PROLOGE

8.3K 87 1
                                    

Prologue

Gabi na ng maalala ni Stacy na mayroon syang papeles na dapat kunin sa condo ng kanyang kasintahang si Dylan ang may ari ng Villafuente's port na kanyang pinag ta trabahuhan bilang isang piloto, kaya naman nag mamadaling kinuha niya ang susi ng kanyang sasakyan para pumunta sa condo ng kasintahan

Alam ni Stacy ang code ng pintuan ng condo unit ng kasintahan kaya naman agad nya iyong binuksan

Pag kabukas ng pinto, agad na bumungad kay Stacy ang nag kalat na damit sa sahig ng condo at ng makapasok siya nag tungo sya sa pinto ng kwarto ni Dylan

Nasa pinto pa lamang ay rinig na rinig na nya ang halinghing na nag mumula sa loob

Binuksan nya ng dahan dahan ang pinto, patay ang ilaw kaya naman ng buksan niya iyon nag uunahang mag lag lagan ang kanyang mga luha at parang pinira piraso ang kanyang puso sa nakita

"Stacy" gulat na napatingin sa kanya si Dylan at ang babaeng nasa ilalim nito.

Nag mamadaling nag suot ng damit si Dylan at ang babae naman ay nag mamadaling lumabas ng kwarto

"Stacy" ang tanging nasabi ni Dylan ng maka lapit ito sa kanya.

Isang malakas na sampal ang iginawad ni Stacy sa mukha ng binata "why? San ako nag kulang? Kailan pa 'to!?" Sunod sunod na tanong ni Stacy kay Dylan

"Ngayun lang Stacy. I'm sorry, let me explain. I can explain, baby" sabi ng binata gamit ang basag na boses, umangat ang nanginginig nitong mga kamay para sana hawakan sya ngunit umatras siya.

"Tapos na tayo" sabi ni Stacy habang humihikbi dahil sa sakit na ipinaranas sa kanya ni Dylan

7 years of being together, alam nyang manloloko ito dati pero iba na pala pag na huli mo sa akto, sobrang sakit parang hinde ko na ata kaya.

Territorial Men 1: Dylan VillafuenteWhere stories live. Discover now