CHAPTER 46

25 0 0
                                    

Chapter FORTY SIX

Bumalik ako sa may dining room at tinuloy ko yung pagkain ko. Medyo natagalan sa pagbalik si Kenji. Naiintindihan ko naman kung bakit eh. .pero ang hinde ko maintindihan ay kung ano na ang dapat kong gawin... Ayoko siyang i-give up.. pero alam kong nahihirapan na siya.. Kaya siguro.. kelangan ko siyang i-give up.. I have to.. I must give up.

After 10 minutes bumalik na si Kenji. Nakayuko siya as he entered. Nung nakita niya ako nag smile siya.. but it was a weak smile.

"Ok lang ba kung mauna na ako sa kwarto? Iwan mo na lang yung mga plato dyan.. Sunod ka na lang sa kwarto ko pag tapos ka na kumain, ok?"

"Sige. Huhugasan ko na lang yung mga pinag kainan natin tapos susunod na ko sa loob." Tapos nag smile ako sa kanya

Tumango siya tapos dumiretso na sa kwarto niya.

Dinala ko yung mga pinag kainan namin sa may kitchen para hugasan na to. Pagtapos ko mag hugas pumunta muna ako saglit sa may living room para mag-isip.

"We can still be friends right? I can still love him and he can, too." Sigh. "the only thing is... we're not committed. There's no commitment."

Think Athena, think.

Can I live without the happiness? Can I live with that sadness?

I'm willing to sacrifice my happiness, my love, myself.. for the sake of Kenji.. the man that I love most. Kahit alam kong magagalit siya sa gagawin ko, I'd still do it. Kung kami, kami.

Kumuha ako ng paper and pen. May sinulat ako sa paper then tumayo na ako tapos umalis na ng bahay ni Kenji.

Nung nasa may park na ako, kinuha ko yung cellphone ko sa pocket ko tapos dinial yung number ni Kenji.

Napag desisyonan ko na. Love is sacrifice, right?

"Manura~ odinya?" naiiyak na ko.. mianhae nampyun... [wifey.. where are you?; I'm sorry hubby..]
"Bakit gising ka pa?"
"Iniintay kita pumasok.." tinakpan ko yung bibig ko. Naiyak na ko bigla. Ang tagal ko bago magsalita. Pinipigilan ko yung pag iyak ko. Ayokong marinig niya to.
"Sira ka talaga.. matulog ka na."
"Nasan ka ba?"
"Nasa kabilang kwarto. Natatakot ako baka kasi rapin mo ko eh." Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto
"Wala ka naman sa kabilang kwarto eh. Nasan ka ba talaga?"
"Nasa likod mo."
"Ako ba pinag lololoko mo?! Ano ba.. asan ka nga?"
"Joke lang. Nasa may likod." Nakarinig na naman ako ng pag bukas ng pintuan
"Athena nasan ka nga? Seryoso.. magpakita ka na sakin.. kelangan kita ngayon.."
"Pumasok ka na lang sa kwarto. Susunod na lang ako.."
"Umiiyak ka ba?"
"Sinisipon lang. Malamig kasi sa labas eh. Umaambon.." napatakip ulit ako ng bibig ko. Nasabi kong nasalabas ako ng bahay.
"Nasa labas ka ba? Teka puntahan kita dyan."
"Apasuh.. jookulguht gatneyo." [it hurts so bad, it's like im dying..]
"Ano ba pinagsasabi mo? Hinde kita maintindihan.."
"Sorry.."
"Ano to.... I love someone else and I wanna be with him. Sorry." Mahina niyang sinabi, "Ikaw ba nagsulat nito?? Hinde diba?"
"Ako.."
"Hinde. Imposible. Asan ka ba? Dyan ka lang. Haanapin kita ok? Intayin mo ko!"

Binabaan na niya ako.

"Wag mo na akong hanapin.. mas makakabuti sayo yun.."

Pagkadating ko sa tapat ng bahay namin nakita ko si Lucas naka upo sa may gutter at may hawak na payong. Nung nakita niya ako napatayo siya. Hinde ko na napigilan yung sarili ko. Umiyak ako at niyakap ko si Lucas.

"Hinde kasi ako mapakali kaya pumunta ako dito.. tahan na.."

"Mianhae.. mianhaeyo.. mianhae Kenjiya.." niyakap ko ng mahigpit si Lucas, "Kenjiya.. saranghae.." [I'm sorry Kenji; I love you Kenji]

SDTGWhere stories live. Discover now