PANAGINIP
By: Crazy as PinoyNagtitipon na ang puso ko 'pag ako'y inaantok
Wala na 'kong pakialam kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit, malamig basta't napasandal
Dire-diretso na ang tulog kahit bumarandal
Well, okey lang, alam ko naman na magkikita pa namanTayong dalawa sa may tagpuan tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit minsan na ako'y iyong mahal
Subalit nagising na lang ako na meron nang sumasakal
Umaandar pa rin ang isip ko na kasama pa kitaKahit sinasampal nila ako, nakikita pa kita
Ano nga bang pinakain mo, bakit patay na patay ako
Pati na nga trabaho ko, napabayaan ko
Ipagtatapat sa 'yo ikaw lang ang aking pantasyaSagutin mo lang ako, ililibot kita sa Asya
Buong hacienda, ipapamana sa iyo
Okey na sana ang lahat, bakit ginising mo pa akoKung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahalPagbigyan mo naman ako, minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito, patuloy kitang mamahalin
'Wag mo namang palampasin ang gabing ito nang 'di malinaw
'Paliwanag mo nang mabuti pero 'wag mong isigawNapahiyaw 'pagkat nangyari ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa buwan at least 'di na manghihiram
Kay Ka Bunegro na may gawa ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga, ang puso'y 'di na maninikipPinapahigpit mo pa nga ang yakap, ako nama'y tuwang-tuwa
At ang milagro ngang ito, sa isip ko, walang-wala
Binalewala ang mga kantsaw na 'di raw tayo nababagay
Ako mismo, 'di makapaniwala na sa 'kin ka pa bibigayPinagpalagay ko na lang ang lahat ay kaloob sa 'kin ng Diyos
Kailanma'y 'di babastusin, susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos sa awitin, sana nama'y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito, sana'y 'di na ko magisingKung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahalDapat ko lang tapatan, taasan, higitan nang walang hanggan
Pagmamahal na inalay mo, lubusan kong tutumbasan
Sabihin mo lang, sige lang, sige lang bago tuluyang mabuang
'Di na nga makapaghihintay, pahalik namanIsa lang, isa lang, isa lang
Ha, ha ha ha ha ha ha, he he he
Nababaliw yata ako sa tamis ng 'yong halik
Masasabik ako parati na ikaw ay makapiling
Pero this time, baby, ako'y nagising, nagising, nagising, nagising
Na para bang duling, para bang lasing na napraning
Sabihin mo lang kung sa'n patungo upang aking marating
Ang minimithi abot-kamay, walang wala ito sablay
Handang-handa nang maghintay, wala na sanang bibigay
Mamahalin hanggang buhay
Mamahalin kahit patay
Parang pilay na walang saklay kapag ika'y humiwalay
Mamamatay dahil sa 'yo, mabubuang dahil sa 'yo
Mamamatay na lang ako kung panaginip lang itoKung panaginip ka lang, ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahalMahal...
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Haah... haah... hahh... haah...