Kapitulo Veintequatro

61.4K 2.9K 941
                                    

Pwede?

Arandia's

Alalang-alala ako kay Aelise. Gusto ko nga siyang dalhin sa ospital kasi puro pasa ang braso, leeg at ang mukha niya. Ganoon rin ang kapatid niyang si Leina pero ayaw nila, sinuportahan sila ni Mr. Apelyido sa desisyong iyon. Ang gusto niya ay iuwi agad ang mga anak niya pero nag-volunteer akong sa masyon na muna sila tumuloy, kahit na magpa-umaga na lang sila dahil hindi ako papayag na basta na lang umalis si Aelise nang hindi man lang natitingnan ng doctor. Mukhang pumayag naman si Mr. Apelyido kasi wala na siyang sinabi noong tinahak ko ang daan papuntang Hacienda Asuncion.

Laking nerbyos ko nang makumpirma ni Avery ang hinala ko. Nag-text siya sa akin para sabihing hawak ni Governor Roman si Gabi. Kinabahan ako at sinabi ko iyon kay Ross, but my brother didn't seem bothered at all. Ipinaalala niyang kakaiba si Gabi sa lahat. Maaaring kakaiba nga si Gabi pero hindi siya immortal. Maaari siyang mapahamak kaya kahit walang kasamang pulis ay sumugod ako roon, pagbaba ko ng kotse ay nakahinga ako nang napakaluwag nang makita ko siyang palabas na kasama si Mr. Apelyido pero bumalik ang paninikip nang dibdib ko nang makita ko ang hitsura niya, sinabayan niya pa iyon ng pag – iyak.

I hugged her tightly. Hindi siya dapat nasasaktan ng ganito. I kept kissing her temple, but we needed to leave, ngayon ay nasa passenger's seat sila ni Leina, si Aelise ay tulog samantalang si Leina ay nagrereklamo habang kinakapa ang pisngi niya.

"My god, baka bukas tubuan ako ng pimples! My god, sayang ang glass skin ko! Nakakaloka! Kasalanan ito ng Governor na iyon! Papakainin pa nila kami ng sisig slash cat food! Ano naman iyon?! Na-kidnap ka na nga iyon pa ang papakain sa'yo. My god again! My skin!"

"Is she okay, Sir?" I asked Mr. Apelyido.

"As long as she's ranting, she is okay. Itong pangalawa ko pagod. Umiyak eh." Natahimik ako. "Bata, alam kong nagmamahalan kayo ha, alam kong gusto ka ni Aelise ko, pero kahit ganoon, sana naman hindi na maulit iyong ginawa mo sa kanya noon."

"Hindi po. Si Aelise lang po ang gusto kong makasama habambuhay."

"Dapat lang." He said to me. Nagulat ako nang biglang sumeryoso ang boses niya. Wala na iyong friendly tone noon. "Sa oras na masaktan ulit iyan, at umuwi sa aking umiiyak dahil sa'yo, magdasal ka na. Wala akong sinasanto."

Natakot ako. Tinapik pa ng ani Mr. Apelyido ang balikat ko. Nag-focus na lang ako sa pagmamaneho. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa mansyon. Bumaba si Mr. Apelyido. Inalalayan niya si Leina, ako naman ay binuhat ko si Aelis. Papasok na kami nang may dumating na isang kulay green na nasasakyan – a dark green Chevrolet. Mula roon ay bumaba ang isang uncle ni Gabi, si Judas Escalona at kasama nito ang isang lalaki – si Eli, tapos ang anak niyang babae, si Cindy. Kahit paano ay nakikilala ko na sila.

"Nakasunod kami kanina pa sa inyo. Papunta na rin si KD. Akala ko iuuwi mo na iyang dalawang Gabrielle mo?"

"Ayaw pumayag noong jowa ng Aelise ko. Dito muna tayo. Parating na ba si Dondon? Papatingnan ko sa kanya itong dalawa." Hindi na ako nag-stay pa. Pumasok ako sa loob, nadatnan ko ang mga magulang ko, si Ross, Santi at Fonso. Napatayo sila nang makita ang kalagayan ni Gabi.

"Anak, anong nangyari?" Mama asked.

"Wala naman, Ma. Tulog lang si Gabi. Dadalhin ko muna siya sa kwarto ko." Mabilis ang kilos ko. Pag-akyat ko sa itaas ay nasalubong ko si Mona at Biga, napatayo ang dalawa. Hindi ko sila pinansin. Habang naglalakad ako patungo sa silid ko ay nasalubong ko si Raffie – she looked appalled pero mabilis naka-pick up ang kapatid ko. Lumakad rin siya papunta sa silid ko para buksan ang pinto. Nagtuloy – tuloy ako at agad na inihiga sa kama si Gabi. I touched her face. May malaking pasa siya sa pisngi.

DelicateWhere stories live. Discover now