HIS STORY

214 4 1
                                    

I met her playing with her friend.

That was the first time I saw a girl who made my heart skipped a beat just by having an eye contact.

 **

Magkababata kami ni Stephanie at Nastassha. O mas sanay akong pangalan nila ay Teptep at Sasha. Nagsimula ang pahkakaibigan namin nung 9 years old ako. Sila ang unang kong mga kaibigan.

Magkakasama kaming nag-aral ng elementary. Alam ko sa sarili kong natagpuan ko na ang taong mamahalin ko kahit sa mura kong edad. Si Sasha yun. Suportado ako ni Teptep sa nararamdaman ko. Nagpromise ako sa kanya na hindi ko sasaktan si Sasha... Mahal na mahal nya kasi si Sasha kaya overprotective si Teptep sa kanya noon. Dahil feeling nya si Sasha nalang ang natitira nyang pamilya.

Hindi naman sa ulila si Teptep pero palaging wala ang mga magulang nito. Si Sasha lang ang nagparamdam sa kanya ng importansya. Kaya magkapatid ang turingan nilang dalawa.

May tiwala sa akin si Tep tep dahil matagal na kaming magkaibigan kaya pumayag syang ligawan ko si Sasha. Sinabi ko kay Teptep noon na pagdating namin ng High School ay liligawan ko na si Sasha.

Dumating na ang araw na nakagraduate kami ng masaya sa Elementary... Mula noon nagparamdam na agad ako kay Sasha. Ayokong mag-aksaya ng panahon. Natatakot din ako baka mapunta sya sa iba.

Dahil alam ko sa sarili kong MAHAL KO TALAGA SYA. 

Alam ko masyado pa akong bata noon para makaintindi ng pag-big pero alam ko totoo ang nararamdaman ko sa kanya... At alam mo ba? RAMDAM KONG MAHAL NYA RIN AKO.

Nagkaroon kami ng relasyon. Pasukan iyon ng klase sa High school. Naging masaya ang mga araw namin bilang KAMI...At syempre pati si Teptep ganoon din ang nararamdaman sa amin.

Iyon na ang pinakamasasayang araw sa buhay ko. Ang kasama ko si Sasha. Inspirasyon namin ang isa't isa sa pag-aaral. Magkaklase kami nun at naglalaban pa kami sa pagiging 2nd honor. Si Teptep kasi yung 1st lagi kahit nung elementary pa kami :))

Halos araw-araw feeling ko wala nang mas hihigit pa sa nararamdaman ko. Bawat monthsary namin na dumaan memorable :))

JULY~~

Sinorpresa ko sya ng isang teddy bear. Galing yun sa ipon ko kaya naman talagang naappreciate nya. Niregaluhan naman nya ako ng Relo. Dahil pag kasama nya raw ako ayawa na nayang paandarin pa ang oaras. Kaya naman naka-Stop lang yung relong yun kung anong oras naging kami ni Sasha.

AUGUST~~

Ang aming ikalawang buwan. nangyari ang aming first kiss. Nakaramdam ako nun na para bang may fireworks sa paligid! kahit pa sabihing smack lang yun! Kinakabahan man ako ng oras na yun... Hinawakan nya lang ang kamay ko nawala na lahat ng kaba ko.

SEPTEMBER & OCTOBER~~

 Mga buwan kung kailan palagi kaming nag-aaway dahil sa isa naming Classmate na may gusto sa kanya. Pero syempre di ko sya hahayaang mawala kaya naman gumawa kami ng paraan para tumibay pa ang relasyon namin..

NOVEMBER, DECEMBER, JANUARY~~

Busy kami dahil sa mga ginagawa sa school pero nagawa pa naming magpalitan ng sulat kahit araw-araw na kami magkasama. Hindi naman kasi ako nagsasawa sa kanya.

FEBRUARY~~

Ang memorable naming Valentines :)) Nag-date kami ng patakas sa Enchanted Kingdom ng ! Ang saya talaga pag kasama mo ang mahal mo kahit saang lugar pa yan.

MARCH, APRIL, MAY~~

Bakasyon pero patakas parin kaming nagkikita. Sa  tulong ni Teptep nakakasama ko si Sasha. Kahit san lang kami mapadpad...

JUNE~~

Ang anniversary namin. Akala ko forever na ang sayang nararamdaman ko... na hindi na kami magkakahiwalay kahit kailan...

PERO NAGKAMALI AKO. AKALA KO LANG PALA LAHAT NG YUN.

Naaksidente ako at nacomatose ng halos isang taon.

Magkikita dapat kami nun para magcelebrate ng 1 year anniversarry namin. Kaso hindi na ako nakarating. Naaksidente yung Bus na sinasakyan ko nun. At agad akong Nilipad sa ibang bansa dahil nag50-50 ang buhay ko.

Himalang nagising ako nun sabi ng mga doctor. Akala ko natutulog lang ako dahil nanaginip ako. Napanaginipan ko si Sasha na binati ako ng 2nd year anniversary namin. Saktong JUNE 9 8:10 am nagising ako mula sa isang taong kong pagiging comatose.

Yun din ang araw ng anniversary namin. 8:10 ng umaga naging kami.

Kaya naman nagmamadali akong umuwi sa Pilipinas noon para hanapin sya at magsorry. Kaso sana hindi nalang ako nagising sa pagiging comatose... Kasi wala na pala akong babalikan.

Kaya pala galit na galit sa akin si Teptep. Kaya pala pagbalik ko Tomboy na sya. Ako pala ang dahilan... Di pala nila alam ni Sasha na naaksidente ako at walang malay ng halos isang taon. Kaya naman ako ang sinisisi ni Teptep kaya nagpakamatay ang pinakamamahal nyang kaibigan.

OO. Nagpakamatay si Sasha dahil bigla akong nawala at di nya nakayanan ang depresyon... Pakshet! Kung sana gumaling lang ako agad! Kung sana nakabalik ako agad.. Edi sana hindi puntod nalang ang makikita ko ngayon :(((

Gusto ko narin magpakamatay para sundan na si Sasha... Para ituloy na ang pangako kong kami na habang buhay... Mahal na mahal ko sya.

Kwento ni Potpot (Short Story)Where stories live. Discover now