Simula

46.7K 135 1
                                    

SIMULA

WARNING R-18

--

Pakiramdam ni Helena ay siya ang pinkamalas na babae sa buong mundo pagdating sa pag-ibig. Tatlong beses siyang nagmahal pero lagi siyang iniiwan.

Una ang dati niyang asawa na namatay naman dahil sa cancer. Pangalawa ay si Harris na ang totoong mahal naman pala ay ang anak niya. Pangatlo ay si mike na ipinagpalit siya sa kaibigan nang anak niya.

Hindi na siya umaasa na may magmamahal sa kanya. Naging masama siya dahil sa pag-ibig, nasaktan niya ang anak niya.

Tangap na niya na mag-isa nalang siya, walang magmamahal. 36 years old na siya. Pero kahit ganun ay maganda parin at sexy siya.

Pano kung makilala niya ang binatang si Jason? Na handa siyang mahalin kahit na sobrang layo nang agwat nang edad nito sa kanya. 21 lang ang binata. 

Si Jason ay mabait, matalino at mapagmahal na anak, lagi niyang sinusunod ang kanyang magulang. Pero hahayaan ba niyang kontrolin siya nang magulang niya pagdating sa pag-ibig?. Lalo na at ayaw nang INA niya sa babaeng mamahalin niya nang higit pa sa buhay niya.Handa ba niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Helena?



WARNING R-18

--
JASON

Nakikinig ako ngayon sa isang babaeng lasing, nag kukwento ito nang kung ano-ano, actually hindi ko siya kilala nakasalubong ko lang ito nag lalakad at lasing na lasing. Kaya ito kami ngayon nakaupo sa labas ng mini mart, habang nakikinig na kwento niya.



"T-tapush alame mow ba weady na akong mahalin sha kaya lang ayaw na niya sa-kensh hik," patuloy ito sa pag kukukwento, nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha.

Sa itsura niya ay halatang may edad na ito, pero kahit ganun ay sobrang ganda pa rin nito at parang hindi kapani-kapaniwala ang kweto nito na may anak na itong 19 years old.

Humalumbaba ako at pinakatitigan ang maganda niyang mukha, napakaganda talaga nito. Nakatitig ako sa mukha niya at halos mapamura ako ng makita ang pagpatak ng luha nito sa maganda at makinis nitong mukha, agad naman niya itong pinunasan. Napatingin ito sa kanya.


"Aalish na akow hik." tumayo ito at tumalikod para makaalis, mabilis naman akong tumayo at ipinulupot ang braso ko sa bewang niya dahil muntik na itong matumba kung hindi ko lang naagapan.


"Ihahatid na kita, saan ka nakatira?" Malumanay na tanong ko sa kanya, mapupungay ang mata nito na tumingin sakin, bumuka ang bibig nito at sinabi sakin, malapit lang ang tinutuluyan nito sa bahay ko. Tuluyan na itong nakatulog nang ipasok ko ito sa kotse ko.


Napatingin ako sa kanya, hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa maganda niyang mukha. Napangiti ako dahil kahit natutulog ito ay maganda parin.


"Siguro itinadhana na magkita tayo," natatawang sabi ko sa kanya kahit tulog ito, kung hindi siya pinapunta ng mga kaibigan niya sa bar na yun ay hindi niya sana makakasalubong ang mgandang lasing na ito, napailing siya sa kanyang naisip.


"Kung ako ang mamahalin mo Hindi na kita pakakawalan pa,’ inilapit niya ang mukha niya sa mukha nito at dinampian ng magaan na halik ang  babae.

Binuksan niya ang bag na dala nito, hinanap ang ID nito, napangiti siya ng makita ito.

"Helena Gomez, 36 years old," basa ko sa nakalagay sa I'd niya.

"15 years lang naman," nakangiting sabi niya, ibinalik niya ang I'd sa loob ng bag nito.

Umayos na siya ng upo at pinaandar ang kanyang kotse, sinulyapan pa niya ng isang beses ang babae bago sinimulang mag drive.


"Helena," ang gandang pangalan, ang sarap bigkasin sa aking labi.


WARNING R-18

---
HELENA

Masakit ang ulo ko nang magising kinaumagahan, inikot ko ang mata ko at napabuntong hininga nang makitang nasa apartment ko na ako. Wala akong maalala kong pano ako na kauwi pero pinagkibit balikat ko nalang iyon, baka sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na matandaan na nakauwi ako.

Agad akong bumangon, napakunot ako nang noo ng makakita ng gamot at tubig sa ibabaw nang maliit na drawer sa gilid nang kama ko, nakakita ako nang maliit na papel sa tabi nito kaya kinuha ko.


"Drink this,” mahinang basa ko sa nakasulat, nag salubong ang kilay ko. Sino naman kaya ang naglagay nito dito, wala naman akong ibang kasama sa bahay ko.

Nanlaki ang mata ko, tiningnan ko ang suot ko at nakitang iyon parin ang suot ko kagabi noon pumunta ako nang bar, napabuga ako nang malakas.


"Siguro si pia  ang naghatid saken9” mahinang bulong ko sa sarili, si pia ay isa sa kaibigan ko.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag Dial ng number ni pia para pasalamatan ito.


"H-hellow Helena," sagot nng nasa kabilang linya, halatang bagong gising.


"Ah pia salamat pala sa paghahatid saken," tumayo ako at lumabas nng kwarto ko.


"Anong sinasabi mo dyan Helena?! Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?" Napatigil ako sa pagpasok sa kusina  dahil sa sinabi niya.


"Ano hindi ikaw ang naghatid saken?" Kung hindi siya ay sino?

"Oo nga bigla ka nalang nawala," galit na sagot nito at base sa Boses nito ay parang nkataas ang isang kilay nito.


"Ah ok baka nag kamali lang ako," pinatay ko na ang tawag, dumeretsyo ako sa kusina para magluto ng almusal ko.

Napataas ang kilay ko nang makita ko na may nakalagay sa ibabaw nang lamesa, nakatakip ito kaya binuklat ko at halos mapanganga ako ng makita na pagkain iyon, may bacon, egg, hotdog fried rice at toasted bread.


"Sino nag luto nito?" Tanong ko sa sarili ko dahil wala naman akong kasama sa bahay kundi ako lang Simula nang iwan ako ng anak ko.


"Si mike kaya?" Napailing ako dahil sa naisip dahil malabong mangyari yun, dahil alam ko masaya na ito sa piling ni dhana ang kaibigan nang anak ko.


Hindi ko kinain and nakahain sa lamesa, baka may lason yun at hindi ko rin naman alam kong sino ang nagluto noon. Nagluto nalang ako nang sariling pagkain, napabuntong hininga ako.


"Ganito kanalang habambuhay Helena mag isa," malungkot na bulong ko sa sarili ko.

Affair 3: My Best Friend's Hot Daddy (R-18)✔(PUBLISHED UNDER DREAME APP)Where stories live. Discover now