Kabanata 12

9.5K 199 2
                                    

Ben 10 has ten characters, and I have 10 attitudes that everyone can tell but I can't. 😂
From your beloved DD donna-dmmc.

KABANATA 12

Ang pagiging ina ay hindi yan nasa dugo o kalamnan, nasa puso at pagmamahal yan.

Kaya kay saya ko kanina nang yinakap niya ako at hinagkan, naalala ko tuloy si inay. Kay saya ko nang tawagin niya akong mommy.

Wala nang kay sasaya pa sa araw nato, sa araw na binigkas niya at tinawag niya akong mommy.

"Ma'am nandito napo tayo." Anunsyo nang drayber.

Tinignan ko si Aintza na tulog sa tabi ko, nakayap sa akin habang yakap ko din. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang pwesto namin.

Tinignan ko ang pintuan nang sasakyan nang biglang bumukas, it's Eman.

Nakita ko ang bigla sa mukha niya nang makita ang posisyon namin ni Aintza. Pabalikbalik ang tingin niya sa akin at kay Aintza na tulog.

Kinuha niya si Aintza sa akin nang makita niya akong nahihirapan na gumalaw. Bumaba agad ako at sumunod sa mag ama. Nakita ko pa si mama at si Mr. Aedus.

I call him Mr. Aedus or sir, hindi niya naman ako binigyan nang permiso na tawagin siyang daddy o tatay at nahihiya naman akong tawagin siyang ganun.

Nagmano ako sa kanila, hinalikan ko ang pisngi ni mama. Nabigla nalang ako nang yinakap niya ako. Tinignan ko ang mga mata niyang mapupungay at makikita ko ang saya niya.

Umalis sila nang kanyang asawa nang makita si Eman na papalapit sa akin. Tinignan niya ako, tinignan ko din siya pabalik pero ang ending ako ang unang bumitaw sa titigan.

Habang papalapit siya sa akin, nararamdaman ko ang panginginig na mga tuhod ko. Maowtoridad niya akong tinignan mula ulo hanggang paa nang makalapit siya.

Hindi ako makapagsalita o makangiti man lang dahil sa panginginig.

Lumapit pa siya sa akin, nabigla ako kaya napa atras ako. Nakita niya ang ginawa ko kaya linagay niya ang kamay niya sa bewang ko.

He encircled his arm on my waist. Napahawak ako sa dibdib niya para hindi matumba, dahil sa pagkabigla at pagnginig nang mga tuhod nang ginawa niya yon.

Isang dangkal nalang ang layo nang mukha naming dalawa, biglang tumibok ang puso ko yung tipong tibok nalang nang puso mo ang maririnig mo.

Linapit pa niya ang mukha niya sa akin, ramdam ko ang hininga niya na tumatama sa mukha ko, ang mainit niyang hininga. Ang bango.

Walang pagdadalawang isip kong pinikit ang dalawang mata, inaasahan na lalapat ang labi niya sa labi ko pero ilang minuto ang lumipas di ko naramdaman ang inaasahan ko.

Ididilat ko na sana ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Napaisip ako okay nato keysa mabuksan ko ang mga mata ko sa harap niya at makita niya ang pagkadismaya ko.

Napangiti nalang ako nang mapait. Bakit niya nga ba ako hahalikan? Bakig nga ba?

"Im so worried. I keep calling you but you're phone is dead. Buti nalang naisip kong tawagan ang drayber." Sabi niya.

Nag-alala siya sa amin? Nag alala siya sa akin? Nag alala siya sa anak niya.

Tama nag alala siya sa anak niya kaya siya ganito, yinakap lang niya ako dahil guminhawa siya dahil alam niyang ako ang kasama nang anak niya.

Yun lang, wag ka mag isip nang kung ano, pero bakit biglang sumakit ang puso ko?

"Let's go." Hinila na niya ako papuntang itaas.

Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko. Biglang tumibok ang puso ko dahil sa nakikita ko.

Para akong tanga, nakangiti habang hila hila niya.

"Magbihis kana, magkukwento kapa." Sabi niya.

Kumuha agad ako nang damit sa walk in closet, ayaw kong lumabas at lumakad sa harap niya nang naka towel lang o bathrobe. Nakakahiya.

Bumabagsak ang tubig sa mukha ko, bigla nalang tumulo ang mga luha ko na parang gripo.

Bakit ganito? Bakit ako nasasaktan? Bakit ganun siya?

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko, binilisan ko nalang ang pagligo at di na nagbabad sa tubig, para makaiwas narin sa pag iisip nang ganun.

Lumabas agad ako nang matapos na. Nakita ko siyang nakahiga sa kama, nakapikit habang inuunan ang isang braso at ang isa nasa tiyan niya.

Napangiti ako, kahit natutulog ganun padin ang mukha niya. Maowtoridad at seryoso pero may pagka anghel.

Naramdaman niya yata na palapit ako sa kanya kaya siya dumilat. He looked at me from head to toe. I felt uncomfortable beacuse of his stares.

Umupo ako sa tabi niya, sa gilid nang kama. Nakatalikod ako sa kanya, ramdam kong tinitignan niya ako kahit na nakatalikod ako sakanya.

"Hindi mo sinabi sa akin na ikaw maghahatid kay Aintza. Hindi mo rin sinabi sa akin na ipapasyal mo siya." Sabi niya.

Napayuko nalang ako. Tinignan ko siya nagkatitigan kami ulit pero sa huli ganun parin ako parin ang huling bumibitaw.

"Im sorry." Sabi ko nang nakayuko.

Ramdam kong kumilos siya palapit sa akin. Itinaas niya ang mukha ko, yun ang dahilan para matitigan ko siya sa mata.

Nagpakawala siya nang buntong hininga bago nagsalita.

"It's okay. Im just worried. Ginabi kayo nang uwi. Akala ko may nangyari na." Sabi niya.

Ramdam ko sa pananalita niya ang pag alala samin.  Napayuko ulit ako.

"Im sorry. Next time mag papaalam na ako." Sabi ko.

Yinakap niya ako, na ikinabigla ko at ikinatibok nang puso ko nang sobra. Sana di niya maramdaman.

"I said, it's okay. Magkwento kanalang. So how is it?" Tanong niya sabay bitaw sa yakap.

Tinignan ko siya nang may ngiti sa labi at saya sa mukha.

"Tinawag niya akong mommy." Sabi ko. Nakita ko naman na natigilan siya, kita ko sa mga mata niya ang saya.

"Really? She likes you na as her mother?" Sabi niya habang nakatayo, napatayo siya kanina dahil sa bigla.

Tumango ako. "Yes."

Tumakbo sa palapit sa akin. Yinakap niya agad ako na ikinabigla ko nanaman at ikinatibok nang puso ko.

"My plan work!" Sigaw niya habang yakap yakap ako.

And that word slap me hard. Bakit nga ba ako mag e-expect. Im just here for work, im just here to be Aintza's subtitute mother, nandito ako para punan ang pagkukulang nang ina ni Aintza. Yun lang at wala na.

Wanted: Perfect Mother Good Heart Series #1 حيث تعيش القصص. اكتشف الآن