19

664 40 4
                                    

Rich's PoV

Pagkaakyat namin nauna kami pumasok ni Pororo sa unit only to see Edison busy with his phone habang nanonood ng mga previous performances. He somehow misses performing pero yun nga medyo hindi sinwerte.

"Oy" sabi ko

"Hi ser!" Bati ni Pororo

"Dude you're girlfriend always calls me sir. Paalala mo nga na kambal tayo. Tsaka teka? Okay na kayo?"

"Mukha ka daw matanda kesa saken hahaha"

"Wow. Ikaw tong mukhang stressed ako pa mukhang matanda 😑 so okay na nga kayo?"

"Opo ser ayy este oo 😅"

"Good to hear. Oh anong ganap?"

"Well..." panimula ko "someone wants to see you"

"Si Yeye?"

"Dude. Katext mo na jowa mo bakit ko pa susunduin to surprise you? Ano ka special?"

"Kaya nga nagtatanong dami sinasabi. Edi sino?"

"Ma! Come in!"

"M-ma?" Edison was shocked sa sinabi ko and he froze when our mother went inside the unit

Ngayon lang niya nakita ng personal si mama. Eto kasing magaling naming ama pag andito kami sa pinas hindi siya pinapalapit daw.

"Son!!! Oh my gosh!! Edison! Kamusta ka nak? Hala uy gwapo talaga ng mga anak ko sa personal!" Mama sabay yakap kay Edison

"T-teka totoo ba? Ikaw yan ma?"

"Yes nak. Hindi ako pwedeng mawala sa preparations ng kasal mo ano"

Napansin ko namang tulala pa rin si Edison sa pagkakita kay mama.

"Iwan na muna namin kayong dalawa ma. Usap kayong dalawa"

"Sige nak"

Lumapit ako kay mama before hugging her tightly and kissing her forehead sabay batok kay Edison haha

"Aray! Tsk!"

"Love you ma! Haha" sabi ko bago ko hinila palabas ng unit si Pororo

Poriche's PoV

"San tayo pupunta Tsuma?" Tanong ko kasi alam niyo yung ang paalam ko lang kina kuya Chase ehh ang pagpunta sa bahay ni Rich pero nakarating na ko ng airport?? Tapos ngayon bagong lugar na naman 😅

"Wala maglalakad lakad lang"

"May problema ba?"

Umiling lang naman siya

"Naisip ko lang. Pano kaya kung yung time na pinili kong sumuko sa laban para kay Yeye, hindi ka dumating? How would my life be right now? Siguro nasa abroad na ko nagmumukmok."

"Sino nga ba kasing mag-aakala na ikaw pala yung mamahalin ko di ba? Haha"

Nagsasalita lang siya habang ako eto natutulala na. Maaaa nagtthrowback si tsumaaaa.

"Tell me Pororo. Was there ever an instance na... ginusto mo nang sukuan yung nararamdaman mo saken?"

Napaisip ako sa tanong niya pero sa totoo lang wala akong maisip ehh. May mga nanliligaw naman saken pero alam mo yung may hinahanap ka na wala silang lahat at sa isang tao mo lang makikita?

Ewan ba. Parang simula't sapul na makilala ko siya iba na ata agad yung nararamdaman ko pero syempre mga bata pa naman kami non kaya walang malisya.

"Pag naman mahal mo ang isang tao di mo susukuan di ba? Di naman kailangan na mahalin mo rin ako kasi mahal kita. Noon mahalaga lang saken makita ka. Buo na araw ko don pa lang pero syempre ilang dasal din ginagawa ko para mapansin mo ko no. Layo ng nilakbay ng feelings ko tapos susuko ako? Hindi na no. Laban na to!"

"Hahaha. You really find the comedy in anything serious Pororo" sabi niya sabay tapik sa ulo ko "tara na nga"

Rich's PoV

I took this chance to walk with Pororo. I received an email early this morning requiring me to go back to America for the next six months. At ngayon... hindi ko alam pano ko sasabihin yun sa kanya.

"Pororo?"

"Hmm?"

"Pano kung... iwan kita?"

"H-ha?"

"Not like breaking up with you, but pano kung kailangan ko bumalik ng Amerika?"

"Not like breaking up with you, but pano kung kailangan ko bumalik ng Amerika?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Moment of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon