[ONESHOT] Fake Crush to Real One

177 4 6
                                    

Naranasan niyo na ba na magpanggap na iba ang crush mo para lang hindi makalat yung tunay na crush mo?....

x-x-x-x-x-x

[Roanne's POV:]

"O Roanne, truth or dare?"

"Truth!"

Mas madali ang truth nooo ^__^v

"Hmm.. Sino ang crush mo?"

"Dapat 'di artista ah?"

O___O

Sasabihin ko bang si Paolo? Nooo T__T Andito siya eh, si ano nalang, si--

"Si Kris ang crush ko"

"AYIIIIIIEEE~"

"Sayang wala si Kris dito, may sakit kasi. Ay nako. Isang malaking revelation. Hahaha."

"Wag nga kayong maingaaaay > o <"

Pagkasabi ko nun, agad naman akong tumingin ki Paolo, tinutukso niya din ako ki Kris T___T Nadurog tuloy yung puso ko <///3

*_*_*_*_*_*_*

Makalipas ng ilang araw after nung truth or dare, bumalik na sa school si Kris, I prayed to God na wag makarating sakanya yung sinabi ko, 'di naman kasi totoo T__T Plus! Bakit naman ako magkakagusto kay Kris eh, ang sama sama ng ugali nun -__- Lagi ako nung inaaway, binubully. Haynako, ba't kasi pangalan niya yung lumabas sa bibig ko? Sasabihin ko sanang si Pao eh, kaso:

1. May girlfriend siya

2. Masisira yung friendship namin

3. MASISIRA YUNG FRIENDSHIP NAMIN

Okay -___-

What should I do now?

Papasok na ako ng classroom.

Inhale. Exhale.

"O ayan na Kris! Andyan na si Roanne! Ayiie"

Inirapan ko yung kaklase kong sumigaw at tinignan ko si Kris. Iirapan ko na sana kaso.. mapula yung mukha niya. Teka.. 'di pa ata siya magaling -___- Who cares? Not me :)

"Uy Roanne! Pansinin mo naman si Kris o. Galing pa yang sakit, alagaan mo naman daw. Yiiiieee"

"Tumigil ka nga Demi -__-"

"Penge nga nang kumot! Nilalamig ako ki Roanne eh!"

Sus.

After ng ewang minutes, pumasok na yung teacher namin sa Chemistry at grinupo kami into pairs, gagawa daw ng banat gamit ang mga elements sa periodic table. Hay nako si ma'aaam. And guess who kung sino ang partner ko? Obvious. Si Kris. Hayy. 'Di ko kasi kaklase si Pao T__T

"Err.. So, anong naisip mo?" tanong ko to break the silence

Himala ata at hindi siya maingay ngayon.

"Hm, pahiram ng periodic table mo, nakalimutan ko kasi"

Binigay ko sakanya yung periodic table ko at sinimulan niyang magsulat sa notebook niya

"Anong sinusulat mo? Patingin nga"

"Mamaya na, tapusin ko lang to."

'Di na ako kumontra, hinintay ko na lang siya matapos. Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan + hindi ko best friend ang chemistry, so let the genius handle the activity. Hahaha.

Bigla siyang tumayo at binigay ki ma'am yung sheet of paper.

"Krisss, ano baa? Akala ko ipapakita mo sakin"

"Hahaha. Got ya. Asa ka namang ipakita ko yun sayo :P"

"Aish. Kriissss, I hate youuuu."

Bumalik na ako nun sa upuan ko. As you can see, pikonin akong tao, well.. 'di naman, medyo lang haha. Tampo epek lang ;)

After ilang minutes, nag salita na si ma'am.

"Okay, I've your entries. Anyone from the pair shall read it to the person you want to tell that 'banat' to. Shall we begin?"

Ano ba naman si ma'am! Bumabagets. Hahaha.

Tinignan ko si Kris ng 'sino-satin' look xD Tapos tinuro niya yung sarili niya. Okeh, siya na. Siya naman yung gumawa eh.

After ilang classmates namin yung bumanat, finally, yung saamin na.

"Okay Mr. Oliveros, it's your turn"

"Para po kay Roanne itong banat na ginawa ko."

WHUT?!

"Ayiiiiiiieeeeee~"

"Roanne, are you full of Beryllium, gold and titanium?"

"B-bakit?" sabi kong namumula

"Because you are so Be Au Ti...ful"

Maybe.. Liking Kris isn't so bad? You won't know unless you try right? ;)

Naranasan niyo na ba na magpanggap na iba ang crush mo para lang hindi makalat yung tunay na crush mo?

Tapos bigla kang nagkagusto dun sa sinasabi mong 'crush' kuno? :)

[ONESHOT] Fake Crush to Real OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon