Chapter 1 • Panic

19.5K 621 105
                                    

KUNG HINDI pa kakatukin si Pola sa kaniyang bedroom-cum-private office ay hindi pa niya mamamalayang pasado alas dose na pala ng tanghali. Masyado na naman niyang ibinuburyo ang sarili sa trabaho.

Ipinusod ni Pola ang buhok at saka itinaas sa bandang bumbunan ang suot na antipara. Eyes shut, she placed her elbows atop the table, lowered her head, then massaged her temples. Doon niya lang din tila naramdaman ang paghapdi ng mga mata. Mula pa kaninang madaling araw pa siya nakatutok sa computer, papaanong hindi mai-strain ang mga iyon?

Sa loob ng ilang segundo ay hinayaan muna ni Pola ang sarili sa ganoong posisyon.

"Ms. Pola?" anang boses sa likod ng nakapinid na pinto. Muli itong nagpatuloy sa pagkatok nang hindi agad makatanggap ng sagot mula sa kaniya.

Pola opened her eyes and eased further into her chair. "I hear you, Isabel. Come on in."

As the maple door creaked open, Isabel and Maya waltzed into Pola's room.

Yaya ang mga ito ng kaniyang twins. Si Isabel kay Xyler, si Maya naman kay Zyler. Pola's kids were quite a handful, so she had to hire two nannies to look after the boys. Four years old pa lamang ang kambal ay katuwang na ni Pola ang dalawang babae kaya laking pasasalamat niya sa mga ito. Pilipina rin sina Isabel at Maya dahil gusto ni Pola na matutunan ang values pati ang pagsasalita ng tagalog kahit pa dito sa Amerika niya pinanganak at pinalaki ang kambal.

"Good afternoon po, Ms. Pola," bati ni Isabel. Bahagya pa itong nagulat nang mapatingin sa kaniyang desk. "N-naku, kanina pa ho ba kayo nagtatrabaho?"

"Pasensya na po," kakamot-kamot sa ulong dagdag ni Maya. "May naistorbo po ba kaming online meeting?"

Nakangiting ikinumpas ni Pola ang isang kamay sa ere. "No, okay lang. Tama lang din na kinatok n'yo ako. Kahit papa'no, napahinga ko mga mata ko." Nagdekuwatro siya at muling sinapo-sapo ang sentido. "Nakabihis yata kayo. May lakad kayo? Kailangan n'yo ba ng allowance?"

"Ay, hindi po, hindi po!" mabilis na tanggi ni Isabel nang akmang kukunin na niya ang kaniyang wallet para abutan ang mga ito. "Susunduin lang po namin ang mga bata."

"Susunduin?" Pola repeated, suddenly confused. She rolled up her sleeve—revealing the glimmering diamond timepiece that she had given herself when her business skyrocketed five years ago. "But it's still early. Alas tres pa ng hapon ang tapos ng klase nila."

"Opo, pero ngayong araw po, meron daw pong biglaang assembly lahat ng teachers sa Westridge, Ms. Pola. Pinasusundo na nila 'yong mga estudyante ng ala una," paliwanag ni Maya.

"Sino'ng may sabi?" nakataas ang isang kilay niyang tanong.

"Si Ester po," sagot naman ni Isabel na ang tinutuloy ay ang yaya ng isang kaklase ng kambal.

Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at ikinurap-kurap ang mga mata. "Ba't hindi ko alam?"

"Hindi po nila na-announce before," ani Maya, "pero sabi po ni Ester, isa-isa raw pong tinawagan ng mga teacher ang parents ng mga bata. Baka po tinatawagan kayo kanina?"

"Really?" Napaunat ng likod si Pola. Mabilis niyang hinalungkat ang phone mula sa gabundok na papeles at materyales na nagkalat sa kaniyang lamesa. Nakumpirma niyang tama nga si Ester nang bumungad sa kaniya ang tatlong missed calls mula sa teacher ng kambal.

"Meron po ba?" untag ni Isabel.

"Meron nga." She tsked. "S-in-ilent ko nga pala 'tong phone ko kagabi." Ibinalik niya sa normal ang volume niyon bago muling nag-angat ng tingin kina Isabel at Maya. "Salamat at na-inform kayo agad ni Ester. Sige, puwede na kayong umalis."

TIMELESS - The Unfulfilled PromiseWhere stories live. Discover now