ii

468 15 2
                                    


Ara's

Pucha. Sakit ng paa ko dahil sa heels na yun. Kainis, kaya ayoko magpakababae e. Ang hirap, andaming arte. Wala namang ginawa sa Animo Rally, sana pala humilata na lang ako dito sa dorm. Nauna na kong umalis, foods lang naman pinunta ko dun e :P.

Sina Yeye at mga bullies nandun pa. Si Kim naman nasa Espanya dumiretso, lumalablayp ang negra. Sana wag mapansin ni Coach na wala na ako, naturingan pa naman akong Captain tas wala pa ko dun. Boring naman dito sa dorm, makapag twitter nga.

Sabog na naman notifs ko, andaming nag RT at favorite ng picture namin. Puro "Ara you're so pretty" at "GandAra" ung mga comments nung iba. Sabi na nga ba, di mawawala yung mga comment na "Bagay talaga kayo ni Thomas"

Grrrr. Kundi ko lang sila fans e, chos. Pero kase naman, ipair ba naman ako sa lalaki, at sa bansot pa na yon! Sabagay gwapo at cute din naman si Thomas, pero kahit na. Nuknukan ng yabang at playboy pa ang isang yon. Nung una naiilang ako sa Thomara na yan, pero nasanay na din ako. Buti at kahit papano close ko na din si Thomas kaya di na ko masyadong ilang.

Minsan kase tumatambay ako sa dorm nila. Classmate ko kase si Jeron kaya kahit papano, close ko ang MBT. Pumupunta ako dun lalo na pag bored at wala akong makausap sa dorm, alam nyo na guys' stuff. Nakakaumay na din kase minsan ang pagkagirly nila sa dorm namin, si Kimmy naman andon lagi kay Mela. Lagi kong nakakalaro ng Xbox sina Van, Kib, Jeron at iba pa. Yung bansot naman, bihira lang kase lagi naman yang nakikipagdate.

*****

"Oh, Ara why are you here?" Tanong saken ni Van nung unang beses nila akong madatnan don sa dorm nila.

"Wag kang istorbo Van, naglalaro kami ni Ara" sagot ni Jeron. Naglalaro kase kami ng NBA sa xbox nila.

"Free cut namin ni Je, mag-isa lang ako sa dorm kaya eto" sagot ko habang dinakdakan ni Kobe Bryant si Lebron, boooooom!!! Lakers kase gamit ko, tas Miami naman si Jeron.

"Bwahahahaha. Paps, youre so weak talaga. Imagine, a girl can beat you? Nasan ang defense mo?" Asar ni Van kay Je, pano talo na naman si Jeron.

"Try her. If you can beat her then i'll treat you. If not youre the one who will treat me" aba, nakipagpustahan pa.

"Galingan mo ha" bulong sakin ni Jeron habang umupo sya sa may likuran ko. Agad naman kaming naglaban ni Van, at bano pala talaga ang isang to!! Hahahaha.

"Go ara" pagchicheer pa ng intsik sa likod ko habang may kasama pang masahe sa likod ko. Aba, feel na feel naman ata nya yung laban, e kung magpatalo ako kay Van para malugi tong Intsik na to.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah." Andito na pala yung ibang MBT. Busy kase kami sa laro kaya di namin napansin na dumating na pala sila.

"Chiks mo?" tanong ni Kuya Norbert kay Je, sabay nguso sakin. Tawanan naman yung iba.

"Kuya naman e." Busangot kong sagot kay kuya Norbert. Kundi kay Thomas, kay Jeron nila ko inaasar.

"Kuya wag kang ganyan, alam mo naman si Ara pusong lalaki yan" - Jeron

"DaughterF, baka naman akalain ng mga team mates mo na pinagsasamantalahan ka namin dito. Alam mo na puro boys dito tas mag-isa ka lang na babae." Sweet talaga ni FatherF. "Nagpaalam ka ba sa kanila?"

"FatherF naman. Ako? Pagsasamantalahan nyo? Baka bugubugin ko pa kayo. De joke, wala namang malisya to. Tsaka isa pa, all boys naman tayo dito e"
"Oo nga naman" sabad naman ni Thomas. Aba feeling close tong isang to ah. " Kamusta date?" Tanong ko, himala at andito sya.

"Uh-oh mukhang may nagseselos"

"ThomAra na ba?" Pangangasar na sabi nila.

Bigla namang umakbay sakin si Jeron. "Biro lang Ara, nguso mo humahaba e. Hahaha. Wag ka ng mailang kay Thomas" naikwento ko kase kay Je na naiilang ako kay Thomas dahil sa ThomAra.

"Pano, hatid ko na sya sa dorm nila" baling ni Jeron sa mga team mates nya. "Lets go Ara"

"Sige, FatherF, kuya Norbert. Bye guys" paalam ko sa kanila.

"Next time uli ha" habol na sigaw nila sakin.

Simula non, lagi na kong nagpupunta sa dorm nila. Hindi na din ako naiilang kay Thomas dahil nakakusap ko na din sya, di tulad dati na sobrang ilang ako sa kanya. Andami ko ding nalaman na playboy pala ang isang yan.

------

Crappy chapter. Huhu. Keep on reading guys.

Converted [ThomAra]Where stories live. Discover now