SHE'S A WATTPAD WRITER!

12.4K 508 63
                                    

SHE'S A WATTPAD WRITER! (one-shot) 

Copyright © 2012 by HippityHoppityAzure

--------------------------------------


ISANG ordinaryong hapon na naman ang kinakaharap ni Paul.

Summer vacation na nila sa school. Wala nang pasok kaya wala na syang ibang ginawa maghapon kundi ang tumambay sa computer shop ng kuya nya at maging tagabantay nito.

Una, natutuwa sya sa gawaing yun. Libreng dota at net, naisip nya. Pero di naglaon eh nabagot din sya sa maghapong pagbabad ng mga mata sa computer screen at kumaharap sa ilang customers na mandurugas. Yung tipong rerenta tapos tatakas lang! Walang bayad-bayad!

Ayaw na nya sa totoo lang. Pero hindi nya pwede iwanan ang gawain na toh. Not in one week at least. Nagpunta kasi sa probinsya ang kuya nya at ipinagkatiwala nito ang business nila sakanya.

"Okay lang.." inaantok na bulong ni Paul sa sarili habang nakatitig sa kalendaryo sa tabi ng monitor ng main computer. "5 days na lang Paul at makakawala ka na dito.."

"Isang one hour nga." masungit na salita ng isang babae.

Napatingin si Paul sa likuran ng monitor nya. May babaeng nakatayo roon. Isang pamilyar na babae na may napaka-pamilyar na 'gusto-mo-na-bang-mamatay' look.

Napangiti si Paul. Si Coleen yung babae eh. Kaklase nya ito, as well as kapitbahay.

"Oh Coleen. Na-miss kita." asar nya rito pero totoo yun. Na-miss nga nya talaga ito.

"Na-miss mo mukha mo. Kakakita lang natin kaninang umaga eh." bara nito sakanya.

Natawa sya. Totoo rin yun eh. Nagkita nga sila kaninang umaga. Magkatapat lang kasi ang mga bahay nila kaya madalas nagkakakitaan sila pag nasa kanya-kanyang garahe sila.

Kaya nga lang, hindi na sila nakakapag-usap. Hindi na rin sya maasar ni Paul kasi twing nagkikitaan sila sa garahe eh agad-agad na papasok na ng bahay si Coleen.

"Isang oras nga, Paul. Dalian mo." inis na namang salita ni Coleen.

"Ay. Oo nga noh. Teka.. Bakit dito ka pala magkocomputer? Meron naman kayo ah?"

"Tsk. Wala na kaming net."

"Ah.. Hmm.. Sige.. Dyan ka na sa number 5."

Umupo na si Coleen sa computer unit na nasa tapat lang ni Paul.

Tuwang-tuwa naman si Paul. Sinadya nyang dun papwestuhin si Coleen eh para nakikita nya toh habang nagkocomputer.

Gustung-gusto nya talagang nakikita si Coleen. Bakit hindi eh may nararamdaman sya para dito. Matagal na. Lagi nga lang nyang idinadaan sa pang-aasar dito ang nararamdaman nya. Yun lang ang paraan eh para mapansin sya nito. Paano ba naman, lagi na lang syang iniisnab nito samantalang childhood friend-- FRIENEMIES sila dati.

Dati nga lang, si Coleen ang nang-aasar at nagpapaiyak kay Paul pero mula nang mag-highschool na sila, nagbaligtad ang posisyon nila. Si Paul na ngayon ang nang-aasar at minsan, nagpapaiyak kay Coleen.

Kasi naman eh, bigla-biglang nagbago si Coleen. Mula masayahin ay bigla itong naging tahimik at masungit.

Kahit na ganun pa man, naiintindihan nya ang kalagayan ni Coleen. Napansin nya na nagbago lang naman ito nang magkaproblema sila sa pamilya-- nang iwan sila ng tatay nila para sumama sa ibang babae.

ARAW-ARAW nang nagrerenta si Coleen ng computer kina Paul. Araw-araw, same time. Kaya naman si Paul, tinitiyak na bakante ang computer unit number 5 pag alam nyang oras na ng pagdating ni Coleen.

SHE'S A WATTPAD WRITER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon