Chapter 11

1.7K 33 10
                                    

The Door

lol.

9:30 AM ng dumating si Ash sa Greenbelt. Tinext si Yeng bago bumaba ng MRT at nagsabing malapit na sya. Nagreply din naman kaagad ang kaibigan pagkalipas ng ilang sandali at sinabing nasa daan na rin ito. Umupo muna ang dalaga sa isa sa mga benches ng mall habang naghihintay sa kaibigan. 

Naalala nito ang naging pag-uusap ng mga magulang kaninang umaga. Napagdesisyunan nyang tanggapin na ang inaalok na 100 thousand pesos ng naka disgrasya sa kanya upang ipangbayad sa operasyon ng lola. Matagumpay naman ang operasyon ng kanyang lola kaya nga lang ay hindi pa rin ito makalabas ng pagamutan dahil sa natitirang utang nila.  Naaawa na sya sa nanay nya at desidio na syang pumayag sa anumang kagustuhan ng nakadisgrasya sa kanya.

Maya-maya ay nakaramdam ang dalaga ng gutom. Hindi kasi ito nakakain ng maayos dahil na rin sa pagmamadali kaninang umaga. Nakita nya na ilan sa mga restaurant sa mall ay bukas na, ngunit ayaw nya namang subukang pumasok sa alin man sa mga ito dahil alam nyang mamahalin at hindi kaya ng budget nya ang mga pagkain dito. Naglakad-lakad sandali ang dalaga upang humanap ng makakainan, kahit sandwich o kahit kape man lang. Maya-maya pa ay nakita nito ang McDonalds sa labas lang ng mall.  "Ayun! Sakto, mag maMcDo na lang ako". Pumasok ang dalaga sa fast food at umorder ng Hamdesal sandwich at saka kape. "Pwede na 'to, solve na ko dito", sabi ni Ash sa kanyang sarili. Pagkatapos i-take out ang orders ay dali-daling tumawid ang dalaga ng kalsada habang umiinom ng kape ng may humaharurot na sasakyan. Buti na lamang ay naka-preno ito at hindi sya nahagip. Nagulat ang dalaga at napahinto sandali, maya-maya ay lumabas ang isang lalaking naka-shades at casual ang porma. Mukhang nagmamadali ang lokong 'to ah. Sinigawan nya ang lalaki dahil sa inis.

"Hoy Kuya! Mag-ingat ka naman oh!" sigaw nito sa lalaking nagda-drive ng kotse.

"Excuse me, i should be the one to say that to you Miss!" sarkastikong sagot nito.

Aba at inglesero pa ang loko oh! "Ikaw kaya 'tong hindi nag-iingat!" tugon naman ni Ash.

Pinagmasdan ni Randy ang babae at medyo namumukhaan nya ito pero hindi  nito maalala kung saan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Randy ang porma at looks ng dalaga, she looked casual yet sophisticated sa kanyang knee-length beige shorts matched with a fitted floral blouse and her doll shoes.. And one thing that caught his attention was her rosy cheeks. He knew she is not wearing any make up yet mamula-mula ang pisngi ng dalaga.

Nagtataka naman si Ash sa inasal ng binata, kung makatingin naman ito ay kala mo lalamunin sya, napansin nyang tiningnan sya nito mula ulo hanggang Iba naman ang pakiwari ng dalaga sa ginawa ng binata, kaya tinanong nya ito.

"Oh?! Anong tinitingin-tingin mo dyan?!" tanong nito.

Hindi naman makasagot si Randy dahil na rin sa mga tumatakbo sa isip nito.  Maya-maya ay napagdesisyunan nyang pumasok sa loob ng kotse nya at tsaka bumusina na para bang sinasbihan ang dalagang tumabi at aalis na sya

"Ay talaga naman oh! Bastos! Sana hindi na kita makita! Lokong to oh!" sigaw naman ni Ash habang pinaharurot ng binata ang sasakyan nito.

Napansin naman nitong nagtext na ang kaibigang si Yeng at nagsabing nandoon na sya sa tapat ng Starbucks coffee shop. Dali-dali namang tumuloy ang dalaga at hinigop ang kape upang puntahan ang kaibigan.  Maya-maya pa ay nakita nya na ito at kumaway sa kanya. Nakaupo na ito sa labas ng coffee shop at may kasama ng lalaki. Gwapo ito, matangkad, at mestiso. Nagtataka sya sa kaibigan dahil alam naman nyang wala itong kasama. Ipinasok nya ang biniling sandwich sa loob ng kanyang bag at tumuloy sa kina-uupuan ng lalaki at ng kaibigan. 

"Hi Ash!" bati ni Yeng habang binebeso ang kaibigan.

"Hello Yenggay! Kanina ka pa ba dito?" tanong naman ni Ash.

Can't Buy Me Love (AshRald Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon