Chapter 1

219K 1.9K 65
                                    

I woke up to the sound of a vehicle halting to a stop in front of our house. And since my bed was adjacent to my room's window, I decided to take a look. Natanaw ko na agad ang isang malaking truck na huminto sa tapat ng bakanteng bahay sa tapat ng bahay namin.

It had been a while since we moved in this subdivision. Maybe, around six years or so. Ibinenta ng kaibigan ni Dad ang bahay sa amin dahil magmamigrate sila sa ibang bansa. Nasa High School pa lang ako noon, and ever since, wala pang tumira sa bahay na iyon sa tapat namin. It was pretty ordinary. A non descript town house who once belonged to an OFW. Iyon ang kwento ng mga kapitbahay namin.

Anyway, name's Miguel Sebastian dela Rosa, nineteen years old. Migs to my Family and Edge to my friends. I am currently attending college and taking up Marketing. Basically, I can say that I'm a good person, masunurin ako sa tatay ko, nagaaral akong mabuti and I've never broke anyone's heart, as far as I can tell. What else? Physically, I am tall, not so dark, but, yeah, not to brag or anything, handsome, with unruly black hair and gray eyes. According to dad, namana ko daw yun sa nanay ko, whom I've never met. I've seen her in pictures, though. She died when I was born. And since then, I was raised by my dad. I like Basketball, varsity ako sa University namin. I also like reading books. Hindi ko nga alam kung Jock ba ko o Nerd sa lagay na to.

Anyway, back to the subject of the matter, there was a loud crash coming from outside and a woman screamed.

"Ano ba?! Sinabi ko nang ingatan eh!"

"Pasensya na ho ma'am. Dumulas ho, eh."

Umirap ang babae at tumuloy lang sa pagmamando sa mga taga buhat ng gamit. Tingin ko nasa forty ang edad nya, Mahaba ang buhok at tuwid na tuwid na hanggang bewang. She looked strict.

Napa-make face ako. Sa dinami dami naman ng makakabili ng bahay na yon, isang masungit at maingay na babae pa. Tatalikod na sana ako nang makita ko na may isa pang tao na bumaba ng kotse.

Balingkinitan ang katawan niya, matangkad, maputi, mahaba din ang buhok na hindi mo malaman kung buntot ba ng aso o ano? Kulay brown sa ibabaw at mas mapusyaw na kulay sa laylayan. I half smiled. I think she's cool. Judging from the Nirvana shirt, ripped jeans and converse shoes she's wearing. I liked the rocker chic, nerdy thing she had going on. Sa tingin ko kasing edad ko sya, base sa pananamit nya. My eyes went down to her ass--involuntarily. Damn.. She's sexy. Hindi ko masyado nakita ang mukha nya dahil dumiretso na sya sa loob ng bahay. Ni hindi nga nya pinansin na kinausap sya nung matandang babae. Sayang.

Nanitili akong nagmamasid hanggang sa napansin ko yung babaeng mas bata na nasa second floor na, nakatayo sya sa bintana at nakamasid lang sa iba. Nakatapat ang bintana ko sa bintana nya kaya kitang kita ko na ngayon ang mukha nya.

She's pretty. Straight nose. Pouty lips and f*ck me, captivating eyes. Titig na titig ako sa kanya kaya hindi ko napansin na nakatingin na din pala siya sakin. And that was my cue to blush. Yes, ladies and gentlemen, the great Miguel Sebastian dela Rosa, actually blushed. Hindi ko alam kung ngingiti ba ko o ano. The only thing that sinked in was her smirk and the way she closed the blinds before I could decide whether to wave at her or smile.

Nakakahiya ka, Edge.



JAZZ' POV~

"Peeping tom..." nakairap na sambit ko matapos kong nakita ang lalaking tila isang manyak na nakasilip sa bintana.

I decided to take that room immediately. Mahirap na at baka ang nanay ko pa ang masilipan ng manyak na yon.

What made my mom decide on buying this property is still a mystery to me. 'Ni hindi ko nga alam na may ganun pala kaming kalaking halaga ng pera pambili ng bahay na 'to. Well, anyway, hindi naman kami close ni mommy eversince kaya malamang na hindi na siya nag-aksaya ng oras na sabihin sakin.

She's seriously fvcked up and He's the Perfect Guy [COMPLETED]Where stories live. Discover now