Chapter 1

107 2 0
                                    

PLAY GROUND

RUSSELL

*Past*

Hapon na kailangan ko ng umuwi baka abutan na ako ng dilim dito sa daan.

Dahil galing ako ng school that time, nagmamadali akong umuwi...

Ng biglang.......

.

.

.

.

.

.

.

*oohh...!

Aray ang sakit nadapa ako. Shit ang sakit may dugo ng lumabas...

Umiiyak na ako sa hapdi, hinihipan ko yung sugat ko habang pinupunasan ko ang pisngi ko ng luha.

Hindi ko namalayan may humawak sa balikat ko.

Napalingon ako.

"Heto oh" isang batang lalaki na inaabot niya yung blue na panyo.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon, kung saan ko ilalagay yung panyo kung sa sugat ko oh ipapahid ko yung luha ko.

Nakatingin ako sa kanya hindi ko makita yung mukha niya dahil na cup at nakatalikod siya sa araw kaya nasisilaw ako.

"Lagay mo sa tuhod mo..." pag aalala niya siguro nakita niya na may dugo ito.

At eto nilagay ko sa tuhod ko at tinali ko ito paikot. Pinunasan ko na lang ng kamay ko yung luha ko.

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong inalalayan at sabi niya.....

"Dahan dahan ka kasi, takbo ka ng takbo pag dumadaan ka dito sa playground" parang nasermunan pa ako.

Napatingin ako sa kanya at naaninag ko yung mukha niya.

Hindi ko ma-describe yung mukha niya, biglang napatulala ako.

Ano bang itsura nito parang inedit matangos ang ilong, singkit ang mga mata dahil naka-ngiti siya at ang labi niya mapupula.

Kulang nalang sabihin ko sa kanya na artista ba siya? Pero sa edad kong iyon wala pa akong alam grade 4 palang ako noon.

Natandaan ko ang mukang iyon. At nagsalita na ako sa kanya.

"Salamat kuya." Mahina kong sinabi, kaya kuya ang nasabi ko mukhang ahead siya sa akin.

"That's all?" Huh? English? Pero na get ko siya. Tsaka bakit niya sinabi na thats all? May bayad? May kapalit?

"Huh kuya? Bakit may bayad po ba?" Katangahan ko.

"no...im joking, hehehe" napa ngiti siya.

"Ako pala si Rafi. tawag sa akin(Smile)" Pahabol niyang pakilala sa akin.

"Aako palaa si Russell," pag tataka ko.

"Lagi kita nakikitang tumatakbo dito, bakit may umaaway ba sayo?" Pagtatanong niya. Ako naman sagot agad.

"Ah eh kasi.. baka abutan kasi ako ng dilim sa daanan, kaya nagmamadali ako" ang sabi ko ng mahina ulit. Kasi nahihiya ako.

"Sige,, simula ngayon pag dumadaan ka dito sa playground magdahan dahan kana kasi maraming bato sa gilid, kaya mag ingat ka." Pag eexplain niya sa akin, alam ko naman. Na tyempuhan lang ako.

"Bakit kuya Rafi lagi kaba dito?" Sabi ko.

"Ou dito ako lagi, pag kagaling ko sa school." Sabi niya.

His Promise (Ra-Ra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon