Unhappiness

124 1 0
                                    

#2

"PUTANG INA LUMABAS KA SA BAHAY NA IYAN! ANO PINANDIGAN MO TALAGANG WALANG HIYA KA?! BIGLA-BIGLA KA NALANG PAPASOK SA BAHAY NA HINDI NAMAN SAYO? ANO LUMABAS KA DIYAN TANg INA MO!" wala na akong natitirang dignidad sa katawan ko. Hindi ko alam kaninong bahay ito pero nagsisigaw ako sa labas nang bahay nila. I was really suspicious to my boyfriend kaya sinundan ko siya isinama ko na rin ang anak namin. We have two kids but my first born died weeks after she was born. Sobrang nawasak ang mundo ko nang mawala ang anak namin she was the best thing that ever happen to me pero kinuha siya saamin. Kasalanan ko rin naman iyon if I werent that careless enough sana buhay pa siya. Sana andito siya sa tabi ko dinadamayan ako dahil sa kagaguhan ulit ng tatay niya.

"PUTANG INA LUMABAS KA!" sigaw ko ulit. Naramdaman ko na may humawak sa akin nilingon ko kung sino, ayy ang puking ina kong jowa na walang ginawa kundi pasakitan ako. Tang ina talaga hanggang kailan ba ako iiyak nang iiyak sa gagong ito. 

"ANO!" singhal ko sakanya I saw my child crying to my friends arm awang-awa ako sa anak ko at sa sarili ko. Bakit ba kasi ako nangkaganito, ah oo nga pala nag-mahal ako nang gago. 

"Aime, tama na nakakahiya. Pinagtitinginan tayo nang mga tao oh? Halika na." Mahinahon niyang paki-usap sa akin. Binawi ko ang kamay ko tapos ay hinarap siya. Sinampal ko siya ng dalawang beses bago nagsalita.

"Ako pa talaga ang mahihiya Kris! Ikaw at ang babae mo ang dapat mahiya! Dinala mo pa talaga siya dito para ano, para masulo mo? Tang ina mo!" pinagbabayo ko ang dibdib niya. Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko hindi ko malalaman na andito siya sa isang beach resort kasama niya iyong babae niya at ang mga barkada nito nag-iinuman sila nang datnan ko habang si Kris at ang kabet niya sa isang cottage naglalplapan pa.

"May anak na tayo dalawa namatayan ka na nga hindi ka parin ba titigil? Ano pa bang dapat kong gawin binigay ko na sayo lahat, lahat, lahat na wala na ngang natira para sa sarili ko!"  I fall into the ground nanghihina ako tang ina ang sakit na sobrang sakit na. 

"A-ate ta-tama na po" bigla akong napatayo at hinarap siya. Isa si Marian sa kaibigan ko na naging sandalan ko hindi linggid sa kaalaman kong kaibigan rin pala niya ang kabit ng nobyo ko. 

"Putang ina mo rin! Pinagkatiwalaan kita ikaw rin pala ang tra-traydor sa akin. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sayo pero putang ina! Traydor ka! Traydor!" I was about to slap her pero may mga bisig na pumulupot sakin saka siya tumakbo papalayo sakin. Nagpupumiglas ako sa nobyo ko.

"Tang ina mo! Tang ina niyo ginago! GInago niyo ako!" Pinagsusuntok ko siya sinasalag niya ang mga suntok ko hanggang sa itinulak niya ako.  Napasalampak ako sa kalsada ang sakit noon pero mas masakit ang binitawan niyang salita.

"Bwesit na buhay to oh! Ano ba kita? Ha?!" napasigaw na si Kris habang dinuduro niya ako. "Hindi kita asawa! Girlfriend kita baka nakakalimutan mo! HIndi kita asawa kasi hindi tayo kasal! KAya kung ako sayo umuwi ka na kasi nakakahiya na! Nakakahiya ka!" parang tinarak ng ilang libong kutsilyo ang puso ko. Hindi ako makahinga ang sakit sobra, kaya kung sikmurain ang panggaggago niya pero hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya.

Pinahid ko ang mga luha ko at tumayo tinignan ko siya. Galit ang expression nang mukha niya at nag tiim-bagang pa. Umuling ako at tinalikuran ko siya. Sa kabila nang pinaggagawa niya sa akin nananatili parin yung pagmamahal ko sa kanya. Ang tanga ko kahit saktan niya ko ng paulit-ulit mahal ko parin ang gagong to. At sobrang sakit noon kasi mahal ko siya, wala akong ginawa kundi mahalin siya pero ito siya ngayon paulit-ulit akong sinasaktan.

KInuha ko ang anak ko sa bisig nang kaibigan ko, napagpasyahan kong umuwi na lamang. Walang silbi iyong pinaglalaban ko siya kasi kahit anong laban iyong gawin ko at the end ako rin lang ang masasaktan I took a glance to him andoon siya sa babae niya pilit na pinapatahan kasi iyak ng iyak. Ang sakit na sobrang sakit na kaya sumakay na ako sa motor ng kaibigan ko at tahimik na umiiyak. I hugged my son tightly and kiss his forehead. All I could do is cry and cry that day. 

RANDOM STORYWhere stories live. Discover now