Previous Page of 2Next Page

Duyan

Dedicated to
desireee101_
spinner.gif

Try to play the video in multimedia section to have a creepy background music while reading.  :)

 

Ang kuwentong ito ay totoong nangyari kay Xander. Pinalitan ko lang ang pangalan ng characters para mapangalagaan ang kanilang pribadong buhay, ito ay walang halong imahinasyon at hango sa mga totoong pangyayari. Hihiga ka pa ba kung habang natutulog ka ay may nakatitig at may gustong maglaglag sa iyo sa DUYAN?

~

It happened somewhere in Rizal. Niyaya si Xander ng kaibigan niyang si Melvin upang i-surprise ang girlfriend nitong nagdadaos ng ika-dalawampu't isang kaarawan. Tatlong taon na silang magkaibigan ni Melvin simula pa ng lumipat siya ng paaralan, galing siya ng bataan at kasalukuyang naninirahan sa Marikina.

"Samahan niyo naman ako, first time ko kasing bibisita sa bahay nina Maya. Natatakot ako sa tatay niya, baka habulin ako ng itak kapag nakita ako." text ni Melvin sa mga kaibigan. "Osige, basta libre mo ako ng pamasahe." sagot ni Xander sa kaibigan. "Ok. Huwag ka maingay kina Mark at Raven na ililibre kita ah." reply ni Melvin "Sige, sige." Ayun ang huling sagot niya sa kaibigan bago binaba ang hawak na lumang cellphone.

Naligo at agad na nagbihis si Xander para  hindi sila gabihin sa daan. Apat silang magkakaibigan na pumunta doon, medyo matagal ang biyahe kaya't hapon na nang dumating ang mga ito sa lugar nina Maya. Ipinasyal sila ni Maya sa lugar dahil maganda ang tanawin dito, umakyat sila ng bundok at pumunta sa palayan. Nakipaglaro din sila sa mga kambing at mga kabayong nakita nila sa daan. Bago magdilim ay bumalik na ang grupo sa bahay nina Maya upang maghapunan at baka daw makagambala pa sila ng mga hindi nakikitang nilalang. Pagkatapos kumain ay may iba pang bisitang dumating  si Maya at nagkayayaang uminom, karamihan sa kanila ay dating mga kaklase ni Maya.

Pumuwesto sila sa isang kubo na malapit sa ilog, na halos katabi lang ng bahay nina Maya. Madilim ang lugar at maraming puno, Walang mga posteng magbibigay ng ilaw. Tanging ang liwanag lang ng buwan at ang ilaw sa kubo ang nagbibigay ng liwanag sa buong kapaligiran. 

Hindi sanay uminom si Xander kaya't nagsabi siyang huwag na siyang bigyan ng tagay, ngunit naging mapilit ang kaniyang mga kaibigan at nakantiyawan pa ng ibang bisita kaya't labag man sa kalooban ay pinagbigyan na niya ang mga ito. Dahil nga hindi sanay uminom ay madali siyang tinamaan ng iniinom na alak. "Ano kaya mo pa?" Tanong sa kaniya ni Melvin. "Nasusuka na ako. Gusto ko na matulog, uwi na tayo." pipikit-pikit na sagot ni Xander kaya't nagyaya na siyang umuwi. Narinig naman ni Maya ang pinag-uusapan ng magkaibigan kaya't sumabat na ito. "Bukas na kayo umuwi. Ipapahatid ko kayo sa Cainta para dun na kayo sumakay pauwi. May duyan diyan, gusto mo bang magpahinga muna 'dun?" alok sa kaniya ng kasintahan ni Melvin. Dala ng hilo at antok ay pumayag si Xander na matulog muna sa Duyan habang nagiinom ang mga kaibigan nito.

Kahit medyo malayo ang duyan sa kubo at mag-isa lang siya ay hindi natakot si Xander. Nakita ni Xander na may poso pala sa tabi ng duyan. Kumuha siya ng tubig sa poso para basain ang mukha upang mawala ang nararamdamang tama sa alak.

Habang nasa duyan ay nakatanaw si Xander sa kubo at pinagmamasdan ang mga nag-kakasiyahang mga kaibigan at mga bisita ni Maya. Naramdaman niya na medyo lumalakas ang hangin sa paligid. Noong una ay hindi nakaramdam ng takot si Xander dahil normal naman na humangin ng malakas at malamig dahil maraming puno sa lugar, ngunit ang nagpatayo sa kaniyang balahibo ay nang maramdaman na sa batok lang humahampas ang malamig na simoy ng hangin, 'tila ba may kung sinong umiihip dito mula sa kanyang likuran.

Naramdaman din ni Xander na parang may nakamasid at nakatingin sa kaniya mula sa malayo. Hindi na niya sinubukang i-gala pa ang kaniyang mga mata dahil takot siya sa kung ano ang pwede niyang makita. Kahit na nakakaramdam ng kilabot ay hindi nagpadala si Xander sa takot, nanaig pa din ang pagkahilo at pagnanais na makapagpahinga. Inisip niya na iyon ay dala lamang ng kanyang malawak na imahinasyon. Nakatulog si Xander habang nasa duyan. Sa gitna ng pagkakahimbing ay ginising siya ni Maya upang bigyan ng unan.

"Oh Xander. Ito ang unan, gamitin mo para maging komportable ka diyan." sabay abot ni Maya ng unan. "Salamat. Anong oras na?" pupungas-pungas niyang tanong. "Alas Dos. Mga alas singko ipapahatid ko kayo." saad ni Maya. Mas naging mahimbing naman ang tulog ni Xander dahil sa unan. 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (246)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Robi Domingoas Xander
Enchong Deeas Melvin
Maja Salvadoras Maya
Daniel Padillaas Raven
Kathryn Bernardoas Nakakita
Bangkayas Matandang Lalaki

Who's Reading

Recommended