Chapter 9

350 76 23
                                    

CHRISTINE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHRISTINE

"Ang ibig mong sabihin, katulad noong nakaraan ay mag-isa lang din itong nagsulat at gumuhit?" Tanong sakin ni Kent habang sinusuri ang mahiwgang aklat na '11:11.'

Nasa library kami ngayon at kasalukuyan naming sinusuri yung aklat. Sandamamak na nga na research ang ginawa ko tunkol sa theory and beliefs ng 11:11 pero ni isa, walang accurate explanation tungkol sa isang shining magical book na nagsusulat mag-isa na hawak pa namin ngayon.

Also, I found some facts about soul switching thus, napanuod ko narin yung mga movies na ganon like Kimi no Nawa pero wala din akong makita na any explanation o clues about sa relation nito sa 11:11. In short, we are really clueless of these unbelievable things na pumapalibot sa amin ngayon.

"I think we should just wait for another miracle then," sabi niya sa akin at nagsmile. Aba, parang gusto pa niyang iparating na mas okay nga kung mas delayed pa.

"Mas okay pa nga kung mas delayed pa yung paghahanap natin ng solusyon eh, para mas matagal pa tayong mastuck sa setup na 'to together," dagdag pa niya at inakbayan ako.

So ganoon nga talaga ang gusto niyang iparating?

"Kadiri ka talaga! So you mean, all this time, gingusto mo 'to? Pinagnanasaan mo na ba ako ha Kent Cruz?" Sabi ko saka agad na inalis ang braso niya mula sa pagkakaakbay sakin.

"Joke lang! Ito naman oh, hindi mabiro," sabi niya pero inirapan ko lang siya. "My point is wala pa talaga tayong clues sa ngayon so we just have to wait for another magic. Malay natin sa susunod, makakuha na tayo ng answers. And besides, hindi tayo mabubuhay ng matagal nito pag palagi mo akong sinusungitan. Alam mo, just consider this mess as a mission or a criminal case and tayo yung partners in crime," sabi niya.

"Bakit naman tayo pa sa lahat ng tao?" sumbat ko naman sa kaniya.

"Because destiny chose us?" sagot naman niya ng patanong. Hindi nalang ako nakasagot pa not because I agree to him but because I'm afraid that I might have the same question. Why did fate ever pushed us into this kind of misery?

"Nga pala, saan yung guitar?" pag-iiba niya sa usapan. Parang nasense niya rin siguro na hindi niya na dapat sinabi yung kanina.

"Nandoon sa cabinet sa labas, alangan naman dalhin ko dito sa loob ng library," sabi ko. "Para san ba kasi yun?"

"Wala lang. Palagi naman kasi ako nagdadala ng guitar dito sa school dati diba? Ang weird naman kung isang araw, wala na akong gitarang nakasabit sa likod," sabi niya na ikinainis ko.

"Seryoso ka? Pinabitbit mo sakin yung mabigat na bagay na iyon kasi weird kung hindi ko dalhin? Seryoso ka talaga doon?"

"Oh, bakit ka na naman masungit? Totoo naman ah, mawewerduhan talaga yung mga fans ko pagnakita nilang wala na akong dalang gitara. Plus, dagdag pogi points na rin yun," sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso may idinagdag pa siya.

Our Theory of 11:11Where stories live. Discover now