HE'S GONE?!

23 1 0
                                    

RENZO'SPOV~

Nakatingin ako ngayon sa mga litrato ni elhay kung saan lahat ng kuha ay nakangiti sya.. masaya at napakaaliwalas ng mukha..

Yun yung mga bagay na ayaw kong makitang mawala sa kanya. Labis akong malulungkot kung sa huling pagdilat ng mga mata ko kalungkutan ang makikita ko sa maamo niyang mukha..

Kaya even how much I wanted to see her till my last breath, I've decided na lumayo bago pa man ang araw na iyon.

Isang buwan na lang.. At alam ko na wala na talagang pagasa.. Alam ko din na pinipilit lang ni elhay ang maging malakas pero alam ko na napakalungkot niya..
At wala akong magawa para mawala yung lungkot na yon. Mahal na mahal ko sya..

Bumalik ako sa kwarto namin where my wife is sleeping peacefully..

Kaya ko bang iwan ka
I'm sorry.. I'm sorry kase iiwanan na kita..
I'm gonna miss you SG..

Bigla syang nagising. nagulat sya ng makitang umiiyak ako kaya umupo sya agad..

"Renzo? Anong nangyare? May masakit ba sayo? Okay ka lang? Do I need to call--"

"No, I'm okay.. Don't panic. Hindi mo ba alam na masama yan sa nagbubuntis?" Sabi ko then force to smile.

"Kasi naman e, Bakit ka kase umiiyak? Tell me? May problema ka ba? Ano ba iniisip mo?" Sabi niya habang pinupunasan luha ko.

Niyakap ko sya..

"SG.. Mahal na mahal kita." Sabi ko.

"H-hey, Ano ba? Alam ko na yan at mahal na mahal na mahal din kita." Sabi nya. Bigla nanamang tumulo luha ko.

"e-eLhay.. Sana lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako lagi ha? Binabantayan kita.." Sabi ko.

Pilit syang kumakawala sa pagkakayakap ko.

"Hold on. Let's stay like this for awhile." Sabi ko.

"A-Ano ba kasi yang p-pinagsasabi mo? bakit parang sinasabi mong mawawala ka?" Umiiyak na sabi niya.

"We both know it'll happen.. Gusto ko na bago pa dumating yung araw na yon.. Unti-unti mo ng natatanggap so that--"

"Damn Renzo! Will you please stop saying nonsense thing like that.. Hindi ka mawawala, H-hindi mo ko i-iiwan..H-hindi.." Sabi niya.

Hinarap ko sya..

"Baby.. Listen to me.. Mawawala ako pero hindi ako mamamatay.. Mabubuhay ako.. Mananatili akong buhay sa inyo.. sa iyo.."

"R-Renzo.."

"Aalis ako.. Lalayo ako.. Noon gusto ko na mukha mo yung huling huling masisilayan ko bago pa man ako mawala pero Narealized ko na.. Ayoko pala.. Ayokong makita ka sa huling araw na iyon.
Anytime now I could die.." Sabi ko.

Gusto kong lumayo bago ang araw na yon. Ayokong makita ang malulungkot nilang mukha..

"Hindi ako papayag.. ayoko! Ayoko!" Sabi ni eLhay.

"Gusto mo ba akong mahirapan? Gusto mo ba? Seeing you being like that.. eLhay its killing me.. kaya lalayo ako. gusto ko, Itatak mo lang lagi sa puso at isip mo na someday babalik ako.. magkakasama tayong muli..
Pwede ba yon?" Sabi ko.

Ang totoo hindi ko kayang mawala sya kahit saglit sa paningin ko.. pero dapat e, Kailangan..

"Renzo hindi ko kaya! For pete's sake HINDI KO KAYA!ayokong malayo ka sakin ayoko.."

SG!  AYLABYUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon