Challenge # 15

44.6K 2.4K 472
                                    

Three

Gabrielle Eleina's

Tahimik pa rin si Jorge, pero okay lang iyon. Kita ko naman sa mga mata niya at sa mga kilos niya na okay siya, sana nga masaya siya kasi iyon lang naman ang gusto ko. Pupunta kami ngayon sa Calapan, Oriental Mindoro. Ipapakita niya raw sa akin ang bahay at ang farm niya roon. Kagabi, nagkukwento siya sa mga naipundar niya at wala akong masabi, I am just proud of him. Self-made man siya. Kahit na may mga kakaibang bagay sa kanya, nagawa niya pa rin ang mga bagay na gusto niya and I am very happy for him.

Kasama namin si Anne sa pagpunta sa Calapan, Oriental Mindoro. Excited ang bruha. First time niya kasing makakapunta roon. Inaaya nga rin namin si Aelise pero uuwi siya ng Bulacan dahil birthday ni Sabello at ni Ross today. May maliit na birthday party para sa magkakambal.

"Aalis na ba ang ferry?" Avery spoke. Nasa loob na kami ng ferry papuntang Mindoro. Nag-travel kami via bus papuntang Batangas Port tapos ngayon naman ferry na kami. As usual, nakasuot na naman siya ng hoodie, may pa-pita mask pa ang luka – luka, akala yata niya IDOL siya kaya naglalabas ng bahay na ganito. Hindi naman siya dapat sasama pero wala siyang nagawa kasi si Popsi na mismo ang nag-empake ng gamit niya, ipinahitid kami ni Popsi kay Kuya Eli at Japet papuntang bus station para sure raw na walang takas si Avery.

"Paalis pa lang."

"Okay." Nakasimangot siyang pumikit. Katabi niya si Anne, siyempre ako, katabi ko si Jorge.

"Excited ka?" Dinutdot ko ang braso niya. He nodded at me.

"I missed home." He said. May kung anong humaplos sa puso ko. I am happy that he is excited about something. Hinawakan niya pa nga ang kamay ko. "Thank you for coming home with me." Sabi niya pa. Jusko, kanina may humaplos sa puso ko, ngayon tunaw na siya. Hinalikan niya pa iyong mga daliri ko – oo, inisa – isa niya. Kilig na kilig ako tapos iyong kapatid kong si Anne, nakatingin, nakangiwi sabay sabing: Yuck. Binitiwan tuloy ni Jorge ang kamay ko. Nang hindi nakatingin si Jorge ay pasimple kong hinatak ang buhok ng kapatid ko.

"Aray naman, Ate!" Sigaw ni Annie. Napatingin tuloy sa amin ang ibang mga kahilera namin. Patay malisya lang ako tapos yumakap ako kay Jorge. He held my hand again. Nang maramdaman kong umandar ang barko ay pumikit ako, nararamdaman ko kasi iyong paghampas ng alon, pero mas naramdaman ko noong i-enclose ni Jorge ang mga braso niya sa akin. He keeps on kissing my head. Jusko, paano baa ko kakalma? Nasa barko ako, kailangan, Maria Clara, pero Maria Malandi pa rin ang labas ko.

After one hour and forty – five minutes, nakarating na kami ng port ng Calapan, Oriental Mindoro. Nakakatuwa, ganito pala ang hitsura ng lugar na ito. Madagat, matao, pero mukhang tahimik naman. Kanina habang nasa ferry ay may itinurong isla sa akin si Jorge, iyon raw ang Isla Verde, maganda raw doon at minsan ay daldalhin niya ako. May kakilala raw siya roon na matutuluyan namin ang bahay.

Naglakad – lakad lang kami sandali, ang sabi ni Jorge ay may susundo raw sa amin. Hindi naman nagtagal ay nakita ko na ang isang kulay asul na Toyota Hi-Ace. May bumaba roong middle aged man tapos kumaway sa amin. Ngumiti naman ako - lalo noong lumapit sa amin ang matandang iyon.

"Anak, kamusta ang byahe?" Wika nito sabay yakap kay Jorge. Nakatingin lang naman ako sa kanila.

"Ayos naman, Tay. Nga pala, si Eleina..." Napangiwi ako. Agad kong pinisil ang braso niya. "At si Avery, Anne, mga kapatid niya. Mga bisita ko ho. Si Tay Manuel, uncle ko, kapatid ni Mommy."

"Hi, nice to meet you po." Nagmano ako. Narinig ko naman ang mga kapatid ko – si Anne umubo pero ang sabi niya talaga Plastic! Si Avery naman, Kunwari mabait. Hinarap ko sila para panlakihan ng mata. I smiled at them. "Mamaya lagot kayo sa akin."

Hard to HandleWhere stories live. Discover now