Chapter 20: W/ Little Dexter

1.1K 22 0
                                    

Chapter 20: W/ Little Dexter

Jade's Pov


Habang pinagmamasdan ko si Dex na masayang nanonood ng nagsusurfing




Ngayon ka lang ba nakapanood ng ganiyan?,,, tanong ko, napatingin naman siya sa akin



Opo, kasi hindi ako pinapayagan na gumala ng ganito, tsaka palagi silang busy sa company,,,, malungkot na sabi niya




Ikaw ba ate Jade, mag-isa ka ba na nandito?,, tanong niya sa akin,  kaya lumapit ako at tinabihan siya


Hindi,,, sabi ko



Ah ok po,,,, sabi niya




Gusto mo ba ng Ice cream?,,, tanong ko kasi may nakita akong nagtitinda



Opo sana kaya lang wala po akong pera,,,, malungkot niyang sabi

Tara bili tayo, libre ko,,, magiliw kong sabi


Talaga po,,,, masaya niyang sabi



Kaya tumayo na kami, at tsaka siya tumakbo papunta sa nagtitinda ng Ice cream, kaya binilisan ko narin ang paglakad




Nang makarating na ako kay manong sorbetiro



Anong gusto mong flavor?,,, tanong ko kay Dex



Yong Chocolate po, tsaka Manggo,,,,, sabi niya



Kuya dalawang order po ng Chocolate at Manggo flavor,,, sabi ko kay manong



Buti nalang pala at dala ko yong wallet ko, pero yong phone ko naiwan ko, sayang gusto ko pa sanang magpicture with Dex

Tsaka ako nagbayad, pagkatapos ay inabot na ni kuya yong order ko, inabot naman ni Dex yong ice cream niya




Tsaka kami ulit bumalik doon sa kinauupuan namin kanina





Alam mo ba ate, ngayon nalang po ako ulit nakatikim ng ice cream, Kaya kung hindi dahil sayo, hindi ko ulit matitikman yong paborito ko,,,, masaya niyang sabi habang kumakain



Bakit hindi ka ba binibilhan ng mga magulang mo?,,, tanong ko




Hindi po, masama daw sa ipin ito,,, sabi niya




Kahit na minsan lang?,,, tanong ko



Hindi po talaga,,, sabi niya





Ok sige, pagkatapos nating maubos itong ice cream natin, doon naman tayo sa may souvenir shop,,, sabi ko


Sige po,,, sabi niya




Nang maubos na namin, inilabas ko yong panyo ko, tsaka ko ipinunas sa gilid ng bibig ni Dex





Ate tara na po sa souvenir shop,,, excited na sabi niya




Ok,,, sabi ko






Jian's Pov


Nakatulog pa kaya ulit yon?,,, wala sa sarili kong tanong


Kaya kinuha ko yong phone ko at denial yong number ni Jade


Contacting My Secretary....


Sino na naman yang tinatawagan mo bro?,,, tanong ni Chester, isa siya sa kagrupo ko




Yong secretary niya,,, sagot naman ni Gerald, kaya sinamaan ko siya ng tingin



My Secretary is a Secret BossOn viuen les histories. Descobreix ara