Prologue

67 0 0
                                    

Tumikhim ang lalaking nasa dulo ng mahabang dining table tsaka niluwangan ang necktie na suot. Napatigil ang tanging ingay na nagmumula sa kalantig ng kubyertos nang dalawa pang tao sa hapag-kainan.

Malaki ang mansyon ng mga Loreal.  Ilang metro pa lang mula rito ay tanaw na tanaw na mula sa kalayuan ang nakasisilaw nitong ilaw mula sa mga naglalakihang chandelier. Ganuon pa man, taliwas sa malamig at tahimik na simoy ng hangin, abala at aligaga ang mga kasambahay sa luob ng mansyon mula sa paghahain ng hapunan.

Sa luob ng silid na nakalaan para sa hapagkainan ay tahimik na nakaupo ang tatlong miyembro ng pamilya.

"What's the matter, Renz?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang asawa. Napakagaan ng boses nito, at tulad ng anak na babaeng nasa harap nito, hindi rin maipagkakaila ang gandang taglay niya.

Batid ng mga ito na may bumabagabag sa padre de pamilya. Workaholic, at hindi lang basta businessman, ngunit isa sa pinakasikat na business tycoon sa iba't ibang industriya ang padre de pamilya. Gayunpaman, hindi naman nagkulang ito sa pagiging responsableng ama at asawa. Halos lahat ng bakanteng oras nito ay inilalaan niya sa pamilya. Kahit kilala sa pagiging istrikto bilang isang business tycoon, ibang -iba naman siya pagdating sa tahanan. Hindi nila maiwasang manibago sa tuwing nagkakaganito ito.

Hindi sumagot si Renz at sa halip ay itinuon ang paningin sa kaniyang anak. Tahimik ito na humiwa ng steak at saka mabagal iyon na nginuya. Hindi nakalampas sa mata niya ang tensadong postura ng anak na babae. 

Napakaraming nagbago rito, at hindi siya sigurado kung ang desisyong ito ang makabubuti para sa anak. Bumuntong hininga siya bago muling magsalita.

"We need to go back to the Philippines."

Agad na namutawi ang katahimikan sa apat na sulok ng silid. Tila ba ang bawat isa ay nahigit ang kanilang mga hininga sa narinig.

Eight words, 30 letters. But enough to make Uoiea's system stop. Her mind seemed to have transformed into a time machine, parehong naglakbay sa nakaraan at sa hinaharap.

"Renz, what are you saying?" Gulat na sambit ng ilaw ng tahanan, si Unella. Mabilis niya na inabot ang balikat ng asawang si Renz at madiin itong hinawakan. Para bang sa ganuon ay babawiin nito ang sinabi niya.

"Don't worry, Charlitte will be there too. He just needs to finish some of his school requirements and then, he's free." Pagputol nito sa sasabihin ng asawa. Alam niyang gulat at naguguluhan ito, pero hindi muna iyon ang importante sa ngayon. Tanging makahulugang mga tingin na lamang ang naisagot nito sa asawang si Unella.

"How about my studies, Dad?"

Parehong natigilan ang mag- asaw. Hindi nila inaasahan ang napakalmang reaksyon ng anak. Alam nilang pareho na kung meron mang pinakanaguguluhan, 'yun ay ang anak. Hindi nila alam kung matutuwa ba sila sa ganitong reaksyon niya, o malulungkot dahil pilit pa rin nitong itinatago ang totoong reaksyon. But even if she doesn't say anything, her eyes held so much emotion, and it's enough for them to decipher what she really feels.

"Ah, about that, you will be enrolled into one of your Mom's institution. Will that be okay, hon?" Alanganing sumang-ayon si Unella. Alam nitong hindi siya ang pinaka- apektado sa naging desisyon ng asawa.

Hindi agad nakasagot si Uoiea.

"It's settled, then. You should leave in three days. Next week na ang pasukan sa Pinas."

Hanggang sa pagtulog ay iyan ang nagpaulit- ulit sa tenga ni Uoiea. Narinig niya ng malinaw at maayos. Ngunit masyado siyang lutang para intindihin pa iyon.

Will there be a change? What will happen? Kaya ko na ba? What if someone happens to know? May naghihintay kaya sakin pagbalik ko? Do I still care?

Well, who knows Uoiea. Wala ka nang magagawa.

Iyan ang namutawi sa kaniyang isipan bago tuluyang lamunin ng pagod at antok ang kaniyang sistema at muling tawagin ng kaniyang madilim na nakaraan.

************

This is a work of fiction. Names,
characters, businesses, places,
events and incidents are either product of author's imagination or used in a fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidence.

Copyright @justarandommind

©All rights Reserved

When Destiny Decides To PlayWhere stories live. Discover now