V. Big Help

407 8 1
                                    

"Samuel! May malaki tayong problema," halos pasigaw na sabi sa akin ni Hannah pagpasok niya pa lang ng room. 

"Ha? Ano yon? Pwede ba, wag mo akong tawaging Samuel. Nababaduyan ako eh. Sam na lang, mas maikli, mas madaling sabihin," sabi ko sa kanya habang kinukuha ang script ko sa play namin ni Lia. Bakit ba naman kasi iyon ang pinangalan sa akin. Ang masaklap pa, wala man lang akong second name. Buti na lang medyo okay na yung Sam.

‎"Kasi...wala pa akong nahahanap script para sa roleplay, pano yon?"

Pano yon? Wag mong sabihing ako ang pagagawain mo? Pinilit mo na nga akong maging partner mo eh, tapos sa akin ka pa aasa? Wow, Hannah! Ang galing mo!

Nagpigil muna ako. Sabi sa isang article na nabasa ko, bago ka muna magsalita nang kung ano, bilang ka muna ng 1-10. Sa time daw na iyon, makapag-iisip ka ng tamang isagot. Iwas stress pa.

1,2,3,4,5,6...

Hindi pa nakakaabot nang 10 seconds, panibagong problema na naman. 

Nakasimangot si Kimmy nang pumasok siya ng pinto. Mukang pareho din ang problema nito sa kaibigan niya. Pag minamalas ka nga naman.

Pagkalapag niya ng bag niya sa armchair niya, lumapit naman siya sa akin.

"Kimmy! Meron ka nang script para sa Romeo and Juliet?" tanong ni Hannah sa kanya.

Umiling naman ito. "Nakakaasar si Harold, sa kanya ko pinagawa yon eh. Tapos hindi naman pala niya sinunod ang utos ko. Inuna pa ang girlfriend niya. Hay! Naku! Dalawang araw na preparation na lang eh. Paano na yan? Eh ikaw?"

Umiling din si Kimmy. Nakakainis naman itong mga babaeng ito. Napaka-iresponsable. Hindi ba nila alam na nakaka-turn off yon? May magkagusto kaya sa kanilang dalawa?

"Eh di magbasa kayo sa library ngayong araw. After classes. Tapos hihintayin ko kayong matapos nang maibigay ninyo na yung script ko. Okay na siguro yon, di ba?" suhestiyon ko. Pinoproblema agad kasi eh. Nagkatinginan ang dalawa. Ibinalik naman nila ang tingin nila sa akin pagkatapos ng ilang saglit.

"Yun nga ang problema Sam. Hindi kami ulit pwede ni Kimmy mamaya. May mga lakad kami eh. Kaya...Alam ko nakakahiyang sabihin 'to pero pwede ba ikaw na lang ang maghanap ng pwede nating i-roleplay? Pasensya na ha," paliwanag ni Hannah sa akin.

Biglang uminit ang ulo ko. "Pambihira naman oh. Mahalaga ba yung grades nyo sa inyo? Hindi ba kayo nag-iisip? Yung mga lakad na yan, pwedeng maghintay yan. Wag nyo naman sanang unahin ang paglalakwatsa nyo. Tandaan nyo, di ko kayo pinili na maging partner. Pinilit nyo lang ako. Kaya pwede ba, maging responsable naman kayo."

Nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin. Silang dalawa naman, napipi. Tumakbo ako papalabas ng room at nagpunta sa may park. Wala ng tao doon dahil saktong paglabas ko ay tumunog na ang bell. Gusto ko munang magpahangin.

Alam kong napaka-ungentleman ng ginawa ko pero yong iaasa pa nila sa akin yung roleplay, hindi na siguro tama iyon. Pinilit lang naman nila ako di ba? Tapos ganun pa? Di naman na ata makatarungan yon. Porke't lalaki ako dapat ako ang mag-shoulder ng lahat? Dahil ba babae sila dapat laging maging gentleman ako kaya dapat ako na ang gagawa ng lahat? Di naman siguro tama iyon. Pare-pareho namang kaming nag-aaral eh.

To The Beautiful You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon