahalata ni Chad. Hindi ako namamalik-mata, nakita  niya ako! Nakita kong mabilis na tumingin siya kay Chad.

“Hindi mo siya mahal! Oo tama, hindi mo mahal ang babaeng ‘yon. Ginagawa mo lang ‘to dahil gusto mong ma-solo ang pera ng pamilya niya! Sa oras na pakasalan mo siya, hahangaan ka ng pamilya niya. Sino nga ba namang martir at tangang tao ang papatol sa isang babae na nadisgrasya ng iba?”

“Pauline!”

“ Kapag nangyari ‘yon, sayo ipamamana ang lahat  ng ari-arian ng pamiya Villaflor kabilang na ang komapanya na pagmamay-ari nila. Matutupad na ang plano natin, makakaalis ka na sa pamilyang kinagisnan mo na ginagawa kang puppet! Makakalayo ka na sa anak nila na obsess sayo! Mahahanap mo na ang tunay mong mga magulang! ‘Yun diba ang dahilan Chad? Sige, hahayaan kita sa gusto mong gawin basta sabihin mo lang na tama ang sinabi ko! Sabihin mong hindi mo siya mahal! Ako lang ang mahal mo dahil ako ang mas nauna mong nakilala at minahal bago ang Catherine na ‘yon!”

“OO! Oo Pauline!    Hindi ko siya mahal! Hindi ko siya minahal kahit kailan! Naging tapat at mapagmahal lang akong boyfriend sa kanya dahil iyon ang nasa plano natin! Hindi ko siya mahal kaya wala sakin kung nabuntis man siya ng iba! Oo! Gusto kong masolo ang mana, at ayoko ng may kahati Pauline! Pakakasalan ko lang si Catherine dahil sa pera! Pakakasalan ko lang siya dahil gusto kong makuha lahat ng kayamanan ng pamilya niya para magamit ko sa lahat ng plano kong gawin sa  buhay! At kapag nagawa ko ‘yon lahat, iiwanan ko siya at magpapakasal tayong dalawa.”


I Love You, Tell Me I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon