Chapter 6

40 2 4
                                    

“Ang haba ng hair mo,Day! He may call you d-ickheaded, iniligtas naman niya ang life mo. You should make bawi!”

Ang ingay ng unit ko. Bakit ba kasi nagawa ko pang ikwento ito sakanya? Ugh. Kukulitin lang ako ng kukulitin nito. Ginagambala ‘din naman kasi ako ng alter ego ko na i-kwento sakanya ang nangyari last night since pinapabayaan niya lang akong mag isang mag pahangin.

“What the hell?! Are you out of your mind?”

Making up to someone is not REALLY my thing. Wala akong sweet bones or whatsoever. Sa tanang buhay ko, hindi ako nag aaksaya ng oras para lang bumawi sa isang bagay. Ano naman nga kasi ang mapapala ko hindi ba? I can say sorry or thank you, naman bakit kailangan pang babawi, right?

“Machay, utang mo kay Bryx ang precious life mo” sabi ni Victor sa’akin.

“And so? You know, Victor--”

Before I can say anything else, he cut me “Victoria”

I just rolled my eyes “Nakakadiri. Pero ganito kasi ‘yun Victoria,” he smiled when I say VICTORIA “Nakapag thank you na ako sakanya. Ano pa ba ang gusto niya hindi ba? I bet he’s not expecting for more. Besides, nandoon lang talaga siya that time, when you abandoned me”

“Gaga ka kasi. Lagi ko kasi sa’yong pinapaalala na huwag kang lalabas kapag gabi na. Especially kapag hindi mo ako kasama. Ang tigas ‘din naman kasi ng skull mo kasi ano?!” sabi niya. Then I laughed. “What’s funny? I’m just concerned. Sayang ang beauty mo ‘kung mare-rape ka lang sa damuhan”

“Kasi, you’re being my Kuya this time. Ganyan kaya ‘yung mga Kuya” I said.

“Nah. I’m your Ate, okay? Pero, iniiba mo talaga iyong usapan natin, eh?” ipinatonong niya ang ulo niya sa shoulder ko then he hooked his arms to mine “I’ll help you naman kasi. Pababayaan ba naman kita?”

“Bakla, pinabayaan mo na ako kaya nga nangyari ‘yung pagiging bayani sa’akin ni Bryx”

“Pero, sige na. Please? Parang utang na loob na lang ‘din naman ‘to sakanya”  pag pipilit niya pa ‘din sa’akin.

“Hindi ko naman hiningi ‘yung tulong niya at nag pakabayani nalang siya doon. Kayang kaya ko naman ‘yung holdaper” pag yayabang k okay Victor para tigilan nalang ako. He will bug me kasi everytime about this. Ayaw niya lang akong lubayan.

“Machay, I know you. Kabado ka sa ganyan. Kaya nga hindi ka sumama noon sa judo class ko ‘diba?”

I sighed in defeat. Hindi na ako makapag salita. Kilalang kilala talaga ako ng bakla na ‘to. Bakit niya kasi ako kilalang kilala na kahit split ends ko siguro ma-i-identify niya sa’akin ‘yun.

“Fine. Napaka gulo mo” tatayo na sana ako, pero ibinaling ko ulit ang attention ko sa kaibigan kong kukunsensyahin ako ng kukunsensyahin hanggang sa walang hanggan “We should keep this to Caleb” sabi ko.

“Bakit naman? Masaya kaya ‘yun ‘kung nag kabukingan. Ang sasabihin ‘nun ni Caleb: “Sorry if I wasn’t there to protect you. Thank you Bryx” bawas points kay Caleb ‘yun, then dagdag pogi points naman kay Bryx. I told you kasi. Bryx and Caleb at the same time”

The Skirt ChaserWhere stories live. Discover now