Kabanata 13

654 43 11
                                    

Kabanata 13

Pinalit

NAPAAMANG ako. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Nakatitig pa rin kami ngayon ni Kartini sa isa't isa. Hindi alinta ang sobrang pagbuhos ng ulan.

"W-what did you just say?"

Nangunot naman ang noo niya saka mas hinigpitan pa ang yakap sa 'kin. "I said I love you too, my soon to be Mrs. Kartini Fischer."

Mrs. Kartini Fischer daw. Pota! Ang lakas na naman ng pagkabog ng dibdib ko. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko.

"You said you love me too."

"I really do, Kaye."

May too sa dulo ang sinabi niya. Ibig sabihin lang... napapikit ako sa inis. Pinagtitripan siguro ako ng damulag na 'to. "I said mahal na ata kita. And you replied I love you too. Putangina! Nakakaintindi ka ng tagalog!?" Tampal ko sa dibdib niya saka kumalas ng yakap sa kanya.

At ang damulag, halatang guilty at nag-iwas ng tingin.

"Sagutin mo ako Kartini! Nakakaintindi ka?"

Bumuntong hininga siya saka dahan-dahang tumango. "Y-yes. I-I understand you--"

"Gago ka! Gago ka! Pinagmukha mo akong tanga! Ang sabi mo noon, hindi ka nakakaintindi! Pero ano ito ha? Kung di ko pa sinabing mahal na ata kita, hindi ko pa malalaman. Gago ka!"

Pilit niyang hinuli ang kamay ko pero mas lalo ko lang siyang pinagtatampal sa dibdib.

"Gago ka! Hindi pala kita mahal! Fake news lang 'yun!" singhal ko saka siya tinalikuran.

Wala namang big deal dahil nakaka-intindi siya ng tagalog. Ang sa 'kin lang naman, masyadong nakakahiya sa part ko at ako ang unang umamin sa aming dalawa. Paano na ang titulo kong dalagang Filipina? Eh di nauwi lang din sa wala!

Ang lakas ng loob ko dahil akala ko hindi niya ako maiintindihan, iyun pala... Pota!

"Kaye, wait!" Hinabol niya ako at hinawakan sa kamay at hinila paharap sa kanya.

Kinulong niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapatingala ako sa kanya.

"I love you, Kaye Fischer," madamdaming aniya saka sinunggaban ako ng halik.

Nanlaki ang mata ko pero kalaunan ay napapikit na at tinugon iyun. Dahan-dahan lamang ang paghalik niya na umabot pa sa puntong nadadala na ako.

Hinalikan ko siya pabalik at kusa nang kumilos ang kamay ko at pumulupot iyun sa leeg niya.  Habang siya naman ay iniyakap na ang kamay sa beywang ko.

Marahan ang ginagawad niyang halik na tila iniingatan ako. Mayamaya, dumiin ang pagkakayakap ko nang sinubukan niyang maging agresibo. Pota laking ibang bansa nga 'to. Ang galing lang tumuka eh!

"Kaye!" kastigo niya nang kagatin ko ang pang-ibabang labi niya.

Kusang kumilos ang kamay ko sa basa niya ng buhok na tinatakpan na ang kanyang mata at hinawi 'yun.

"Ano?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Galit ka kasi kinagat ko labi mo? Eh di gumanti ka. Kagatin mo rin labi ko." Nag-iwas ako ng tingin. Harot pa more!

Bumuntong hininga siya saka kinintilan ako ng halik sa noo. "Mahal kita," malambing na aniya.

Muli akong napalingon sa kanya at nakitang  namumungay ang mata niya.

Sige na nga. Pakipot left the group na. Ngumiti ako. "I love you, Baby Damulag ko."

Nailing siya saka iginaya ako papasok sa kotse niya. Pinatay niya ang aircon nang bigla akong lamigin. Basang-basa kasi kaming dalawa.

My Maton Girlfriend (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon