two

6 0 0
                                    








Pinaupo nila ako dito sa waiting area ng barangay hall at ako ay kinakabahan na ghorl!  Para di halata ay nag de kwatro ako at tamang titig la bagong manicure kong mga kuko hehe

"Hintayin natin si kapitan dito. Bakit ka naman lumabas at bakit nakabihis ka ngayon?" kalmadong tanong ng tanod sa akin

"Nothing po" kinakabahan at hindi ko alam ang isasagot ko

"Aba't nag eenglish ka pa baka galing kang ibang bansa, nako! Kailangan kang maquarantine! Baka may virus ka!" over react ng tanod

"Hindi po! Birthday ko po ngayon kaya ganito suot ko po! " paliwanag ko pa

"Hayy naku bata ka!" suko ng tanod sa akin at iniwan na ako

"Makukulong po ba ako?!" pahabol kong tanong sa tanod na lalabas na ng barangay hall

"Depende kay kapitan" sagot niya at tuluyan ng lumabas

Naiwan akong tulala. Happy birthday to me! Para mawala ang kaba ay kinuha ko ang phone ko at nagworm zone.


*blaaaaaag!

Paglingon ko sa biglang pagbukas ng pinto ng barangay hall ay dumoble ang kaba ko kanina pa andyan na si kapitan! Tumambad sa akin ang napakagwapong nilalang sa harapan ko habang hingal na hingal na animo'y may humabol sa kanyang sampung kabayo papunta dito sa barangay hall at umiigting ang kanyang panga nga idinadagdag sa kanyang taglay na kagwapuhan sheeeeet! lumapit siya sakin, he is wearing a ripped jeans, white sneakers pa at nakaplain white V neck shirt at nakaleather jacket omg!



"What the fuck are you doing here!" galit na galit ang mukha niyang nagtatanong sa akin


"Nahuli ako ng tanod mo at dinala dito" nakatungong sabi ko

"Ano bang ginawa mo?  At bakit ka nakaporma? Saan ang lakad?" biglang umamo ang kanyang mukha at lumuhod sa aking harapan at hahawakan pa sana niya ang aking mukha nang iniwas ko sa kanya

"No touching, 1 meter distancing remember?" pagaattitude ko sa kanya

"I don't care, ikaw nga lumabas ka ng bahay niyo e.  Violations din yon" diretsong sagot niya

"So?" pagtataas ko ng kilay sa kanya

"Huwag kang mag aatittude dito sa opisina ko. Bakit ka lumabas?" he asked again

"Birthday ko" I answered

"I know" he said

"why did you ask me then?"

"I have the rights, barangay captain ako remember?"

"Oo nga pala"


"So,  bakit nga?" tanong niya ulit

"Kasi nga birthday ko kaya rumampa ako!" paliwanag ko

"Stubborn as always" he stated at hindi na ako nagsalita pa, bahala siya diyan. Mabulok ka sana diyan.


"Tumayo ka na, aalis na tayo ihahatid kita" sabay alok ng kanyang kamay


Tumayo ako mag isa "Wala ng tayo remember?"  at tinalikuran siya



"Eh kung makipagbalikan ako sayo? Tutal mahal mo pa naman ako diba?" ay walang hiya!



"Ang kapal ng mukha natin  Nicholo Xavier ah! " sarkastiko kong sabi ko sa kanya


"It's Brgy.  Capt.  Nicholo Xavier" he winked.

Quarantine pa nga Where stories live. Discover now