42nd Break: Traitor

2.6K 153 4
                                    

CLENT

THERE'S something wrong here. Hindi ko mapigilan ang mag-obserba sa mga nakikita. Halos lahat naman kami ay okay na. Mas tumatag ang relasyon namin sa isa't isa. Umamin na ako kay Dana at pumayag siyang magpaligaw sa akin pagkatapos ng lahat ng ito. Civil na rin ang turing namin kay Nicole. Nakakausap na rin namin sina Angel at Rowena ng maayos. Okay na kaming lahat. Maliban lang sa dalawang tinitingnan ko.

Hindi nagpapansinan sina Alesia at Sho. Bagay na kahit ako ay ipinagtataka. Pareho silang umiiwas sa isa't isa. Si Nathaniel at Lysa lang ang kinakausap ni Alesia. Sila lang din ang humahawak kay Shaun.

"Ano bang problema nila?" tanong ni Dana at hinawakan ang kamay ko. "Kinakabahan ako."

Malamig ang kamay niya kaya ikinulong ko ang kanyang dalawang palad sa akin at hinipan iyon. Natutuwa ako na nakaamin na ako sa nararamdaman at mas nakakatuwa na pareho kami ng nararamdaman. Malaya ko siyang nahahawakan at naipapakita o nagagawa ang mga bagay na gusto kong gawin sa kanya.

I want to hold her hand. I want to kiss her. I want holding her close to me. I want her to feel how much she means to me. Kahit may pagkamaldita siya, okay lang. That's one of the reasons why I fell inlove with her.

"Don't be. Sigurado akong hindi isusuko ni Sho si Alesia kahit ano pa man ang pinag-aawayan nila. He waited for this, Dans, kaya sigurado akong hindi siya papayag na masayang ang paghihintay niya sa wala." Ngumiti ako sa kanya. "He love her in distance. At ngayong abot-kamay na ay hindi dapat pinapalampas."

"I'm just worried."

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko namang mag-alala pa rin siya hangga't hindi niya nakikitang maayos ang dalawa. I know Sho. I know how much he loves her. Alam ko ang mga ginawa niya para sa kanya. Alam ko kasi nakita ko kung paano siya binago ng lihim niyang pagmamahal dito. And I'm happy that he finally found his happiness.

"Hmm... Stop worrying, Dans. We will do something about them, okay?" I whispered, thinking about something that will help Sho.

Dumaan ang maghapon na ganoon ang nangyayari. At halos lahat kami ay nag-aalala na talaga.

"Alesia..." tawag ni Sho na papasok ng kusina.

Hinintay namin siyang pumasok ng kusina bago kami palihim na sumunod. Nasa pintuan lang kami at pasilip-silip. Nakaupo sina Lysa, Nathaniel at Alesia habang may mapa, papel at ballpen sa gitna nila.

"...I don't know. Pero baka mayroon doon?" pagpapatuloy ni Alesia na hindi man lang nilingon si Sho.

"So, we should try?" tanong ni Lysa na nakatingin kay Sho.

"Try what? Going there or making one?" naguguluhang wika ni Nathaniel. "Maupo ka muna, pre."

Hindi sinunod ni Sho ang sinabi niya. Nanatili lang siyang nakatayo sa gilid ni Alesia. Hindi ko rin maintindihan ang pinag-uusapan nila at hindi rin naman ako nagdudududa.

"Making one. I already warned Georgie about them, so, we can move freely." sagot ni Alesia na hindi talaga pinapansin si Sho. "Just make sure that he's alive. Ihanda n'yo na rin ang mga gagamitin para makapagsimula na tayo bukas na bukas din."

"What about the others?" tanong ni Lysa.

"Nandyan naman sila at nakikinig. So... wag kayong pasaway bukas dahil may gagawin kaming tatlo. Act normal and take care of Shaun."

"Paano naman ako?" bulong ni Sho pero narinig naman namin. Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya.

"Wag mo muna akong kausapin hangga't hindi ka pumapayag sa gusto ko."

Tumayo si Alesia at akmang aalis na pero nahawakan siya ni Sho sa braso.

"But I really can't do that!"

"And I won't talk to you hangga't hindi nagbabago ang desisyon mo." Binawi ni Alesia ang braso at lumabas. Nadaanan niya kami pero hindi niya kami tinapunan ng tingin.

"Damn it!" mura ni Sho na sinabunutan pa ang sarili.

"Pumayag ka na lang, Sho." sabi ni Lysa at tipid na ngumiti. "Ayaw niyang magsisi sa huli kapag hindi niya naibigay sa iyo ang bagay na iyon."

"But I can't---"

"Ako na lang ang gagawa kung ayaw mo." seryosong wika ni Nathaniel.

Walang sabi-sabi na sinuntok siya ni Sho. Agad naman kaming kumilos na mga lalaki para pagilan sila. Nalilito kami dahil wala na nga kaming naintindihan sa pinag-uusapan nila Alesia, idagdag pa itong pinag-aawayan nila.

"Don't ever come near her." nanggigigil na wika ni Sho.

Hawak namin siya nina Angelo at ramdam ko ang panginginig niya sa sobrang galit. Kung anuman ang pinagmulan nito ay sigurado akong malaking bagay iyon para magalit siya ng ganito.

"You're not the boss of me, Sho." Ngumisi si Nathaniel. "Magkasama pa kami bukas."

Nagsimula ng magpumiglas si Sho at kahit tatlo na kaming may hawak sa kanya ay nahihirapan pa rin siyang pigilan.

"Tss. Bitawan n'yo sila at hayaang magpatayan." boses ni Alesia. Buhat niya si Shaun na inosenteng nakatingin sa amin. Kumuha siya ng dalawang kutsilyo at pinagkiskis ang mga talim nun. Padabog niyang ibinaba yun sa mesa. "Simulan n'yo na. Papanoorin ko pa kayo."

"Alesia." nagbabanta ang boses ni Lysa. Ngumisi lang si Alesia at nagkibit-balikat na.

"Fine. Georgie, sumama ka sa 'kin." Hinawakan niya si George sa braso at akmang hihilahahin na paalis ng pigilan siya ni Sho. "Hindi ka pwedeng sumama."

"Gagawin ko na..." Nasa mga mata at boses ni Sho ang pagmamakaawa. Mas lalo tuloy akong nagtataka sa pinag-aawayan nila.

"Hindi pwedeng ikaw ang gumawa, Sho. Ikaw ang magbabantay sa anak natin habang may ginagawa kami ni Georgie."

Anak? Sabagay, wala namang masama kung aampunin nila si Shaun.

"Pero akin ka lang..."

Nakatanggap ako ng pinong kurot kay Dans. Impit din siyang tumitili sa kilig.

"Sa iyo lang naman talaga ako." Biglang namula si Alesia at piningot si Sho. "How dare you think about that?!"

"A-ano ba kasing gagawin ninyo?" Maging si Sho ay namumula rin.

Mahina akong napatawa ng maintindihan ang lahat. Napailing ako. Pag-ibig nga naman.

"They're not here." wika ni George ng mapansing may hinahanap si Alesia.

"Good. May pupuntahan kami ni Georgie. Lahat ng wala rito ay wag n'yong sasabihan ng kahit ano. Lahat ng nalalaman n'yo, sarilinin n'yo na lang. Kaibigan man o hindi, dapat kayong makinig at sumunod dahil..." Tumaas ang sulok ng labi niya na para bang natutuwa pa siya. "...may mga traydor na magpapahamak sa atin."

Kinabahan ako sa sinabi niya dahil isa si Mich sa nawawala sa mga oras na ito. Pero may tiwala ako na hindi niya kami magagawang traydurin.

~*~

ZOMBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon