Kabanata 12: Special Class 101

4.2K 201 19
                                    

Author's note:

COMPLETED NA ANG FIRST EVER STORY KO! HAHAHA

Kaya naman, iuupdate ko na to! Hi, parang dumami ata readers neto. Nakakatuwa, ewan ko lang ngayon. Sana may nakapag-antay! Hahaha. Comment!

ID Ni Jonna sa Special Building ng Matias Gil University. Nakoww pinaghirapan ko yan even the small details ---->

Enjoy reading!

__________________________________________________

Kabanata 12: Special Class 101

Isang linggo na ang nakakaraan ng magsimula ako rito sa Special Building bilang isang estudyante. Putragis, isa na ako sa mga Special Child, ang sakit sa puso. Di ko matanggap. Bakit ganto ang kapalaran ko. Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone na mamahaling binigay ng isang lalaking kinamumuhian ko sa mundong ibabaw.

“Oh.” Hindi parin ako marunong magtext kaya tawag lang ang pwede. Ewan ko kasi wala to sa bundok.

“Where the hell are you?” narinig ko ang pagkairita sa tono ng kanyang pananalita. Aba putcha! Wag na wag ako netong babadtripin at baka ihampas ko tong laptop na may mansanas na tatak sa pagmumukha niya. Badtrip na nga ako sa pag-operate neto, babadtripin niya pa ako lalo.

“Wag mo kong babadtriping leche ka, baka di kita matantya, akala ko ba nakalimutan ko na ang paghalik mo saking gago ka? Ulol!” di ko na inantay na magsalita pa siya at pinindot ko na ang END button. Sa buong linggong yun, iniinis niya ako sa loob ng klase, kahit pa sa studio lesson naming na bawal ang mag-usap e iniirita ako ng ugok. Sa totoo lang, walang pumapansin sakin dito, ni sa mata e hindi ako tinitignan, ganun ba ako kapangit. Hayup sila.

Nandito ako ngayon sa library dahil tahimik dito at kelangan ko ng focus upang pag-aralan ng mabuti kung paano gamitin itong libro kuno namin, ung laptop na pinaglihi sa punyetang mansanas. Napakamahal ng mansanas na to. Paano ako nagkaroon? Ewan ko, nung pag-uwi ko sa bahay nung first day e, may nagpadeliver, may note, ang sabi:

This will serve as your books, notebook and a pen. Study well.

 

Di naman ako curious kung sino nagbigay. Basta meron e ayos na, yakap ko nga ang bag ko lagi pag papasok sa school kasi mga tarantado ang nasa kanto naming.

 Mura na ako ng mura kasi, punyemas talaga di ko makuha kung pano to gamitin, ilang araw na akong nagpapractice.

“Lalabo ang mata mo kung ganyan ka kalapit sa laptop mo.” Napatingin naman ako dun sa nagsalita sa kanan ko, ako ba kausap nito? Napakunot naman ang noo ko sa kanya.

“Katampo naman! You didn’t remember me, I’m Erika Montaverde, the first person you met here in Special Building nung nagdala ka ng proposal sa dati naming Adviser.” Nakita ko naman ang paglungkot ng mata niya, di ako marunong magcomfort dahil totoo naman, nalimutan ko ang pangalan niya kahit na medyo familiar nga ang mukha niya.

Tumango nalang ako at tinuon ang atensyon ko sa Laptop.

You Are Mine, Ugly!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon