-20 p.1 -

208 2 0
                                    

-20-

''you make me smile like the sun, fall out of bed

sing like bird, dizzy in my head

just the thought of you can drive me wild

oh, you make me smile.''

                                 Thinkin' of you …. 

                                  xx BEM xx 2

-Blaise El-

Isang linggo nung malaman kong nag break na sina Denisie at Nico at nung nag flight 'yung mokong na 'yun pauwi sa Europe , tulala at walang imik parin ako . Nasasaktan parin ako .

Ang sakit lang talagang isipin na dahil sa kanya naubos lalo yung lakas ng loob ko nung niligawan niya si Denisie . Lalo akong napanghinaan ng loob at nawalan ng pag asa nung naging sila .

Paano ba naman kasi nung nag buhos ata sila ng lakas ng luob , nakapayong at kapote ako -.- .

Hirap ng pinanganak na tsope . T*ng ina lang .

*hithit buga*

Hindi ko tuloy maiwasan magka bisyo ngayong nag daang araw .

Kasama ko ngayon si Jeremy at katulad ko nag yoyosi siya at parehas kaming nakatulala at malalim ang iniisip .

Gusto ko sanang ikwento yung mga napag daanan ng pinsan ko sa inyo kaya lang wag na , baka kasi umasenso yan at lagyan ng story ni majinBUlatee dito sa wattpad . Wala pa 'yun masulat tungkol kay Jer (Jeremy , ang hiram kasing isulat ung Jeremy , kaya Jer na lang huh ) pag nag kataon .

Maiba ako , alam ko namang gusto niyong makibalita tungkol sa barkada .

Sa kasamaang palad mag iisang linggo narin kaming 'di nagkikita at walang komunikasyon sa isa't isa .

Ilang linggo narin kasi kaming naglalagi ng pinsan kong 'to sa bahay , lalabas lang kung bibili ng beer o ng yosi sa 7 eleven diyan sa kanto tapos dito na ulit sa bahay . Katamad lumabas eh .

Pero nung huli kong nakita ang barkada , hindi din masyadong maganda ang atmosphere . Para bang problemado ang lahat .

Si Nats problema sa pamilya lalo na sa tatay niya , Si Nate slow pa din , si Chloe at Charles walang ganang kumain , si Lee at Ice halata mo namang nag iiwasan , magkadikit naman si Jeremy at Ice .

Ako naman tahimik lang n'un at si Den naman ay parang may iniisip kaya 'di ko siya ginugulo at naglagay din ako ng konting distansya namin , baka kasi kailangan niya ng space sa mga nangyayari . Kumbaga time para makapag isip isip muna mag isa .

Lahat naman tayo kailangan n'un diba ?

Napatingin na lang ako kay Jery nung nag simula na namang siyang tumugtog at kumanta .

''Pre kung sa simbahan natin ginaww 'to may barya barya tayo -__-''

Wala deadma .

Nakatulala na naman siya . Halatang ang lungkot lungkot ng mata niya . May pinagdadaanan naman ang pinsan ko . Sa mga ganitong pagkakataon , alam kong kailangan ako ng pinsan ko . Pamilya ko na si Jer at hindi ko siya pababayaan .

Andito lang ako para sakanya . Sasaya din kami .

---

 ed

Sorry maikli lang , dun nalang ako babawi sa part 2 nito .

Yung nasa taas po yung padalawang papel na natanggap ni Denisie .

Naawa ako kay papa Jeremy :( .

--majinBUlateee <3

Torpe siya ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon