Prologue

41.9K 476 24
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: KILL SCHNEIDER IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL JULY 10, 2017. 

BOOK DETAILS:

PAGES: 314 (INCLUDING SPECIAL CHAPTERS)

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER.GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM


***

Prologue:


"AZRIEL..."

Kumurap-kurap siya. Kadiliman. Walang ibang tanawing naaarok ang kanyang mga mata kung hindi ang kadiliman, bagay na hindi naman bago sa kanya. Mayamaya'y isa pang kurap. Naaaninag niya ang isang magandang mukha na nakatunghay sa kanya at nakangiti.

"I hope she grows up to be a good girl. I wish that her every kisses with a prayer will make any demon go away. But I also wish that her kiss will find the one destined to protect her, to hold and secure her for life... and death."

Isa pang kurap. Nawala ang mukha. Napalitan iyon ng isang santelmong nagliliwanag sa kadiliman. Noon siya napasinghap. Inikutan siya niyon, tila naglalaro. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan nang dahil sa takot at kaba.

"A-ano ka? S-sino ka?" nahihintatakutan niyang tanong, idinadalangin na sana'y panaginip lamang ang lahat ng ito.

"Azriel... Azriel..."

May tinig ang santelmo. Nagsasalita ang santelmo. Nanlamig siya dahil sa narinig. Ibig niyang kumaripas ng takbo ngunit hindi niya nakikita ang daanan.

"A-Azriel? Sino si Azriel? Hindi ako si Azriel..."

"You... are Azriel..." malalim ang baritonong tinig ng santelmo.

Nakakapanghilakbot. Nakakapanlamig.

Kusang umiling ang kanyang ulo. "Hindi. Ang pangalan ko ay Courtney Keera at hindi Azriel."

"You are him..."

May mga bagay siyang hindi maipaliwanag at maunawaan. Natatakot siya ngunit tila ba ibig pa niyang makausap ng mas matagal ang santelmo. Na parang alam niya ang kailangan nito. Na parang handa siyang tanggapin ang kung anumang ibibigay nito sa kanya.

Ngunit ni sa hinagap, kahit isang segundo lamang nang sandaling iyon, hindi niya inisip na iyon ang magbabago ng kanyang buhay. Na iyon ang magiging hudyat sa isang bilog na walang hangganan.

Sa isang buhay na walang kamatayan.

Sa simula na walang katapusan...

Narinig niya ang pagtawa ng santelmo. Nanginig siya pagkagilalas at sa umigting na takot.

"I have found you now... my vessel."

Kumawala ang impit na tila mula sa kanya nang lalong lumiwanag ang santelmo. Pakiramdam niya'y luluwa ang kanyang mga mata sa sobrang liwanag niyon. Ngunit mayamaya'y paunti-unti iyong nawawala. Naglalaho hanggang sa paunti-unting maging kislap na lamang iyon sa malayo.

Hanggang sa paunti-unti ay magising siya...

"Oh, finally! Nagising ka rin. Care to explain now?"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig na iyon. At kasabay ng kanyang paggalaw ay ang pagsakit ng kanyang ulo. Kumunot ang noo niya habang hinihintay na maging malinaw ang imahe ng taong nakatunghay sa kanya.

At halos mahimatay siyang muli nang nang mapagkilanlan ang

pamilyar na mukhang iyon.

"H-holy shit! You... you should be freaking dead by now! What the hell are you still doing here?" H'wag mong sabihing nagmumulto 'to? Pambihira, nakakakita na rin ako ng multo?

Subalit sa kanyang pagkainis ay hindi sumagot ito. Sa halip ay pumorma pa ang nanunuyang ngisi sa labi ng lalaki at tumambad sa kanya ang matatalim nitong pangil.

Bampira. Napakunot siya ng noo. Iisa lamang ang kilala niyang bampira na nabubuhay dito sa mundo.

Napamura siya sa isip.

Oh hell! Si Kill Schneider!

Black Blood Academy: Kill Schneider (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon