TWO WORDS--2

191 5 1
                                    

(Two weeks later.....)

"Hay, grabe nakakapagod!" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

She's wearing a white t-shirt with sweatpants, tas gulo-gulo yung buhok niya.

Ang cute niya lang tignan. Nakakain---

"Hoy! It's rude to stare at --"

"Yeah yeah, its rude to stare at people,,,Oo alam ko wag mo na ituloy." Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya dapat.

"Alam mo naman pala eh, bat tumititig ka pa?" Mataray na tanong niya.

"Alam mo ikaw ang sungit mo na naman!" Kinurot ko yung pisngi niya. Agad naman niyang pinalo yung kamay ko.

"Letse Joshua! Masakit!!"

"Hahahahaha! Ang panget mo Gem!!" Sinamaan niya ko ng tingin.

Oo nga pala, it's been two weeks simula ng maging mag-seatmate kami. So far, so good, mabait si Gem, hindi nga lang talaga halata kasi masungit siya XD Mas naging close kami nung nadiscover naming pareho pala kaming naghihiking every free time, kaya eto kami ngayon, kakatapos lang namin mag-hike. Nga pala, kung tatanungin niyo, opo masungit parin si Gem, di na maaalis sakanya yun.

"Bat ka na naman nakatitig?"

"Wala, wala, may naalala lang ako."

Napangiti ako sa naalala ko, dati niyaya ko si Daphne na mag-hiking agad niya kong tinanggihan baka daw kasi mangitim siya.

"Kfine." Mas tinitigan ko si Gem, la lang mang-aasar lang XD Pansin ko kasing ayaw niyang tinititigan siya eh.

Napansin naman ni Gem na nakatitig ako sakanya kaya tinignan din niya ko. Bale magka eye to eye kami ngayon.

"Kala mo, papatalo ko sa staring contest ah, hmmp!" She said still locked with my eyes.

"Hahahaha, gue lang, ako mananalo." Sabi ko naman.

Siguro mga 2 minutes na pero magkatitigan parin kami, nakatitig lang kami sa mata ng isat-isa....Gem have those brown hazel eyes, isa lang masasabi ko ang ganda ng mga mata niya.....

Bumaba yung tingin ko sa labi niya....she have a very pink lips...ma---

Napailing ako at napaiwas ng tingin.

Ano ba yung iniisip ko?!

Napaiwas narin si Gem ng tingin.

"Uhhh...anong oras na?"

"1pm, tanghali na pala!" Sabi niya.

"Can I ask you something?"

Kahit medyo close na kami ni Gem ay wala parin akong masyadong alam sa kanya. I can say na she's a very private person. Pansin ko, sa school wala siyang kinakausap sa mga kaklase namin lalo na mga lalaki pwera na lang kung important matters.

"What?"

"Bakit ang sungit-sungit mo?"

"Is that a serious question?" Medyo inis na tanong niya.

"Seryoso ko, pansin ko kasi iniiwas mo yung sarili mo sa mga tao..i mean no offense meant ah, masyado kang harsh sa iba kasi gusto lang naman nila makipagkaibigan..." Seryosong sabi ko.

Napansin kong napabuntong-hininga siya, tas ngumiti siya ng mapait at tumingin sa malayo.

"Alam mo, ikaw palang ang naglakas loob magtanong sakin niyan..." Sabi niya, nakatingin parin siya sa malayo.

"I guess ako lang ang may lakas ng loob.." I said then chuckled.

"Yup, ikaw lang..sa totoo nga ikaw palang ang kaibigan kong lalaki..since last 2 years?"

Short Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon