Summer Love (OneTagay)

83 5 2
                                    

Para toh sa isang bata na mas matanda pa sakin ng ilang buwan kung paano nangyari yun?! Ewan ko din hahahaha... Pero para sayo toh sana magustuhan mo at pagpasensyahan mo na kung tinigil ko ang pagbabasa ng story mo...

∞≈≈≈≈≈≈≈≈∞

"Ang daya mo naman nang-iwan ka agad di ko pa nga nasasabi sayo na mahal kita, iniwan mo na agad ako. Di ba nangako ka sakin na babalikan mo ko, bakit di ka na bumalik? Hinintay pa naman din kita nun tapos di kana bumalik at ang masakit dun hindi ka na talaga babalik di mo na ko binalikan" umiiyak ako habang sinasabi ko yan sa harap ng puntod nya. 14 years na din simula nung namatay sya pero hanggang ngayon di ko pa din sya kayang kalimutan.

°°°°°°FLASHBACK°°°°°°

"Troy tara punta tayo dun oh sa may bahay na maliit" yaya sakin ni Megan habang naglalaro kami.

"Eh wag na tayo pumunta dun sabi ni mama may multo daw dun" sabi ko naman sa kanya.

"Talaga?" tanong nya sakin na halatang di makapaniwala.

"Oo may white lady pa nga daw dyan tsaka dun sa puno na yun, sa puno yata ng kalamansi yun basta dun sa puno na malaki may nakatira daw na lalaking malaki dyan tapos nagsisigarilyo" -Ako

"Talaga? Nakakatakot naman pala dyan noh?! Bakit di kasi nila lagyan ng no smoking yung puno para di na magsigarilyo yung lalaki tsaka sabi sakin ni mommy masama daw sa health yung sigarilyo eh" -Megan

"Ewan ko. Tara sabihin natin kay lolo ko para di na magsigarilyo yung lalaking malaki" yaya ko naman sa kanya.

"Tara" kaya ayun pumunta kami kay lolo ko na nagsisibak ng kahoy sa likod ng bahay namin.

"Lolo ko lagyan po natin ng no.. no .. ano ba yun Meg" nakalimutan ko kasi yung sinabi ni Megan eh

"No Smoking po" sabi naman ni Meg

"Opo yun na nga yun. Lagyan po natin ng No Smoking yung puno para po hindi na magsigarilyo yung lalaking malaki dun" sabi ko naman sa lolo ko

"Opo tsaka po sabi ni mommy masama daw po sa health yung sigarilyo eh, baka po magkasakit yung lalaking malaki" pagpapatuloy naman ni Meg si lolo ko naman nakikinig lang samin.

"Hahaha mga apo ano bang mga pinagsasabi nyo? At anong lalaking malaki?" tanong naman ni lolo na natatawa.

"Yung lalaking malaki po sa puno na naninigarilyo" sabay na sabi namin ni Meg

"Haha mga bata talaga kayo. Eh hindi natin pwede lagyan ng ganun yun" sabi naman ni lolo

"Bakit po?" sabay na tanong namin ni Meg

"Dahil dun nakatira yung lalaking malaki na naninigarilyo" paliwanag naman ni lolo

"Paano po nakatira dun yung lalaking malaki?" tanong ko

"Oo nga po tsaka po wala naman pong bahay dun sa puno eh, hindi naman po tree house yung puno" pagsasang-ayon naman ni Meg

"Basta ang hirap ipaliwanag eh tsaka ko na sasabihin sa inyo pag medyo malaki na kayo. Osha may gagawin pa ko maglaro na ulit kayo pero wag kayong pupunta dun sa bahay at sa puno ha" sabi naman sa amin ni lolo.

"Opo" sabay na sabi namin ni Megan tsaka pumunta sa pinaglalaruan namin at naglaro na ulit.

"MEGAN" sigaw ng mommy ni Megan mula sa loob ng bahay nila.

"MOMMY BAKIT PO?" sigaw din ni Megan para marinig sya ng mommy nya. Lumabas naman ang mommy nya mula sa loob ng bahay nila.

"Oh nandito lang pala kayo eh kanina pa kita hinahanap" sabi ng mommy ni Megan pagkalabas

Summer Love (OneTagay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon