Mr. Left

79 3 2
  • Dedicated kay Regine Evangelista
                                    

Para sa isa sa aking bestfriends. Napakatagal ko na itong naipangako pero ngayon ko lang natupad, pasensya na~~

Nung una nagandahan ako, ngayong... di ko na sure. Hahahaha. Ang hirap, eh~ ^___^

To Ms. Regine. Loveyou~ always. alam mo yan. para na din kay @YourPrettiestFriend chabijean!~sana mabasa mo to. hohoho~ i miss youuu! <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

[REGH’s POV]

 

“Uuwi ka na agad? Ang kj neto!”

“Ay, nako. If I know iii-stalk lang nyan si Leandro dahil pareho sila ng daan pauwi.”

“Hahahahahahaha!!”

Nakisali na din ako sa pagtawa dahil sa pang-aasar nina Den at Sarah kay Kristine. Naglalakad kasi kami palabas ng school kasi papunta kami sa mall para maggala muna after ng exam naming nakakamatay. Itong si Kristine ay gusto na daw umuwi dahil “may gagawin” daw sya kaya ayan niloloko nung dalawa. Alam naman kasi naming lima na deads na deads yang si Tinay kay Leandro kahit mas bata samin ng isang taon yun. 3rd year na kasi kami at sa kasamaang palad ay puro wala kaming boyfriend, eh, ang gaganda naman naming apat. Hehehe.

Tapos napansin ko na nakangiti lang ang isang bestfriend ko. “Oy, babe. Bat wala kang imik dyan?”

Napatingin kami nina Sarah, Kristine at Den kay Yin. “H-Ha? Natawa kaya ako kanina pa dito kay Kristina.”

“Sus! Oy, Yin, si Alex Jeremy na naman yan, no?” Pang-aasar pa ni Den.

“Babe, tama na kakaisip kay Alex Jeremy, hayaan mo na yun. Iniisip ka din nun. Hehehe.” Natawa naman sya tapos nakarating kami sa gate.

“Bye, Kuya.” Paalam naming lima kay Manong Guard na naging friend na namen. ^_^

“Uy, wait lang. Regh, may nanghihingi nga pala ng number mo.” –Kuya Guard

Nagtinginan ang apat kong bestfriends sakin pati yung isang guard. Tapos… “Yiiiiieeee~!!”

“Oooy, may stalker si Regh!” –Kristine

“Ikaw na talaga, ‘teh!” –Sarah

“Babe, sino kaya yun? Baka si Joseph?” –Yin

“Huh? Sinong Joseph?” Nagtatakang tanong ko naman dahil puro kalokohan na naman tong mga to. Saka ako bumaling kay Kuya. “Hay nako, Kuya. Baka ine-echos mo lang ako. Sige na, ba-bye po.”

“Anong ine-echos? Pero totoong may nanghihingi ng number mo.”

“Nako, babe. Wag na. Kung gusto nya talaga, sya dapat mismo ang kumuha.”

“Ang kj mo, Yin! Sige na, Regh. Ibigay mo na!” –Den ^_^v

“Oo nga! Malay mo si ano pala yan. Hehehe.” –Kristine ^u^

“Oo nga, may lihim na pagtingin talaga yun sayo, eh.” –Sarah

“Ala… Ayoko nga. Baka mamaya hindi sya.”

“Eh, pa’no mo nga malalaman na hindi sya? Malay mo, eh, talagang nahihiya kaya pati itong si Kuya Guard ay kinutsaba.” –Kristine

“Eh, sige na, Regh! Try lang! Malay natin, eh, pogi! Hihihi~” –Den

Ito talagang si Den, eh, napakahilig sa pogi. “Ako na nga lang ang magsusulat ng number mo.” –Kristine

“Oy, teka!” Napatingin silang apat sakin. “Ako na nga.” Tapos nagngisihan sila, except kay Yin. Alam kong medyo salungat dito pero yae na nga. Wala naman sigurong masama? Tsaka si Kuya Guard naman ay mapagkakatiwalaan, eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mr. LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon