Montello High Interactive II: Chaos in the Cafeteria

4.6K 153 27
                                    

AN: Why am I not surprised that most of my readers in the SAS group chose to go to the cafeteria? Haha!

Poll Result: C. Cafeteria! I'm hungry wherever I go!



II. Chaos in the Cafeteria


Sa unti-unting pagbukas ng gate ng Montello High ay nagsimula na ring maglakad si Sebastian Freniere papasok rito. Atubili kang sumunod sa kaniya, nahahati ang isip kung makakabalik ka pa o kung nais mo bang bumalik pa. Subalit isa lang ang malinaw sa sandaling ito para sayo: hinding hindi mo palalagpasin ang pagkakataon na makapasok sa school na ito.


"I want to go to the cafeteria. I've heard that Montello High has the best pizza," wika mo.


Gumuhit ang matipid subalit puno ng kahulugang ngiti sa labi ng school's administrator. Tinapunan ka niya ng tingin at muli ay naramdaman mo ang panghihina ng iyong tuhod. How could he be handsome as hell and scary at the same time?


"Are you sure pizza is the only thing you want to eat in Montello High? I'm sure, just like the rest of the students, you are a beast, too. Otherwise, why would you be here right now?"


Napalunok ka ng laway sa kaniyang tanong at hindi kaagad nakasagot. Oh, yes, pizza is not the only thing you want to eat in Montello High.


"Hmm, blueberry cheesecake, too?"


Ang matipid na ngiti sa labi ni Sebastian ay napalitan ng malakas na tawa - tawang hindi ordinaryo sapagkat mas lalo itong naghatid ng kaba saiyo. Hindi na ito muling nagsalita pa at sa halip ay naglakad nalang kayo nang tahimik patungo sa cafeteria. Tahimik ang buong school ground, walang mga estudyante sa paligid. Hindi mo rin alam kung anong oras na dahil paano mo nga naman malalaman ito kung kani-kanina lang ay gabi na at madilim ang paligid. Tumigil kayo sa harap ng isang cafeteria. Salamin ang dingding nito at mula sa labas ay nakikita mong madilim at bakante ang silid. Magtatanong ka sana subalit naunahan ka nang magsalita ni Sebastian.


"There are monsters inside. Don't let them eat you."


Mahina kang itinulak sa likod ni Sebastian tungo sa cafeteria. Nawala ang mga tanong sa isip mo at napalitan ang mga iyon ng kaba. No, you aren't just nervous. You also feel excitement and somehow, it scares you. Humakbang ka palapit sa pinto ng cafeteria at bago mo ito itulak pabukas ay lumingon kang saglit sa kinatatayuan ni Sebastian. He still wears that diabolical smirk and it's clear that you can't trust him. But then, you push the door open and enter the empty cafeteria anyway. Deal with the devil, you say.


But the cafeteria is far from empty. Halos hindi ka makapaniwala sa nakikita mo ngayon. Kung sa labas ay bakante ang silid na ito, sa loob ay makikita mo ang mga estudyanteng nakapila para sa pagkain at ang iba ay nagkwekwentuhan sa mga mesa sa loob. Mabilis kang natangay ng mga nagsisidatingan pang mga estudyante tungo sa mga pagkain. Kunot-noo kang tumingin sa glass wall at nakita mong puno ng mga aktibidades ang buong school ground. Hindi mo maintindihan kung paano nangyari ang lahat at wala ka nang nagawa kung hindi maglagay ng pizza at drink sa tray na ibinigay saiyo.


Tahimik kang nagtungo sa isa sa mga bakanteng tables at nagsimulang kumain. Ngayon ay naiintindihan mo na kung bakit maraming estudyante ang nagugustuhan ito. From now on, Montello High's cheese pizza will be your ultimate favorite. Subalit sino nga ba ang gumagawa nito?


Nasa gitna ka na ng pagkain nang biglang magkaroon ng kaguluhan sa cafeteria. Mula sa entrance ay nakita mong naglalakad ang isang grupo ng mga lalaki papasok. They are being led by three guys: one of them is tall, has blonde hair, and slanted eyes; the other one has a dark, fashionably messy hair, and with a bulky body compared to his companions; and the last guy is quite younger than them. He's probably the youngest subalit hindi nalalayo ang tangkad niya sa kaniyang mga kasama. Maitim ang kaniyang buhok at ang kaniyang mga mata... ay tulad ng mga mata ni Sebastian Freniere: nakakatakot subalit tinatago ito ng inosente niyang mukha.


Mas bumigat ang tensyon sa paligid nang mula sa mesang malapit sa kinaroroonan ko ay tumayo ang isa pang grupo. One of them has shoulder-length brown hair, strong presence, and quite charming; the other one has short red hair and among them, he's the one who seems to be aching to fight already; and their leader, who remained sitting with a book in his hand, looks serious and formal totally engrossed on the book he was reading.


Lumapit ang mga bagong dating sa mga taong nasa mesa na malapit sayo. Bigla na lang silang nag-umpisang magtalo at maya-maya pa ay nagpapalitan na sila ng mga suntok. Bilang isa kang normal na taong hindi sanay sa ganitong karahasan ay maingat kang tumayo mula sa iyong kinauupuan at saka nag-umpisang maglakad. Subalit hindi ka pa nakalalayo nang isang katawan ang malakas na bumangga sayo dahilan upang mapaatras ka at muling bumangga sa isa pang katawan bago ka tuluyang bumagsak sa sahig.


"What the hell?" Narinig mong bulalas nito.


Bagaman at nakapikit ka habang humihiling na hindi ka na muling masaktan pa ay naramdaman mo naman ang unti-unting pagkalma ng paligid. Iminulat mo ang iyong mga mata at nakita mong nakatayo ang dalawang grupo, gulat at nagtatakang nakatingin sayo.


"So this is the new girl Sebastian is talking about?" wika ng lalaking may bulky na pangangatawan.


"She must be the one. Dahil kung hindi, bakit maglalakas loob siyang pumagitna sa pagitan natin?" sagot naman ng lalaking may buhok na hanggang balikat.


"I think we should just leave her alone." Tila nahihiya namang wika ng pinakabatang miyembro ng isang grupo.


"Hell, no! She dared push our leader!" Tutol naman ng lalaking may pulang buhok.


Mula sa iyong kinasasadlakan ay tumayo ang nakaluhod na leader ng kabilang grupo. Masama ka nitong tiningnan habang inaayos at pinapagpagan ang hindi naman nito nadumihang damit. Mukhang siya ang nabangga mo.


"Hands off her, Zach Martinia. She'll be with us."


The guy with the blonde hair warns the glaring guy and offers his hand to you. Iniisip mo palang kung tatanggapin ito nang isa pang kamay ang lumitaw sa harap mo.


"No. She needs the bloody welcome from us. And aside from that, we still need to talk about how she intentionally crashed on me," sagot ng leader ng isang grupo.


Alam mong hindi mo sinasadya na banggain siya subalit kahit sabihin mo iyon ngayon, may maniniwala ba saiyo? Pinagpalipat-lipat mo ang iyong tingin sa dalawang kamay na naghihintay sayo, nalilito kung alin ang tatanggapin mo. So in the middle of this chaos, whose hand are you going to take?


A. The blonde guy's hand. Maybe he'll be gentle?
B. The cold guy's hand. I like it rough.
C. No, thanks. I'm already in love with the pizza.

It Could Mean Nothing To You But It Meant Everything To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon