Nueve

40 1 0
                                    

Author's note

Bumabawi lang ako hanggat weekend haha! para po sa kasalukuyang nagbabasa ng AFGITMOLFM wag nyo po munang basahin 'to dahil may ilang part dito na spoiler

-- 

Micah's POV  

"You look familiar"  sabi ko dahil parang nakita ko na talaga sya noon at hindi ko lang matandaan kung saan at kailan, hindi nya lang ako pinansin nung sinabi ko sakanya 'yon kaya lang may bigla akong naalala. 

buti nalang at tanghali palang, nakakamiss din kayang umalis pinasamahan ko muna yung bagong bodyguard ko sa magiging kwarto nya kay butler, at nagmunimuni muna ko bago pumasok ng kwarto at maligo, pagkatapos nun kinuha ko yung cellphone ko sa may drawer at binuksan ang facebook ko naka private yung facebook ko pero may makukulit parin na nagpapa-add sakin.  wala namang bago kaya di nagtagal ay ni log out ko na. 

Lumabas ako ng kwarto ng walang yabag na maririnig , dahan dahan akong naglakad papuntang main door ng palasyo mukhang busy ang mga katulong, si butler wala din yung bodyguard ko siguro nakatulog dun sa kwarto hahaha! ang daling takasan, pumunta ko sa isang kotse at buti nalang andun yung susi. Yes! success!

Nag-drive ako sa pinakamalapit na mall at pinark ko yung kotse ko, pumunta ko sa isang boutique para mamili ng damit tinignan ko isa isa at nakakita ko ng color black na long sleeve, pumunta ko sa dressing room at tinignan ko ang sarili ko sa salamin simple but elegant yung damit, at sya nga pala bago ko umalis nagsuot ako ng salamin at pekeng nunal sa pisngi kaya wala talagang makakakilala sakin, nagpunta nako sa cashier at tinignan ko yung price nung damit 9658 pesos, not bad. agad agad akong umalis pagkatapos bayaran yung binili ko.

Pumunta ko sa sinehan at tinignan yung mga showing: 

1. Fifty Shades of Grey 

2. AFGITMOLFM

3.  ZERO

4. Tonari no cheverlu

Pinili ko yung AFGITMOLFM dahil nakaka curious kung ano yung meaning nung palabas at movie poster palang ay maganda na, pumunta ko sa pilahan at bumilli ng ticket bago ko pumasok sa loob bumili muna ko ng popcorn pagkatapos nun pumasok nako at umupo sa pinakalikuran ilang saglit pa ng napakaraming ads ay nagsimula na yung palabas! 

*AFTER 1 HOUR*

Kinuha ko yung panyo ko sa bag at ipinahid ito sa mukha ko, hindi lang ako makapaniwala dahil napakaganda ng pinapanuod ko ngayon lang ako humanga at umiyak ng dahil sa isang palabas lalo na nung sa scene na si Art ay nagka amnesia at si Nate ay namatay.  patapos na sana yung palabas at kukuha palang sana ko ng popcorn ng magtaka ang mga tao ng biglang bumukas ang ilaw at natigil ang palabas sa screen.

May isang lalaki na humarang sa gitna at parang may hinahanap. 

"Pasensya na sa abala" sabi nya ng may malamig na tono ng pananalita.  dahan dahan syang umakyat at tinignan nya isa isa yung mga nanunuod at hanggang makarating sya dito sa dulo at tinignan nya 'ko. naitapon ko bigla ang hawak kong popcorn at nahulog ito sa lapag hinablot nya ang kamay ko at kinaladkad nya ko pababa.

"T-teka s-sandali HOY!" ng makalabas kami huli na ng ma-realize ko na bodyguard ko pala 'yon nasa parking lot kami at hinablot ko ng pabalang yung kamay kong namumula dahil sa pagkakahawak nya kanina tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at napaiwas ako ng tingin naka damit sya pang bodyguard at di ko maitatangging gwapo ang isang 'to. 

"HOY BA'T MO KO BASTA BASTA KINALADKAD HUH?! BODYGUARD LANG KITA" sabi ko sa kanya ng pasigaw dahil wala namang tao dito sa parking lot.

"Bodyguard mo 'ko kayo may karapatan ako"  sabi nya habang pinipigil ang galit napatingin ako sa adams apple nya dahil sa sunod sunod na paglunok nya para pakalmahin ang sarili nya.

"Simula ngayon, hindi ka makakawala sa akin tandaan mo yan" napatigil ako sa iniisip ko ng marinig ko yung sinabi nya.

 

Santiago Series: ZERO (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon