Chapter 2: Smiling because of Her

436 17 7
                                    

Chapter 3: Smiling because of Her.

  Simula nang makilala ni Dominic si Isabella ay madalas na siyang mapangiti, madalas niya kasing maalala ang maganda at inosenteng mukha nang dalaga, at hindi niya din makalimutan ang magagandang ngiti nito. Kahit pa man napakahirap nang mga kasong hinahawakan niya ay napapangiti pa din siya sa tuwing naiisip niya si Isabella. Madalas iyong mapansin nang Mommy Amanda at Daddy Victor niya kung kaya't hindi nila mapigilang magtanong sa unico hijo nila na ikinuwento naman nang anak.

"Oh hijo, Anong ginagawa mong mag-isa dito?" Sabi ni Amanda sa anak nang lapitan niya ito na nakaupo sa hardin nila at nakangiti nanaman

"Nothing mom, nagpapahangin lang" nakangiting sabi ni Dominic sa ina

"You're smiling again hijo, It is that girl again right?" tukoy nito kay Isabella. Isang ngiti lang ang isinagot ni Dominic sa ina

"Oh come on Dominic, I know you like that girl. What's her name again?" tanong nito sa anak saka umupo sa tabi nito

"Isabella. Isabella Ventura" sagot ni Dominic at muling napangiti nang maalala niya ang mukha nang dalaga

"She has a very lovely name hijo and I guess she's also lovely"

"You bet mom, her name was lovely as her. She's like an angel that was destined to meet me" Nakangiting wika ni Dominic saka tumingin sa ina

"Wow. Mukang tinamaan ka na sa kaniya anak. You know what? I want too her meet as soon as possible. I wish siya na ang para sayo. Sana siya na nga" Sabi ni Amanda sa anak 

"Mom, naman" wika ni Dominic nang makuha niya ang ipinahihiwatig nang ina

"Oh bakit? Anak naman, I think you should open your heart again and love another girl. Don't tell me hindi ka parin nakaka move-on kay Lindsay?" Sabi ni Amanda. Si Lindsay and unang babaeng minahal ni Domnic noon. Nakilala niya ito noong nasa 2nd year collage palang siya. Niligawan niya ito at di nagtagal ay sinagot na siya nito. Tumagal ng halos 3 taon ang relasyon nila hanggang sa isang araw ay bigla nalang itong nakipag break sa kanya at sumama sa ibang lalaki. Hindi niya alam kung anong mali ang ginawa niya na naging dahilan ng break up nila nang unang babaeng minahal.

"Naka move-on na ako mom, pero hindi ibig sabihin nun ay mag gi-girlfriend na agad ako"

"Anak naman, it's been 3 years mula nang mag break kayo ni Lindsay. It's about time for you to love again and I think that Isabella is the right one for you." Wika ni Amanda sa anak saka hinawakan ang kamay nito

"Mom naman masyado naman kayong nagmamadali, bata pa naman ho ako" natatawang wika nang binata sa ina

"Hijo, you are already 27 years old, hindi na bata yun. Bahala ka kung hindi ka agad maghahanap ng mapapangasawa mo, mapipilitan kami ng papa mo na ipa- arranged marriage ka sa anak ng isa sa mga amiga ko" nakangiting pagbabanta ni Amanda sa anak. Meron kasi siyang mga amingang gustong ipa kasal ang anak nila kay Dominic. Alam kasi ng mga ito kung anong klaseng tao si Dominic. Napakabait nito at napakatalino. Idagdag pa ang napaka gwapong mukha at pang model na katawan. In other words, Dominic is a almost perfect guy and every girls Ideal man.

"Mom naman, alam mo namang ayaw ko ang ip-arranged marriage ako diba?" nakakunot noong wika ni Dominic sa ina. Ayaw kasi niyang na ipa kasal sa babaeng hindi niya kilala at lalong lalo nang hindi nya mahal. Ayaw niyang inuunahan ang puso, gusto niya ang puso mismo ang magdidikta kung sino talaga ang nakatadhana para sa kaniya

"Eh sa kung iyon nalang ang tanging paraan namin ng daddy mo para malaman namin kung magkaka-apo pa kami sayo, bakit hindi? So ano? Maghahanap ka ng babaeng makakasama mo habang buhay o kami ang pipili ng papa mo nang mapapangasawa mo?" patuloy na pagbabanta ni Amanda sa anak na mukhang nafu-frustrate na sa sinasabi nang ina

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon