Chapter Fourteen

457 16 0
                                    

"There's no way to run, darling"sambit nito sa kanya habang nakangisi, nakatutok pa rin ang baril kay Felicia.

"Eloise, tigilan na natin to please. Wala akong ginawa sayo, at the very first place ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable yung buhay namin ni Zach. Nagparaya ako, hindi kita ginulo so please tigilan na natin to please"pagmamakaawa niya. Halata sa mga mata ni Eloise ang konsensya ngunit punong puno pa ito ng galit tumulo ang luha nito habang nakangisi at tumawa ng nakakaloko.

"Hahaha sa tingin mo papalampasin ko ito Felicia? Oo nagparaya ka nga but you are still the reason why he broke up with me!"pinutok niya ang baril agad namang umiwas si Felicia at nagtago siya sa pader.

"You can't run away from me!"unting unti lumapit si Eloise sa pinagtataguan ni Felicia nakakita naman ito ng upuan a inihampas niya ito kay Eloise dahilan para tumilapon sa malayo ang baril.

Pinulot naman ni Eloise ang patalim nasugatan itong si Felicia sa binti at braso nito umiwas pa lalo si Felicia dahil wala siyang gamit para labanan ito.

"Eloise, I'm pregnant! Maawa ka naman sakin"aatakihin sana siya ni Eloise nang nagulat sila ng may putok ng baril natamaan nito si Eloise sa kanyang binti bago ito natumba.

"Felicia!"nilingon niya ang boses na yun, linapitan siya nito saka niyakap niya ito ng sobrang higpit.

"Thank god you're safe!"aniya pa.

"Zach, thank you!"tiningnan nila si Eloise umiiyak ito.

"How dare you Zach"

"Eloise, I tried to stop you. Ayaw mo akong pakinggan sorry but I have to do this"binaril niya ulit si Eloise sa kabilang binti para hindi na ito makalakad pa.

"Let's go"hinawakan siya ni Zach sa kamay bago sila tumakbo palayo para makatakas.

Lumusot sila sa mga daan hanggang sa nakita sila ng ilang mga tauhan ni Chain agad silang nagtago sa isang malaking drawer at pinagbabaril.

"Felicia, tumakas ka na."tumango lang si Felicia at tumakbo sa may hagdanan ngunit nakita siya ni Chain kaya umatras ito tumakbo palayo hanggang sa napunta siya sa teresa.

"Ready to die Felicia?"matapang na hinarap niya si Chain.

"Chain, taposin na natin to. Pag usapan natin to. Pwede pang magbago ang desisyon mo wag sa ganitong paraan. There's a reason why they dumped you Chain"

"Reason? And what reason?"tanong nito kay Felicia.

"Hindi ko alam, pero siguro para iyon sa ikabubuti mo"nairita lang lalo si Chain kaya tinutukan niya ito ng baril bago pa ipinutok ang baril ay tumalon mula sa rooftop si Chase kasalukuyang nakatayo si Chase sa harap ni Felicia.

"Stop this!"laking tuwa ni Felicia na nakita niya si Chase pero hindi siya nilingon nito.

"Oh my twin brother what an epic entrance."

"Chain the reason why our parents did that to you because they want you to change. Hindi mo alam na may sakit ka, you are a psycho person yet hindi mo malalaman ang mga galaw mo o mga pinag gagawa mo. Gusto nilang maramdaman mo o marealize mo na naging masama kang tao.."dagdag pa ni Chase.

"You don't have a proof."binaril naman siya ni Chain dumapa si Chase at pinadapa niya si Felicia para hindi ito matamaan.

"Hi"bati ni Felicia sa kanya. Ngumiti si Chase sa kanya saka siya hinalikan sa noo at pinatago siya sa gilid.

Matinding labanan ang ginawa ng magkambal sa halip ay duguan na si Chain natumba ito at inaapakan siya ni Chase sa dibdib nito habang kinasa ang baril at itinutok ito sa ulo ng kambal niya.

A reason to LoveWhere stories live. Discover now