UNO

15 0 0
                                    

UNO

I Looked at the sky when a ray of light hit my vision while I was reading a novel. Nandito ako nakahiga sa isang duyan nasa gilid lang ng aming room sa forestry extension. Pag mamay-ari ito ng ma-asawa nakatira ilang hakbang lang mula sa kinaroroonan ng duyan, kung nasaan ako. Their house is made up of wood, not that big but enough for a husband, wife a child to live in. The husband is a teacher doon sa elementary school while I dont know kung ano ang trabaho ni Ante. I call her ante since the day I became comfortable around her. During weekdays, her house would become a store, where wed buy junkfoods and snacks since its near our classroom at hindi pa mahal yung mga bilihin, unlike the canteen located in the main forestry building na mahal ang mga pagkain tapos sobrang taray pa ng tindera.

Now that I thought about it, every college in this University may canteen match with matataray na mga tindera na naiinis kapag bills yung binabayad namin at hindi coins, wala daw kasi silang sukli kaya dapat kami yung mag hanap, kami ang mag adjust.

I am wearing our SHS uniform na gustong gusto ko. The checkered blue and white below the knee skirt matches with the white polo blouse na may naka engraved na seal ng University sa left side chest and a ribbon same color ng skirt na tinatali namin into a bow sa colar. Thought I'm having a hard time trying to lay down, buti na lang at may malong na dala si Raine kaya komportable akong nakahiga sa duyan dahil natatabunan ng malong yung checkered blue and white na below the knee skirt ko.

Umihip ang hangin and I watched as the leaves from the trees around me swayed habang yung iba ay natatangay na ng hangin. This is what I love about forestry, yung preskong hangin at napapaligiran ng mga kahoy at halaman. It gives me peace.

Matagal ko nang pangarap ang makapag-aral sa Unibersidad na ito ng aming Probinsya. Unang pagtapak ko lang sa paaralang ito, gustong-gusto ko nang dito makapagtapos ng pag-aaral. This University had produced high caliber graduates, mostly top-notchers in different board exams. I smiled at that thought.

I looked back at the book I was holding and was about to continue reading nang biglang dumating si Neil.

"Jessy, pupunta kami sa CBM may booths kasi doon gusto naming tingnan para kasing ngayon na yung Entrapreneurship ng Grade 12 and I think its fun. Sama ka." He said habang umuusog ako para maka upo siya sa duyan.

"Hindi na muna ako pupunta don Neil, Tinatamad akong maglakad." I said imagining us walking down the stairs na nasa harapan lang ng main bulding ng forestry. Our classroom is located in the forestry extension, kumbaga na separate, pero I guess it would only take 30 steps from the main forestry bulding para maka abot dito sa extension. Our room is F507 nasa likod na since F501-506 yung nasa harap, para siyang elementary structured bulding. I heard him take a deep breath at tumayo na.

"Okay, we will buy you food kapag may nakita kami sa mga booth ha." He said and bid his goodbye. Naghihintay sina Raine sa labas ng room namin habang may pagtataka sa kanilang mukha ng makitang hindi ako sumunod sa kanila. Neil said something at tumango naman sila. Ako lang ata yung hindi pupunta. They gave me a flying kiss at pabiro ko namang tong sinalo making them laugh. Nang tinalikuran na nila ako at naglakad na palayo, I continue reading.

I really have this feeling na hindi mag cousins sina Klare at Elijah. Sabayan pa ng pagpaparamdam ni Pierre during Elijah and Klares date sa Dahilayan. Something is really fishy. The way Pierre stares at Klare, and Hendrix too. Tapos yung tanong pa ni Pierre kay Klare made me believe na baka hindi talaga sila magpinsan. Pero paano yun? Even if malaman na hindi talaga sila magpinsan, people in Cagayan de Oro would still react in a negative way since Klare and the Montefalco cousins belived they are cousins since birth. Hindi ganoon kadali yung matatanggap lalo nat the Montefalcos are well-known.

Before SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon