one

6 0 0
                                    










"Ma! I need kalayaan today it's my birthday! " nakabusangot kong sabi kay mama na hanggang ngayon di pa ako pinapayagang lumabas ng bahay


"Clea anak I told you bawal lumabas dahil baka makakuha ka ng virus sa labas! Ako lang dapat ang lalabas dahil mamamalengke ako at ako lang ang may quarantine pass naintindihan mo?" nakapamaywang sa harapan ko si mama habang ako ay bored na nakikinig sa paliwanag niya "Huwag matigas ang ulo pinapasakit mo lang ang mga ulo ng frontliners" sabi pa niya ng hindi pa ako sumasagot


"Ma hindi naman ako magpapahuli at mag iingat naman ako a" depensa ko pa


"Basta walang lalabas, mamamalengke pa ako anong oras na clea baka wala na akong mabibili pa doon pagdating ko." final na sabi ni mama habang tinitignan pa ang kanyang relo


Mama closed the door as I sigh. I look at the ceiling tapos pabagsak na humiga sa sofa kinuha ko ang unan sa sahig at itinakip sa aking magandang mukha sabay sigaw "Arrrrrgh! Boring naman!"


Pagkasigaw ko ay may naisip ako bigla bright idea clea!


Pagkatapos kong magshower ay kinuha ko ang paborito kong high waist pants at tinernohan ng turtle neck na gray long sleeves then kinuha ko sa pinakaitaas na parte ng aparador kung saan nakalagay ang mga collections ko na foot ware ang black knee boots ko at kinuha ang paborito kong sun glasses at... Charan! Saan ang punta ghorl?


And there lumabas na ako ng gate! Inispread ko ang mga braso na parang sinasalubong ang sariwang hangin na nanggagaling sa kanal! Woah! I feel freedom...


At nagsimula na akong rumampa sa gitna ng kalsada dahil halos wala ng tao "Hoy! Anong ginagawa mo diyan sa labas?" pagtingin ko sa bintana ng kapitbahay ay may nakasilip na matandang babae na makapal ang bibig. Oh chismosa ng barangay here I go! Sige tignan mo lang ako para may maichismis ka na naman!



Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang ako sa pagrampa "Birthday nga e! " sabi ko sa sarili ko habang feel na feel ang paglakad


Medyo nakakalayo na ako sa bahay a hmmmm sige lang birthday ko naman...


Hanggang sa may tumahol na aso at nagulat ako ng may tanod na pala malapit sa akin. Bigla akong tumalikod "Lagot!" at kumaripas na ako ng takbo pero nahuli parin nila ako lintik!

Quarantine pa nga Where stories live. Discover now