CHAPTER 43: Good bye

876 21 0
                                    

Chelsea pov

Hinde ko inaakala na kayang gawin ni Lucy yon Kay danica

I maybe childish but I know better than that

Ako Ang mas nakaka tanda sakanila dito Kaya hinde ko i-tolerate Ang action nya Kaylangan nyang matuto

Sa paniniwala ko walang Kang kwentang kaibigan Kung aahasin mo Rin Ang kaibigan mo

Napabuntong hininga nalang ako at naramdaman kong kumulo Ang tyan ko dahil sa gutom .

Kaya tumayo na ako sa Kama ko at Lumabas Ng kwarto habang pababa na ako Ng hagdan ay Wala na akong nakitang Tao Kaya dahan dahan akong naglakad papuntang kusina

Pumunta ako sa ref at binuksan ito nakita Kong puro raw meat Ang laman Ng ref at tubig

"Ano ba Yan mukhang walang nagluto" bagot Kong Sabi sa sarili ko

Napakamot ako sa ulo ko Ng maalalang Wala pala si jasmine dito at si Lucy Lang Ang marunong magluto saamin

"Hay buhay parang life"Sabi ko at umupo nalang ako sa upuan Ng dining table at pinatong ko Ang kamay ko sa mukha ko

"Ano kayang pwede Kong gawin?"tanong ko sa sarili ko Ng bigla nanaman kumulo Ang tyan ko

Hinawakan ko ulit to hinimas"okay Lang Yan mga baby bulate ko gagawa ako Ng paraan"kausap ko sa mga bulate ko sa tyan

Pagtaas ko ng ulo ko nakita ko si Lucy na bumaba sa hagdan at nag lakad sa madilim na Sala at nagtungo sa labas

"Saan Kaya pupunta yon? Masundan nga"Sabi ko sa sarili ko at tumayo na sa pinagkakaupuan ko at dumiretso palabas Ng pinto

Lumingon ako sa kaliwat Kanan at nakita ko sya sa isang pasilyo na liliko na Kaya

Mabilis at maingat ko syang sinundan

Habang sinusundan ko sya ay nataranta ako Ng bigla syang huminto Kaya Dali Dali akong nagtago sa isang malaking halaman

Sumilip ako at nakita ko syang tumingin sa likuran nya sa pwesto ko kanina Ng Makita nyang walang Tao ay nagsimula na syang maglakad kaya lumabas na Rin ako sa pinagtataguan ko at sinundan ko sya

Habang sinusundan ko sya ay bigla syang nawala sa paningin ko Kaya nataranta ako

Mabilis akong tumingin sa paligid ko para hanapin sya pero hinde ko sya nakita

Napagpasyahan kong maglakad lakad nalang muna

Habang naglalakad ako ay may narinig akong sumigaw

"TULONG!!! TULUNGAN NYO AKO!!!"sigaw ng isang tinig

Ng pakinggan ko ito Ng maigi napagtanto Kong si Lucy ito

"Lucy"Sabi ko habang mabilis na tumatakbo sa kinaroroonan Ng tinig

Hanggang makarating ako sa garden Ng school namin

Nakita ko si Lucy na naka higa sa damuhan at kaawa awang walang laban

Nakita kong may susugod na isang black user sa kanya ay agad ko itong pinatamaan Ng powers ko

"Dark balls"sigaw ko at tumilapon ito

Bakit nakapasok ang mga black users dito?

Pakshet ang dami nila

Pinuntahan ko si Lucy "okay ka Lang?"tanong ko sakanya.tumango Naman sya saakin at sabay sabing "oo okay Lang ako"Sabi nya

"Dito ka Lang ha lalabanan ko Lang Ang mga panget na Yan
Ngumiti sta saakin "mag iingat ka"Sabi nya

Tumango nman ako at tumayo na para labanan Ang mga black users

"Kayong mga panget kayo Salot talaga kayo sa lipunan"Sabi ko at pinatamaan ko sila na illusion smoke

May Ilan na tumumba pero may Ilan na matibay talaga "illusion dark sword"sigaw ko at Lumabas Ang itim Kong espada

Sinimulan ko silang patayin may lumapit saakin na isang lalaki na susuntukin ako pero agad ko syang pinutulan Ng ulo

"Bwisit kayo hinde pa ako kumakain"sigaw ko at sinugod Ang lalaking magtapon Sana saakin Ng cloud shower nya

Habang ginagawa ko yon ay may lumapit saakin na may espada Rin at buti nalang nasalag ko ito kundi patay na ako

"HAYOP ka muntik na ako Doon ah! Papatayin mo ba ako"sigaw ko dito

"Wag kang tanga talagang nandito kami para patayin kayo hinde para makipag kaibigan"sigaw nito at bigla nalang lumipad Ang espada ko dahil pinatalsik nya

Nakita ko napunta ito sa harapan ni Lucy

"Wawa nanaman Wala Ng espada"asar saakin nito

"Alam mo magbiro ko na sa lasing wag Lang Kay Chelsea na gutom"sigaw ko at sinuntok ko sya sa mukha

Ayun natumba nakatulog
"Psh yabang kase"Sabi ko at pinatamaan pa sya Ng kapangyarihan ko para sure na hinde na sya gigising pa

"Hoyop pangit Ng mukha mo"Sabi ko at tinadyakan Ang mukha nya

Linigon ko si lucy at nakita kong hawak na nya Ang espada ko "Lucy pwede mo bang ibigay saakin yang espada"Sabi ko Kay Lucy dahin ayaw ko Ng lumapit sakanya

Nakita ko naman na dahan dahan syang lumapit saakin

Ng nasa harap ko sya ay nagpasalamat ako sakanya "Lucy salam-"naputol ko Ang sinasabi ko ng naramdaman kong may matulis na bagay na tumusok sa tyan ko

Dahan dahan Kong tinignan Ang tyan ko at nakita ko Ang espada ko na naka saksak dito

Hinde ako makapaniwala na tinignan si Lucy

"Sana hinde na Lang Kita nakilala" nakatingin ako sa kanya Ng puno Ng hinanakit

"Ack" hinde na ako nagulat Ng simuka ako Ng dugo

Dahan dahan bumagsak Ang katawan ko sa damuhan dahil nawawalan na ako Ng lakas

Wala na Rin Ang kamay ni Lucy sa espada ko

Bago ako pumikit ay tinignan ko muna sya sa mata "nagsisisi ako na naging kaibigan Kita "Huli Kong na alala bago ako sakupin Ng kadiliman at malagutan Ng hininga

Third person pov

Nakangiting nakatingin si Lucy sa bangkay ni Chelsea

"Good bye Chelsea"parang demonyo nyang Sabi

🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀🥀

Here's another update

Hope you like it despite of the sad chapter

Keep safe everyone 💜

The Legendary Elemental Long Lost Princess 1&2 ✓Where stories live. Discover now