UNEXPECTED ~ A short story

343 18 14
                                    

 Ang istoryang ito ay sadyang kathang isip lamang at walang anumang relasyon sa buhay ng awtor at kung sino pa man. :)

Ten years from now, Gusto ko na sanang maging doctor, isang surgeon sana. . .

Pero hindi ko naman alam na sa kalagitnaan ng aking buhay, may dadating na isang tao, isang bagay at isang pangyayari na siyang nakapagpabago sa lahat. . . .

Ako si Caleb Roy De los Reyes, 15 years old ako noong nangarap ako maging isang surgeon.

Sabi ko pa nga noon, kahit ano mangyari gagraduate ako ng kursong Doctor of Medicine at isa ako sa mga hinahangahang doctor sa mundo.

Pero 19 years old ako, noong nakilala ko siya. . .

First Year ako sa Med-School, noong nag-umpisa ang lahat lahat ng makapagbabago sa agos ng buhay ko.

Nakilala ko si Pauline Clarrise Hernandez, same age as mine. . At tulad ko pangarap din niya maging doctor someday, Pediatrician in particular.Pareho kami ng Med School at sa parehong block kami.In short, magkaklase kami at masasabi kong una ko pa lang siya nakita eh, nabighani na talaga ako sa kanya. Her simplicity, uniqueness and the way she speak. Yan ang nag-bigay dahilan para maging interesado ako sa kanya at makalipas ang ilang linggo at buwan, niligawan ko siya. 

Naalala ko pa, November 15, 2006 noong sinagot niya ako, nakamit ko ang pinakaaasam kong matamis na OO. 

First girlfriend ko si Pau, at First boyfriend niya rin ako. 

FIRST NAMIN ANG ISA'T ISA 

First time na may tinawag akong "Baby" na higit pa sa isang sanggol kung paano ko alagaan at ituring. Dahil, sobra niyang importante sa akin. 

Naalala ko pa tuwing umaga, nag-aalarm ako ng 5:00am kahit 8:00am pa ang pasok para magsend ng isang sweet message sa kanya. Gusto ko kasi pagkagising niya, mapapangiti siya.

"Baby, Hello :) Kung nagising man kita, tulog ka na ulit. pagtapos mong basahin to'  Gusto ko lang na sa paggising mo, mabasa  mo to' para maging maganda ang umaga mo. Narealize ko lang kung gaano ako ka-swerte na mahalin at magmahal ng isang katulad mo :) Mahal na mahal kita !"

>Yan ang unang message ko, the first morning na naging kami. 

Tapos, lagi ko siyang sinusundo sa kanila. May mga oras nga pag di ako nakakapagbreakfast sa condo ko eh, yung parents niya pa ang nag-aalok sa aking kumain. Ayun nga ang maganda sa aming relationship eh, LEGAL. 

Napakasarap sa isang relasyon na legal kayo sa mga magulang niyo. In that way, malalaman din nila kung sino ang partner mo, kung paano nila pakikisamahan and in the end para mapalapit ang maging boto rin sa kanya. 

Tuwing linggo nga, magkasabay kaming nagsisimba, minsan kasama parents niya at ang parents ko naman ay nasa ibang bansa. Pero kilala nila si Pau, at botong boto ni Mommy sa kanya, Tuwing nagpapadala nga siya ng package laging may para kay Pau din eh. Mahal din ni Mommy yan si Pau! Pagkatapos nun, dinner with the family of my baby na. Isang bes nga eh, nagluto ako para sa kanila.Pinapunta ko sa condo ko yung family niya and we had our lunch their.

Every monthsary din namin, lagi akong may surprise sa baby ko. Ako kasi yung taong sobra mag-effort. "Showy" kasi ako. Gusto kong pinaparamdam kung ano talaga  yung nararamdaman ko. Noong first anniversary nga namin eh,naghanda ako ng isang movie presentation, short film consisting of our pictures together and siyempre with captions na mas nagpapadagdag ng magic dun sa film. After ng klase yun eh, pagkaaalis nung students inc her. I closed all the lights and pagkapasok niya, nagplay yung presentation. Without her knowing, na live kong kinakanta yung "Destiny". Kasi feeling ko, we are really destined for each other. Unti nting bumukas ang ilaw, I saw her crying in the center. Dala dala ko ang isang boquet of white flowers, ngunit isinantabi ko muna ang pagbibigay sa kanya. I get my scarf and wipe her tears that is full of joy and happiness. Niyakap niya ako, sobrang higpit at hinding hindi ko malilimutan ang sinabi niya. 

UNEXPECTED ~ A short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon