Chapter 10

102 5 0
                                    

Lorraine's POV:

Hindi ko na mapigilan yung luha kong tumulo nung narinig ko yung mga sinasabi ng nasa paligid ko. Kahit ayaw kong ipakita sa kanilang lahat na mahina ako, hindi ko maiwasan na lumuha sa harap ng maraming tao nang biglang....

"SHUT UP YOU SLUT!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Pierre. Hindi ko alam kung sino yung sinabihan nya nun dahil hindi ko na inisip pang tumingin at lumingon pa sa mga taong nasa harapan ko. Masyado na akong napahiya. 

Napatigil ang lahat sa pagbubulungan. Ngayon ko lang din kasi nakita si Pierre ng ganun ang expression. Nakakatakot. Kahit napakagwapo at napaka amo ng muka nya, kinilabutan pa rin ako sa ginawa nya.

I noticed that someone was walking towards me kahit medyo nakayuko ang ulo ko dahil sa pagalaw ng shadow sa harapan ko.

"Why are you here?" sarcastic na tanong ni Cent.

"We're... No, I am here to clean things up" hindi ko na napigilan yung panginginig ng boses ko. Alam ko naman na yung susunod na mangyayari sa akin eh...

IIYAK AKO

Pinunasan ko na yung luha sa mga mata ko para hindi na ito magtuloy-tuloy pa. Hindi ko rin kasi alam ang mararamdaman ko ngayong nasa harap ko na si Cent.

Dapat ba na maguilty ako? Or should I be sorry? WALA AKONG IDEA KUNG ANONG DAPAT KONG MARAMDAMAN SA MGA ORAS NA 'TOH

"You? I don't know you so you don't need to clean things up but if you want to, you can mess with me anytime you want" sabay smirk na sobrang nakakainis.

Matapos kong marinig yung mga sinabi nya, naramdaman ko na lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko at tingin ko para akong bulkan na sasabog na sa galit.

Ano daw? ALLERGIC SA BABAE?! Eh kulang na lang hubaran nya yung mga kasayaw nya sa dance floor sa sobrang in-contact nila eh. 

Ayoko na ng ganito. Masyado na nila akong tinatapakan. Hindi na tama na hayaan ko lang sila na tawanan ako. Ipapakita ko sa buong mundo na kaya kong lagpasan ang kung sino man sa pagkakataong ito. Napapagod na ako. Oras na para ibahin ko na ang tingin sa akin ng mga tao.

"I don't know you too fucking asshole" sabay sapal ng napakalakas kay Cent sa pisngi.

"What's the matter with you!" pasigaw na sinabi ni Cent habang hawak-hawak nya ung pisngi nya na ngayon ay pulang pula.

Nagsmirk ako at nakita ko si Pierre na gulat na gulat sa ginawa ko. Pero TAKE NOTE, sa lahat ng nagulat sa ginawa ko, sya pa yung nakita kong medyo nakangisi. Ewan ko kung bakit pero nag boost ung self-confidence ko ng makita ko yung reaksyon ni Pierre. That was the perfect time to make a response to what Cent said.

"You told me that I can mess around with you anytime I want right?"

After saying those words parang nanghina ako bigla. Buti na lang at nilapitan ako ni Pierre kung hindi siguradong manlulumo ako sa ginawa ko.

"Let's go Aine. We still have a lot of work to do"

Hinatak ako ni Pierre palabas ng bar. I wasn't able to hold back my tears so basta na lang itong kumawala sa mga mata ko habang hawak ni Pierre ang kamay ko. When we were out of the crowd he called my name.

"Aine?"

I wasn't able to look at him pero alam kong naramdaman nya ung pagkuyom ng kamay ko. Galit na galit ako. Hindi kay Cent kundi sa sarili ko. Bakit ko ba kasi hinayaan na mangyari pa ang mga bagay na kagaya nito.

Long Lost Love (on - going series, a sequel with the story "Under My Bed Sheet")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon