Chapter Sixteen :

1.8K 45 16
                                    

"Hey Lucy ! Di ka pa ba papasok sa bahay niyo ?".

Napabalik ako sa ulirat ko ng marinig ko na naman ang boses nang babaeng kanina ko pa kasama pero di ko naman kilala. Gusto ko sana itanong kung sino siya at ano siya sa buhay at lalo na kung pano niya ako nakilala.

Pero alam ko mas lalo ko lang guguluhin ang sitwasyon ko pag nagtanung pa ako.

"I think ,kailangan mo ng pumasok kasi nag-aalala na sayo sina tita at tito.Two days ka din namin hinanap tapos makikita nalang kita sa tapat ng stock room.You owe me an explanation so better get sleep kasi bukas simula na ng interrogation."
Bahagya pang bumaba ang talukap ng isang mata nito habang walang humpay ang ngiting nangangasar na animo ay may ginawa akong di maganda.

"Goodbye na Lucy , see you tommorrow.Mwaps."
Nagulat ako sa sumunod na ginawa nito .Lumapit ito ng sobrang lapit sa mukha ko at tinapat ang labi nito sa pisngi ko . Damang dama ko ang pagdampi ng halik nito sa kaliwang pisngi ko. Beso ,agad ang pumasok sa isip ko.

"A-ah .. sa-salamat sa paghatid sa akin dito."
Ginaya ko kung pano siya ngumiti kanina pero hindi ko ginaya ang uri ng pag ngiti nito bagkus ay ngumiti lang ako ng simple.

"Ha ? Wala yun . Oh siya babye na ."
Kumaway pa ito sakin bago umalis.

Ibinalik ko ang tingin ko sa malaking harang na nasa harap ko . Ito na ata ang tinatawag na gate ?

Then a flashed of broken memories passed in my mind. 

Nakatayo din ako sa esaktong lugar na ito at may pinindot akong bilog na bagay . Agad kung hinanap iyon at sa tuwa ko ay nakita ko naman ang nakita ko sa vision ko at agad ko itong pinindot.

*Dingdong*

*Dingdong*

"Enter a code"

 

"Please enter a code."

 

Ha ? Ano daw ? Enter a--- ano ? Hala , baka mamaya isa pala itong bomba ? kasi diba bilog din iyon ? o di kaya isa itong itlog ? tapos bigla nalang sasabog ! Waaah , ayaw ko pa mamatay. T__________T .

*Beep*

Satania the HeiressWhere stories live. Discover now