Ang Buod ng "Noli Me Tangere"

spinner.gif

                                  Mga Tauhan (Ang Buod ng “Noli Me Tangere”)

Crisostomo Ibarra -binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego

Elias- piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito

Kapitan Tiyago- Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara

Padre Damaso- isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego

Padre Salvi -kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara

Maria Clara- mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong na anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo- maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego

Sisa- isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit

Basilio at Crispin- magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego

Alperes- matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina- babaing nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila

Donya Consolacion- napangasawa ng Alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali

Don Tiburcio de Espadaña- isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina

Linares- malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara

Don Filipo- Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juanna-mahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan

Lucas- taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra

Tarsilo at Bruno- magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila

Tiya Isabel- hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara

Donya Pia- masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang Iday, Sinang, Victoria, at Andeng- mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral- pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra

Don Rafael Ibarra- ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe

Don Saturnino- nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias

Mang Pablo- pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias

Kapitan Basilio- ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra- isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama

Kapitana Maria- tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama

Padre Sibyla- paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra

Albino- dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended